PAGCOR, nagbigay ng donasyon sa Office of the Vice President para sa mga proyekto at programa nito

Kapwa lumagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang Office of the Vice President (OVP) ngayong araw. Ito ay para sa pagkakaloob ng may P120 milyong donasyon ng PAGCOR sa OVP para suportahan ang iba’t ibang socio-civic initiatives ng nasabing tanggapan. Ayon sa PAGCOR, ang naturang pondo… Continue reading PAGCOR, nagbigay ng donasyon sa Office of the Vice President para sa mga proyekto at programa nito

Whole-of-nation na pagtugon sa nagbabadyang krisis sa bigas, ipinanawgan ng Batangas solon

Binigyang diin ni Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto ang kahalagahan ng whole-of-nation approach sa nagbabadyang krisis sa bigas at trigo. Ani Recto, kailangan paghandaan ng lahat ang nagbabadyang krisis na makakaapekto sa sikmura ng publiko. “Ito ang suntok sa sikmura na dapat paghandaan nating lahat. These developments are the sound of empty pots… Continue reading Whole-of-nation na pagtugon sa nagbabadyang krisis sa bigas, ipinanawgan ng Batangas solon

Ilang opisyal ng DA at FTI, sinuspinde ng ombudsman dahil sa maanomalyang onion procurement

Pinatawan ng Office of the Ombudsman ang ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Incorporated ng anim na buwang preventive suspension dahil sa kwestyunableng pagbili ng sibuyas sa Bonena Multipurpose Cooperative. Sa desisyon ng Ombudsman, kabilang sa mga sinuspinde sina DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, DA Administrative Officer V Eunice Biblanias, DA… Continue reading Ilang opisyal ng DA at FTI, sinuspinde ng ombudsman dahil sa maanomalyang onion procurement

Tulong ng PNP, hihilingin na ng LTO para sugpuin ang mga fixer sa buong bansa

Plano ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II na humingi ng tulong sa Philippine National Police (PNP) para habulin at sugpuin ang mga  fixer sa lahat ng tanggapan ng ahensya sa buong bansa. Kasama na rin sa target ng LTO na mapatigil ang mga social media na ginagamit ng mga fixer sa kanilang… Continue reading Tulong ng PNP, hihilingin na ng LTO para sugpuin ang mga fixer sa buong bansa

DBM, Civil Service Commission at Governance Commission for GOCC, pumirma ng kasunduan para sa night differential ng gov’t employees

Nilagdaan na ng Department of Budget and Management (DBM), Civil Service Commission (CSC), at Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations (GCG) ang Joint Circular kaugnay sa mga panuntunan sa pagbibigay ng night shift differential pay para sa mga kawani ng pamahalaan. Nilalayon ng joint circular na matiyak ang iisang interpretasyon sa polisiya at… Continue reading DBM, Civil Service Commission at Governance Commission for GOCC, pumirma ng kasunduan para sa night differential ng gov’t employees

Mga nagsilikas na mga residente sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur, nakauwi na

Nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang mga residente ng Brgy. Bigaan, Hinatuan, Surigao del Sur na napilitang magsilikas dahil sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng New People’s Army (NPA) sa nasabing barangay noong nakaraang linggo. Bago pa man inihatid ang mga Internally Displaced Persons (IDPs) ay personal na bumisita sina Hinatuan… Continue reading Mga nagsilikas na mga residente sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur, nakauwi na

Ingklusibong edukasyon at pamayanan para sa mga Pilipinong may kapansanan sa paningin, isinulong ngayong White Cane Safety Day

Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan para maitaguyod ang pagkakaroon ng ingklusibong lipunan para sa mga Pilipinong may kapansanan sa paningin. Ito ang naging sentro ng kick-off celebration ngayong araw ng 2023 White Cane Safety Day na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na miyembro ng White Cane Inter-Agency Committee. Nagsilbing panauhing pandangal sa selebrasyon… Continue reading Ingklusibong edukasyon at pamayanan para sa mga Pilipinong may kapansanan sa paningin, isinulong ngayong White Cane Safety Day

Suplay at presyo ng asukal, nananatiling matatag sa kabila ng pagtama ng habagat at Bagyong Egay — SRA

TIniyak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na walang magiging epekto sa suplay at maging sa presyo ng asukal ang mga pag-ulang dulot ng habagat at ng bagyong Egay. Ayon kay SRA Administrator Paul Azcona, bagamat nakaranas din ng mga pag-ulan ang mga tubohan sa Negros ay hindi naman ito gaanong nakaapekto sa mga pananim, at… Continue reading Suplay at presyo ng asukal, nananatiling matatag sa kabila ng pagtama ng habagat at Bagyong Egay — SRA

Watawat ng Pilipinas, itinaas ng incoming Army Chief sa Bakkungan Island sa sourthern border ng bansa

Pinangunahan ni Western Mindanao Command (Westmincom) at incoming Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido and pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa kauna-unahang flag-pole na itinayo sa Bakkungan island, Tawi-Tawi. Ayon kay Lt. Gen. Galido, ang aktibidad sa Bakkungan Island, ay para ipakita ang pagpagpalit ng postura ng Westmincom mula sa internal security tungo sa… Continue reading Watawat ng Pilipinas, itinaas ng incoming Army Chief sa Bakkungan Island sa sourthern border ng bansa

Agricultural Credit Policy Council, may alok na pautang sa agri-fisheries sector na nasalanta ng bagyo

Abot na sa P200 milyong pondo ang inilaan ng Department of Agriculture-Agricultural Credit Policy Council para sa mga magsasaka at mangingisda na sinalanta ni bagyong Egay. Sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program, maaring maka-avail ng pautang ang mga benepisyaryo ng hanggang P25,000. Babayaran nila ito sa loob ng tatlong taon ng walang… Continue reading Agricultural Credit Policy Council, may alok na pautang sa agri-fisheries sector na nasalanta ng bagyo