DOF chief, naniniwalang lalago ang GDP ng bansa sa ikalawang bahagi ng taon

Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na babawi ang economic growth ng bansa sa pangalawang bahagi ng taon. Sa kaniyang weekend press briefing, sinabi ni Diokno na mas mabilis ang second half growth dahil sa ‘accelerated spending efforts’ ng gobyerno. Paliwanag ng kalihim, kaya bumagal ang paglago sa unang bahagi ng taon ay dahil bigo… Continue reading DOF chief, naniniwalang lalago ang GDP ng bansa sa ikalawang bahagi ng taon

Direktiba ni PBBM na gamiting pantulong sa mga magsasaka ang sobrang koleksyon ng RCEF, pinuri ni Speaker Romualdez

Welcome para kay House Speaker Martin Romualdez ang atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Department of Agriculture (DA) na gamitin ang sobrang koleksyon ng taripa mula sa bigas para tulungan ang mga magsasaka. Batay sa direktiba ni Pangulong Marcos, Jr. sa DA, anomang kita na sosobra sa ₱10-billion na kailangan sa RCEF o… Continue reading Direktiba ni PBBM na gamiting pantulong sa mga magsasaka ang sobrang koleksyon ng RCEF, pinuri ni Speaker Romualdez

Pulis na nasibak sa pagpapahinto ng trapiko dahil sa VIP, pinababalik sa pwesto ni QC Mayor Belmonte

Hiniling ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kay Quezon City Police District (QCPD) Director Brigadier General Redrico Maranan na ibalik na sa pwesto ang nasibak na pulis na si Executive Master Sergeant Verdo Pantollano dahil sa viral video na pagpapahinto ng trapiko sa Commonwealth Avenue. Ginawa ng alkalde ang panawagan matapos sabihin ni Acting Metropolitan… Continue reading Pulis na nasibak sa pagpapahinto ng trapiko dahil sa VIP, pinababalik sa pwesto ni QC Mayor Belmonte

Ilang trike drivers sa QC, umaasang magtuloy-tuloy na ang bigtime rollback sa gasolina

Good news para sa mga tricycle driver sa Maharlika Street, sa Quezon City ang pagpapatupad ng panibagong bigtime rollback sa presyo ng gasolina. Ngayong araw, epektibo na ang rollback na: • Diesel – ₱2.45/liter• Gasolina – ₱3.05/liter• Kerosene – ₱3.00/liter Ayon kay Mang Ferdinand, malaking bagay na rin ito dahil kahit papano ay may pandagdag… Continue reading Ilang trike drivers sa QC, umaasang magtuloy-tuloy na ang bigtime rollback sa gasolina

Contingent fund, maaaring gamitin para asistehan ang mga Pilipinong naiipit sa gulo sa Israel

Tinukoy ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin ang contingent fund para pagkunan ng pondo sakaling magpatupad na ng repatriation para sa mga Pilipino na naiipit ngayon sa gulo sa Israel dahil sa pag-atake ng grupong Hamas. Ayon sa vice-chair ng Appropriations Committee, isa sa maaaring paggamitan ng contingent fund ay… Continue reading Contingent fund, maaaring gamitin para asistehan ang mga Pilipinong naiipit sa gulo sa Israel

Ilang dayuhan, nahuling gumagamit ng Philippine passport para makapasok sa bansa

Isang modus ng ilegal na pagpasok ng mga dayuhan sa bansa ang nabunyag sa pagdinig ng Senado sa panukalang pondo ng Department of Justice (DOJ). Sa pagdinig, ibinahagi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na nasa 10 dayuhan na ang nahuli nilang sumubok na makapasok ng Pilipinas gamit ang lehitimong Philippine passports. Ipinaliwanag… Continue reading Ilang dayuhan, nahuling gumagamit ng Philippine passport para makapasok sa bansa

PhilHealth, bukas sa anumang imbestigasyon sa nangyaring data breach sa kanilang sistema

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na handa itong humarap sa anumang imbestigasyon sakaling kailanganin. Kaugnay pa rin ito sa nangyaring data breach sa online system ng State Health Insurer matapos ang pag-atake ng Medusa ransomware syndicate. Ayon kay PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma, patuloy ang kanilang ugnayan sa iba’t ibang mga ahensya… Continue reading PhilHealth, bukas sa anumang imbestigasyon sa nangyaring data breach sa kanilang sistema

Publiko, kinalma ng PNP makaraan ang sunod-sunod na mga naitatalang kaso ng bomb threat

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad na makapamiminsala sa kaayusan at kapayapaan ng bansa. Ito ang pagtitiyak ng PNP makaraan ang sunod-sunod na mga naitatalang kaso ng bomb threat, partikular na sa mga paliparan noong isang linggo. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col.… Continue reading Publiko, kinalma ng PNP makaraan ang sunod-sunod na mga naitatalang kaso ng bomb threat

DND, makikipagtulungan sa DepEd at CHED sa pagsulong ng mandatory ROTC Program

Paiigtingin ng Department of National Defense (DND) ang kolaborasyon sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para isulong ang mga programa sa estudyante kabilang ang mandatory Reserve Officer Training Corps (ROTC) Program. Ito ang inihayag ni DND Senior Undersecretary Irineo Espino na kumatawan kay DND Secretary Gilbert Teodoro sa pagbubukas ng… Continue reading DND, makikipagtulungan sa DepEd at CHED sa pagsulong ng mandatory ROTC Program

Mas masusing pagsusuri sa ikinamatay ng Grade 5 student na sinampal ng guro, isasagawa ng PNP forensic group

Magsasagawa ng mas masusing pagsusuri ang Philippine National Police (PNP) Forensic Group sa ikinamatay ng Grade 5 student matapos umanong sampalin ng guro. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame sinabi ni Dr. Hector Sorra, ang medicolegal division chief ng PNP Forensic Group, na magsasagawa na rin sila ng histopath exam sa labi ng biktimang si Francis… Continue reading Mas masusing pagsusuri sa ikinamatay ng Grade 5 student na sinampal ng guro, isasagawa ng PNP forensic group