Ilang int’l flights ng Air Asia, kanselado ngayong araw hanggang bukas dahil sa sama ng panahon

Kanselado ang ilang flights ng Air Aisa ngayong araw hanggang Biyernes dahil sa naitalang sama ng panahon sa kanilang destinasyon. Ayon sa Air Asia, kanselado ang mga flights ng Z2 7148 Cebu-Taipei, Z2 7149 Taipei-Cebu, Z2 128 Manila-Taipei. Habang kanselado rin ang flight bukas, August 4,flight Z2 129 Taipei-Manila. Ang naturang dalawang araw na flight… Continue reading Ilang int’l flights ng Air Asia, kanselado ngayong araw hanggang bukas dahil sa sama ng panahon

3 katao, sinampahan ng illegal recruitment ng NBI

Patong-patong na kaso ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tatlong kataong umano’y nasa likod ng malawakang illegal recruitment sa isang kolehiyo sa Camarines Sur. Kabilang sa sinampahan ng Syndicated/Large Scale Illegal Recruitment at Estafa sina Carmelo Carcido, Demittri Carcido at Marchan Villar. Ayon sa NBI, nag-ugat ang kaso sa inilapit na report… Continue reading 3 katao, sinampahan ng illegal recruitment ng NBI

2 LEDAC measures, agad naaprubahan sa Kamara 10 araw matapos ang SONA

Dalawa agad sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority measures ng pamahalaan ang inaprubahan ng Kamara, 10 araw matapos magbalik sesyon at State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo. Una rito ang House Bill 8443 o panukala na magtatatag sa Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS). Sa pamamagitan nito ay tutukuyin ang… Continue reading 2 LEDAC measures, agad naaprubahan sa Kamara 10 araw matapos ang SONA

Caloocan LGU, nakipagpulong sa DPWH at SMC kaugnay sa isyu ng pagbaha sa Quirino Highway

Ipinatawag sa isang pulong ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at San Miguel Corporation (SMC) para sa agarang pagresolba sa nararanasang pagbaha sa Quirino Highway. Ayon sa alkalde, nais nitong mahanapan ngsolusyon ang pagbaha sa Quirino Highway upang maibsan ang perwisyong naidudulot… Continue reading Caloocan LGU, nakipagpulong sa DPWH at SMC kaugnay sa isyu ng pagbaha sa Quirino Highway

Hunger rate nitong Hunyo, umabot sa 10.4% — SWS

Bahagyang nadagdagan ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan ayon yan sa survey ng Social Weather Station (SWS). Batay sa June 2023 SWS survey, lumalabas na nasa 10.4% na mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan. Mas mataas ito sa 9.8%… Continue reading Hunger rate nitong Hunyo, umabot sa 10.4% — SWS

Lebel ng tubig sa Marikina River, umakyat na sa ikalawang alarma

Nanatiling nasa unang alarma ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong umaga. Inakyat ang unang alarma pasado alas-5 ng umaga at ngayon ay umakyat na sa 15.9 meters ang lebel ng tubig ngayong umaga. Point one meter na lamang at maaring umakyat na ito sa ikalawang alarma, kaya’t nakahanda na ang Marikina 161 sa… Continue reading Lebel ng tubig sa Marikina River, umakyat na sa ikalawang alarma

Naipaabot na ayuda sa mga apektado ng habagat at bagyong Egay, sumampa na sa ₱200-M

Tuloy-tuloy pa rin ang distribusyon ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng pananalasa ng habagat at bagyong Egay. Batay sa pinakahuling datos mula sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, umakyat pa sa ₱214-million ang halaga ng assistance na naipamahagi ng Department of Social Welfare… Continue reading Naipaabot na ayuda sa mga apektado ng habagat at bagyong Egay, sumampa na sa ₱200-M

Bahagi ng NLEX northbound sa San Simon, Pampanga, nagkakaroon na ng build-up ng trapiko

Nagsisimula na namang magkaroon ng build-up ng trapiko sa bahagi ng North Luzon Expresswat (NLEX) sa San Simon, Pampanga dahil sa pagbaha pa rin na umaabot sa kalsada. Sa abiso ng NLEX, as of 6:23am ay nasa higit isang kilometro na ang pila ng mga sasakyan sa NLEX northbound patungong San Simon, Pampanga. Dahil dito,… Continue reading Bahagi ng NLEX northbound sa San Simon, Pampanga, nagkakaroon na ng build-up ng trapiko

Manila LGU, nagdeklara na ng walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan

Suspendido na rin ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas, mapa-pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Maynila ngayong araw. Ito’y ayon sa Pamahalaang Lungsod bunsod ng magdamagang pagbuhos ng ulan na nagresulta na ng mga pagbaha sa ilang dako ng lungsod. Alinsunod na rin ito sa rekomendasyon ng Manila Disaster Risk Reduction… Continue reading Manila LGU, nagdeklara na ng walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan

Panukalang pondo ng DPWH para sa susunod na taon, bubusiing mabuti ni Sen. Cayetano

Susuriin ni Senador Alan Peter Cayetano ang magiging panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa susunod na taon, partikular ang pondo nito para sa flood control projects. Ito ay kaugnay pa rin ng pagpuna ng mga senador sa patuloy na problema sa pagbaha sa bansa tuwing tag-ulan. Pinunto ni Cayetano… Continue reading Panukalang pondo ng DPWH para sa susunod na taon, bubusiing mabuti ni Sen. Cayetano