Resolusyong nagpapahayag ng pagkondena ng Senado sa harassment at panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, inaprubahan na ng Senado

Pinagtibay na ng Senado ang Senate Resolution 718 o ang resolusyong nagkokondena sa patuloy na harassment ng China sa mga mangingisdang Pinoy, at ang panghihimasok ng Chinese Coast Guard at Militia Vessels sa West Philippine Sea. Ang resolusyong ito ay pinasa matapos ang naging konsultasyon ng mga senador kina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, National… Continue reading Resolusyong nagpapahayag ng pagkondena ng Senado sa harassment at panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, inaprubahan na ng Senado

Pilipinas at Vietnam, palalakasin pa ang strategic partnership sa kabila ng maritime security threat sa South China Sea

Dapat na palakasin ng Pilipinas ang maritime cooperation nito sa Vietnam sa pamamagitan ng isang strategic partnership accord dahil parehong nalalagay ang dalawang bansa sa maritime security threat sa South China Sea, ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo. Sa kanyang talumpati sa Diplomatic Academy of Vietnam sa Hanoi, binigyang diin ng kalihim ang kahalagahan ng… Continue reading Pilipinas at Vietnam, palalakasin pa ang strategic partnership sa kabila ng maritime security threat sa South China Sea

Designasyon sa Teves Group bilang terorista, sumailalim sa tama at mabusising proseso, ayon sa ATC

Siniguro ng pamahalaan na dumaan sa tama at mabusising proseso ang pagdi-deklara kay Congressman Arnulfo Teves at sa armed group nito bilang terorista. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Justice Deputy Spokesperson Mico Clavano na mayroong mabigat na basehan ang designation na ito at kaya nila itong depensahan. “We would have been afraid if… Continue reading Designasyon sa Teves Group bilang terorista, sumailalim sa tama at mabusising proseso, ayon sa ATC

Pagturing kay NegOr Rep. Teves bilang terorista, may epekto sa imahe ng Kongreso ayon kay Manila Rep. Bienvenido Abante

Aminado si Manila Rep. Bienvenido Abante, miyembro ng House Committee on Ethics and Privileges na may epekto sa imahe ng Kamara ang pagturing kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. bilang isang terorista. Ayon kay Abante, inilalagay nito ang Kongreso sa scrutiny ng publiko. Ito ang unang pagkakataon na isang miyembro ng Mababang Kapulungan ay… Continue reading Pagturing kay NegOr Rep. Teves bilang terorista, may epekto sa imahe ng Kongreso ayon kay Manila Rep. Bienvenido Abante

Ilang opisyal ng DA at FTI, sinuspinde dahil sa pagbili ng sibuyas para sa KADIWA

Pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman ang ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Incorporated (FTI) dahil sa pagbili ng mga sibuyas para sa Kadiwa Food Hub project. Sa inilabas na kautusan ni Ombudsman Samuel Martirez, sinuspinde sina DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, Administrative Officer Eunice… Continue reading Ilang opisyal ng DA at FTI, sinuspinde dahil sa pagbili ng sibuyas para sa KADIWA

Negosasyon para sa FTA sa pagitan ng Pilipinas at EU, inaasahang matatapos bago ang magwakas ng termino ni PBBM – DTI

Inaasahang matatapos ang negosasyon para sa Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at European Union bago magtapos ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya na matapos ang nasabing negosasyon bago… Continue reading Negosasyon para sa FTA sa pagitan ng Pilipinas at EU, inaasahang matatapos bago ang magwakas ng termino ni PBBM – DTI

Search and Rescue Operations sa tumaob na motorbanca sa Binangonan sa Rizal, tinapos na ng PH Coast Guard

Pormal nang tinapos ng Philippine Coast Guard (PCG) Binangonan Sub-station nito ang search, rescue and retrieval operations nito. Kaugnay iyan sa tumaob na MB Princess Aya Express, sa katubigang sakop ng Laguna de Bay nito lamang nakalipas na buwan sa kasagsagan ng paghagupit ng habagat na pinaigting ng bagyong Egay. Ayon sa PCG, nitong araw… Continue reading Search and Rescue Operations sa tumaob na motorbanca sa Binangonan sa Rizal, tinapos na ng PH Coast Guard

2024 National Expenditure Program, isusumite na ng DBM sa Kamara bukas

Isusumite na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang P5.768 trillion 2024 National Expenditure Program sa Miyerkules, August 2. Pangungunahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang pagsusumite ng panukalang pambansang pondo kay House Speaker Martin Romualdez. Bibigyang pagkakataon din ang DBM na ibahagi ang ilan sa mahahalagang nilalaman ng 2024 NEP. Una… Continue reading 2024 National Expenditure Program, isusumite na ng DBM sa Kamara bukas

US Marines, tumulong sa AFP sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Egay sa Batanes

Mabilis na tumugon ang United States Marine Corps (USMC) sa request for assistance ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para maghatid ng relief supplies sa mga biktima ng bagyong Egay sa Batanes. Ayon sa US Embassy, aktibong nagsasagawa ngayon ang USMC at AFP ng relief operations sa mga komunidad na apektado ng bagyo, kasunod… Continue reading US Marines, tumulong sa AFP sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Egay sa Batanes

Dating Pangulong Rodrigo Duterte, maaaring ikonsidera bilang backchannel negotiator sa China – Sen. Alan Peter Cayetano

Naniniwala si Senador Alan Peter Cayetano, na pwedeng ikonsidera ng pamahalaan si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang backchannel negotiator ng Pilipinas sa China hinggil sa isyu sa West Philippine Sea (WPS). Kung kailangan aniya ng ating bansa ng isang taong makakayang makipag-usap sa pinakamataas na lebel ng Chinese Government ay maaaring ikonsidera si dating Pangulong… Continue reading Dating Pangulong Rodrigo Duterte, maaaring ikonsidera bilang backchannel negotiator sa China – Sen. Alan Peter Cayetano