Senador Villanueva, naghain ng resolusyon para parangalan ang pagkapanalo ng Gilas Pilipinas sa Asian Games

Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng isang resolusyon para parangalan ang Gilas Pilipinas National Men’s Basketball team para sa pagkakasungkit nila ng gintong medalya sa 19th Asian Games. Sa ilalim ng Senate Resolution 822 ni Villanueva, nagawa ng Gilas Pilipinas na maputol ang 61 na taong pagkakabigo ng Pilipinas na manalo sa basketball… Continue reading Senador Villanueva, naghain ng resolusyon para parangalan ang pagkapanalo ng Gilas Pilipinas sa Asian Games

‘Demanda Me’ modus ng ilang undesirable aliens sa Pilipinas, isiniwalat ng DOJ

Nabunyag sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2024 budget ng Department of Justice (DOJ) ang tinaguriang “Demanda Me” system kung saan nagbabayad ang mga foreign nationals para sampahan sila ng kaso dito sa ating bansa. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, napansin nilang ginagawa ito ng mga dayuhan para hindi sila mapa-deport at mapaalis… Continue reading ‘Demanda Me’ modus ng ilang undesirable aliens sa Pilipinas, isiniwalat ng DOJ

Office of the Solicitor General, handang ibigay sa ibang ahensyang nangangailangan ang kanilang confidential fund

Nagpahayag ang Office of the Solicitor General na handa nilang isuko ang kanilang confidential fund para sa susunod na taon. Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang 2024 budget ng Department of Justice (DOJ), sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na nasa P19.2 million ang inilaan sa kanilang confi fund sa ilalim ng… Continue reading Office of the Solicitor General, handang ibigay sa ibang ahensyang nangangailangan ang kanilang confidential fund

Dagdag pondo para sa training ng mga bagong NBI agents, hinihiling sa Senado

Nanghihingi ng tulong sa Senado ang National Bureau of Investigation (NBI) para mapataas ang bilang ng kanilang mga agents sa buong bansa. Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang 2024 budget ng Department of Justice (DOJ), sinabi ni NBI Director Medardo De Lemos na sa ngayon ay wala pang 500 ang NBI agents… Continue reading Dagdag pondo para sa training ng mga bagong NBI agents, hinihiling sa Senado

DMW, nakahandang magbigay ng tulong sa mga OFW sa Israel

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DWM) sa mga overseas Filipino worker sa Israel na nakahanda itong magbigay ng tulong sa kanila. Ito ay sa gitna ng “state of war” at tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Palestine. Sa isinagawang teleconference siniguro ni DMW officer-in-charge Undesecretary Hans Leo Cacdac at Ambassador to Israel Pedro… Continue reading DMW, nakahandang magbigay ng tulong sa mga OFW sa Israel

DOTr, iniimbestigahan na ang alegasyon ng korapsyon sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program

Iniimbestigahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang umano’y korapsyon sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ito ay matapos na isiwalat ni Manibela Chairman Mar Valbuena na mayroon umanong katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) gaya ng pagbibigay ng lagay para mai-award ang prangkisa at ruta. Sa isang pahayag,… Continue reading DOTr, iniimbestigahan na ang alegasyon ng korapsyon sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program

Isang linggong selebrasyon ng ika-48 anibersaryo ng NHA, umarangkada na

Sinimulan na ng National Housing Authority (NHA) ang isang linggong selebrasyon ng ika-48 taong anibersaryo nito. Ang aktibidad ay may temang: “NHA sa Bagong Yugto: Subok na Serbisyo, Kaloob ay Pabahay Para sa Pamilyang Pilipino.” Nakasentro ang selebrasyon sa mga accomplishments ng ahensya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay… Continue reading Isang linggong selebrasyon ng ika-48 anibersaryo ng NHA, umarangkada na

Muling pagbuhay ng “Bicol Express” o South Long-Haul project, magdadala ng paglago ng ekonomiya sa katimugang Luzon

Naniniwala si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na magdudulot ng accelerated economic growth sa Southern Luzon ang revival ng “Bicol Express”. Ayon kay Yamsuan, magsisilbing game changer ang Bicol Express Rail Line ng Philippine National Railways dahil makalilikha ito ng daang libong trabaho para sa mga Bicolano. Base sa pagtataya ng konstruksyon ng… Continue reading Muling pagbuhay ng “Bicol Express” o South Long-Haul project, magdadala ng paglago ng ekonomiya sa katimugang Luzon

Pandemic Funds 8th Governing Board Meeting dinaluhan ng Pilipinas sa pangunguna ni Finance Secretary Benjamin Diokno

Pinangunahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang delegasyon ng Pilipinas para sa  dalawang araw na Pandemic Funds 8th Governing Board Meeting  sa Marrakech, Morocco. Layon ng pagpupulong na talakayin ang mga aral mula sa First Call of Proposals (FCP), kung saan inaprubahan ang 19 projects na nagkakahalga ng USD338.4-million. Ang Pandemic Fund ay multi-stakeholder global… Continue reading Pandemic Funds 8th Governing Board Meeting dinaluhan ng Pilipinas sa pangunguna ni Finance Secretary Benjamin Diokno

Sundalo, nasawi sa enkwentro sa NPA sa Laur, Nueva Ecija

Kinumpirma ng 7th Infantry Division na isang sundalo ang nasawi matapos makasagupa ng kanilang mga tropa ang NPA sa San Fernando, Laur, Nueva Ecija, kahapon. Ayon kay 7th Infantry Division Public Affairs Chief Major Jimson Masangkay, binawian ng buhay ang sundalong sugatan habang nilalapatan ng lunas. Kanya namang pinabulaanan ang mga balitang kumalat sa social… Continue reading Sundalo, nasawi sa enkwentro sa NPA sa Laur, Nueva Ecija