Fare matrix, di na kailangan sa pagpapatupad ng ₱1 dagdag-pasahe sa jeep — LTFRB

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na kailangan ng mga operator at tsuper na magpaskil ng fare matrix o taripa sa pagpapatupad ng taas-pasahe sa pampasaherong jeepney. Ayon sa LTFRB, maaari nang maningil agad ng pisong dagdag-pasahe ang mga driver dahil ang inaprubahang taas-pasahe ay provisional o pansamantala lamang. Ibig… Continue reading Fare matrix, di na kailangan sa pagpapatupad ng ₱1 dagdag-pasahe sa jeep — LTFRB

Taas-pasahe sa jeep, di pa naipatutupad ng ilang mga tsuper sa West Ave, QC

Hindi pa nakakapaningil ng ₱1 taas-pasahe ang mga jeepney driver na may byaheng Delta sa West Avenue, Quezon City. Sa panayam sa RP1 team, sinabi ng mga tsuper na kahit naaprubahan na ay nag-aalangan pa silang ipatupad ito dahil wala pa silang hawak na taripa o fare matrix. Ayon din kay Mang Emmanuel, jeepney driver,… Continue reading Taas-pasahe sa jeep, di pa naipatutupad ng ilang mga tsuper sa West Ave, QC

Mga senador, ipinanawagan ang agad na repatriation at ayuda para sa mga Pilipinong nasa Israel

Nanawagan ang mga senador sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tiyakin ang magiging kaligtasan ng mga kababayan nating nasa Israel sa gitna ng gulo sa pagitan ng Israeli forces at ng Palestinian militant group na Hamas. Sa isang pahayag, kinondena ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang karahasan laban sa mga inosenteng sibilyan at… Continue reading Mga senador, ipinanawagan ang agad na repatriation at ayuda para sa mga Pilipinong nasa Israel

Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, inerekomenda na kanselahin ang mga flights mula Pilipinas patungong Israel

𝐄𝐌𝐁𝐀𝐇𝐀𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐓𝐄𝐋 𝐀𝐕𝐈𝐕, 𝐈𝐍𝐄𝐑𝐄𝐊𝐎𝐌𝐄𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐍𝐒𝐄𝐋𝐀𝐇𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐅𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐑𝐀𝐄𝐋 Nagpalabas ng abiso ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na dahil sa delikadong sitwasyon ngayon sa Israel, inirekomenda nila na lahat ng paglalakbay mula sa Pilipinas patungo ng bansa ay ipagpaliban na muna o hanggang ang sitwasyon doon… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, inerekomenda na kanselahin ang mga flights mula Pilipinas patungong Israel

Tagumpay ng PH delegation sa 19th Asian Games, binigyang papuri ni Speaker Romualdez

Papuri at pagkilala ang ipinapaabot ni House Speaker Martin Romualdez at ng buong House of Representatives sa delegasyon ng Pilipinas sa kanilang hindi matatawarang performance sa katatapos na 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China. “The achievements of the Philippine delegation, including securing medals and setting new records, demonstrate the dedication, hard work, and… Continue reading Tagumpay ng PH delegation sa 19th Asian Games, binigyang papuri ni Speaker Romualdez

NEDA Chief, nagpaalala sa posibleng paggalaw ng interest rate ng bansa bunsod ng mataas na inflation

Nagpaalala si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kung sakaling muling itataas ang kasalukuyang interest rate sa bansa. Ayon kay Secretary Balisacan, kung itataas ang interest rate, ay magsusunuran din ang pagtaas ng production cost at magdudulot sa pagbaba ng demand. Sinabi ni Balisacan na kahit hindi siya bahagi ng Monetary Board,… Continue reading NEDA Chief, nagpaalala sa posibleng paggalaw ng interest rate ng bansa bunsod ng mataas na inflation

VP Sara, nagbigay ng hanggang ngayong araw sa DepEd Regional Office 4A para resolbahin ang kaso ng Grade 5 pupil na nasawi matapos ang pananampal sa kaniya ng guro sa Antipolo City

Inatasan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kanilang Regional Office sa CALABARZON para resolbahin ang kaso ni Francis Jay Gumikib. Si Francis Jay ang Grade 5 pupil ng Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City na nasawi ilang araw matapos na makaranas ng pananakit mula sa guro nito noong isang buwan. Ayon kay… Continue reading VP Sara, nagbigay ng hanggang ngayong araw sa DepEd Regional Office 4A para resolbahin ang kaso ng Grade 5 pupil na nasawi matapos ang pananampal sa kaniya ng guro sa Antipolo City

Drug suspek, nakunan ng ₱1.3-M halaga ng shabu sa Tondo

Arestado ng Philippine National Police- Drug Enforcement Group (PDEG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang notorious drug suspek sa Tondo na nakunan ng ₱1.3-milyong pisong halaga ng shabu. Sa ulat ni PDEG Director Police Col. Dionisio Bartolome Jr. kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.,kinilala ang arestadong suspek na si Croisito Cubilla… Continue reading Drug suspek, nakunan ng ₱1.3-M halaga ng shabu sa Tondo

PhilHealth, umapela ng pakikiisa sa publiko upang masupil ang data breach sa kanilang sistema

Muling nanawagan ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa publiko na maging mapagmatyag at gawin ang ibayong pag-iingat. Ito’y kasunod ng naging pag-atake ng Medusa ransomware sa online system ng State Health Insurer nitong Setyembre. Ayon sa PhilHealth, nabatid na ipinakakalat umano ng mga hacker ng Medusa ang mga datos na kanilang nakuha mula… Continue reading PhilHealth, umapela ng pakikiisa sa publiko upang masupil ang data breach sa kanilang sistema

Mga tsuper ng jeep sa Maynila, hindi pa nagtataas ng pamasahe ngayong araw

Nanatili pa rin sa P12 ang minimum fare na singil ng mga jeepney driver dito sa Maynila. Ito ay sa kabila ng pag-approve ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dagdag pisong pamasahe para sa Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) epektibo ngayong araw. Ayon kay Mang Bong Dante, driver ng jeepney na biyaheng… Continue reading Mga tsuper ng jeep sa Maynila, hindi pa nagtataas ng pamasahe ngayong araw