Mga nasawi sa bagyong Egay, 13 na

Umaabot na sa 13 ang mga napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Egay. Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw, anim sa naturang bilang ang kumpirmado habang ang pito ay bineberipika pa. Sa mga nasawi, lima ay mula sa CAR at isa sa Region 6. Mayroon ding napaulat… Continue reading Mga nasawi sa bagyong Egay, 13 na

Landslide, naitala sa lungsod ng Taguig

Isang landslide naitala sa bahagi ng bike lane ng C-5 Road, Brgy. Western Bicutan ngayong umaga. Ayon sa Taguig LGU, walang nasaktan o namatay mula sa mga pamilyang nakatira sa paligid ng lugar. Isinara ang bike lane at outermost lane ng C5 Road na katabi ng lugar ng insidente upang mabawasan ang pagyanig ng lupa… Continue reading Landslide, naitala sa lungsod ng Taguig

CAAP, iniimbestigahan na ang dahilan ng emergency landing ng isang R-44 helicopter sa Bukidnon kahapon

Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) ang nangyaring emergency landing ng isang R-44 Helicopter sa Sitio Babahagon, Lantapan, Bukidnon kahapon. Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio na inatasan na ng CAAP ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board sa pangunguna ni Mr. Reineer Baculinao para mag-imbestiga sa nasabing insidente. Batay sa… Continue reading CAAP, iniimbestigahan na ang dahilan ng emergency landing ng isang R-44 helicopter sa Bukidnon kahapon

Panawagan ni PBMM na reporma sa road user’s tax, welcome para sa 1-Rider Party-list solon

Ikinalugod ni 1-Rider Partylist First Representative Rodge Gutierrez ang pagtutok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng transportasyon matapos mabanggit sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang reporma sa Motor Vehicle Users’ Charge o MVUC . Para sa mambabatas, panahon nang maisaayos ang sistema ng MVUC partikular sa paggamit ng pondo… Continue reading Panawagan ni PBMM na reporma sa road user’s tax, welcome para sa 1-Rider Party-list solon

DOTr, LTFRB, muling nakipagdayalogo sa ilang transport group

Muling nakipagpulong ang Department of Transportation – Philippines (DOTr) at Transportation Franchising and Regulatory Board sa ilang mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon. Pinangunahan nina DOTr Secretary Jaime Bautista at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Teofilo Guadiz III ang pulong kung saan muling pinakinggan ang boses ng mga tsuper at operator… Continue reading DOTr, LTFRB, muling nakipagdayalogo sa ilang transport group

Ilang mambabatas, nagkasa ng rice subsidy program para sa mga taga-Zambales

Sinagot na ng ilang mambabatas ang rice subsidy para sa mga taga-Zambales. Sa pagtutulungan ng tanggapan ni Zambales 2nd District Representative Doris Maniquiz at Tingog Party-list Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre, ay maaari nang makabili ng 10 kilo ng bigas ang mga residente ng nagkakahalaga lang ng ₱200. Sa kasalukuyan, nasa ₱450 ang 10… Continue reading Ilang mambabatas, nagkasa ng rice subsidy program para sa mga taga-Zambales

Office of the Vice President, nagsagawa ng relief ops sa North Cotabato

Nagsagawa ang tangapan ng Office of the Vice President (OVP) ng relief operations sa bayan ng Pigcawayan, North Cotaabato. Nasa halos 169 ang bilang ng mga pamilyang nabigyan ng relief boxes matapos magkaroon ng malawakang pagbaha buhat ng southwest monsoon sa apat na barangay sa naturang bayan. Ito ang Barangay Bulucaon, Buluan, Poblacion 1, at… Continue reading Office of the Vice President, nagsagawa ng relief ops sa North Cotabato

Bilang ng namatay sa lumubog na bangka sa Talim Island, Binangonan, Rizal, umabot na sa 26 — PCG

Nasa 26 ang kumpirmadong nasawi matapos lumubog ang pampasaherong bangka sa Talim Island, Barangay Kalinawan, Binangonan, Rizal kahapon. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) isa sa nakikitang dahilan ng paglubog ay ang overloading ng motor bangka. Nagsiksikan umano ang mga pasahero sa kaliwang bahagi ng bangka noong humampas ang malakas na… Continue reading Bilang ng namatay sa lumubog na bangka sa Talim Island, Binangonan, Rizal, umabot na sa 26 — PCG

Ipo Dam, nagpapakawala pa rin ng tubig

Patuloy sa pagbabawas ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan dahil sa mga pag-ulang dulot ng Habagat. Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay umabot sa 101.31 ang water level sa Ipo Dam na lagpas pa rin sa spilling level ng dam na nasa 101 meters. Sinimulan pa kahapon ng alas-11… Continue reading Ipo Dam, nagpapakawala pa rin ng tubig

Valenzuela LGU, patuloy sa paghahatid ng libreng sakay sa mga binahang kalsada sa lungsod

Muling nag-deploy ng mga trak ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela para alalayan ang mga pasaherong hirap sumakay dahil sa ilang binahang kalsada. Kasunod na rin ito ng masungit pa ring panahon na may minsang pabugso bugsong ulan. Ngayong araw, naghahatid ng libreng sakay ang Valenzuela LGU sa mga lugar ng: As of 8am, naman ay… Continue reading Valenzuela LGU, patuloy sa paghahatid ng libreng sakay sa mga binahang kalsada sa lungsod