Yellow rainfall warning, nakataas sa Metro Manila, ilang karatig lalawigan

Nakataas ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at ilang lugar sa Luzon dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan na dulot ng Habagat at Bagyong Egay. Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, kaninang alas-8 ng umaga, umiiral ang yellow rainfall warning sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, at ilang bahagi… Continue reading Yellow rainfall warning, nakataas sa Metro Manila, ilang karatig lalawigan

2 dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig

Nagpakawala na ng tubig ang dalawang dam sa Luzon bunsod ng mga pag-ulang dala ng habagat at Bagyong Egay. Sa dam monitoring ng PAGASA Hydrometreology Division, walong gate ang binuksan sa Ambuklao Dam, habang anim naman sa Binga Dam. As of 6am, umabot na sa 751.30 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao, malapit sa… Continue reading 2 dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig

Quick Response Team ng DPWH, pinakikilos na para sa pagsasagawa ng clearing ops at emergency repairs sa mga apektadong lansangan sa Luzon dulot ng bagyong Egay

Handang-handa na rin ang Quick Response Teams ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para magsagawa ng mga emergency repairs at clearing operations sa mga kalsada o highway na naapektuhan ng super bagyong Egay sa Luzon. Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, 13 mga lugar ang kanilang natukoy na sarado partikular na sa Cordillera… Continue reading Quick Response Team ng DPWH, pinakikilos na para sa pagsasagawa ng clearing ops at emergency repairs sa mga apektadong lansangan sa Luzon dulot ng bagyong Egay

Pagpapaunlad pa ng BARMM at ng Halal Industry, napagkasunduan nina Pangulong Marcos Jr. at PM Anwar

Nagkasundo ang Pilipinas at Malaysia na patatagin pa ang mga ginagawang hakbang ng dalawang bansa sa pagsusulong ng kaunlaran sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa joint press statement kasama si Prime Minister Anwar Ibrahim, ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ang hakbang na ito ay bahagi ng pagpapatatag pa sa… Continue reading Pagpapaunlad pa ng BARMM at ng Halal Industry, napagkasunduan nina Pangulong Marcos Jr. at PM Anwar

DSWD, tiniyak ang sapat na pondo pang-ayuda sa mga apektado ng habagat at bagyong Egay

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon itong sapat na pondo para sa relief assistance sa mga apektado ng habagat at ng bagyong Egay. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tuloy-tuloy na ang koordinasyon ng kanilang ahensya sa mga LGU officials para mag-augment ng resources. Sinabi ng kalihim na batay na… Continue reading DSWD, tiniyak ang sapat na pondo pang-ayuda sa mga apektado ng habagat at bagyong Egay

Mga indibidwal na apektado ng habagat at bagyong Egay, higit 300,000 na — DSWD

Sumampa na sa higit 100,000 pamilya o katumbas ng 342,096 indibidwal ang apektado ng malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat at Bagyong Egay, batay yan sa pinakahuling datos mula sa Department of Social welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 26. Mula ito sa 813 na… Continue reading Mga indibidwal na apektado ng habagat at bagyong Egay, higit 300,000 na — DSWD

Ilang bahagi ng Malabon at Valenzuela, binaha

Dahil sa magdamagang ulan ay baha na naman ang ilang bahagi ng Malabon at Valenzuela. Sa inilabas na flood updates ng Valenzuela City Command, Control and Communication Center, as of 6am, nakararanas ngayon ng baha ang Macarthur Highway partikular ang Footbridge, Dalandanan (2-3 inches) pati ang Corner T. Santiago, Dalandanan (5-6) inches). Baha na rin… Continue reading Ilang bahagi ng Malabon at Valenzuela, binaha

Kamara, sisimulan na rin ang pagbabakuna ng COVID-19 bivalent vaccine sa susunod na buwan

Inaasahan na sa buwan ng Agosto ay masimulan na ang pagbabakuna ng COVID-19 bivalent vaccines sa Kamara. Ito ang inanunsyo ng House Medical and Dental services, matapos sumailalim sa orientation kasama ang Department of Health (DOH). Oras na maging available ang bakuna, sisimulan ang pagbabakuna sa mga empleyado ng House of Representatives at kanilang dependents… Continue reading Kamara, sisimulan na rin ang pagbabakuna ng COVID-19 bivalent vaccine sa susunod na buwan

₱117-M ayuda para sa mga sinalanta ng Super Typhoon Egay, inihahanda na ng Office of the Speaker at Tingog Party-list

Kabuuang ₱117-million na halaga ng relief goods at tulong pinansyal ang inilaan ng tanggapan ni Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list para sa mga biktima ng Super Typhoon Egay sa Northern Luzon. Ayon kay Romualdez, sisimulan ang pamamahagi ng tulong ngayong Huwebes. “We hope the aid will ease the pain and suffering of our people… Continue reading ₱117-M ayuda para sa mga sinalanta ng Super Typhoon Egay, inihahanda na ng Office of the Speaker at Tingog Party-list

Resolusyong iakyat sa UNGA ang usapin sa West Philippine Sea, pag-uusapan ng mga senador sa isang caucus

Magsasagawa ng caucus ang Senado sa Lunes tungkol sa inihaing resolusyon na naghihikayat sa pamahalaan na iakyat sa United Nations General Assembly (UNGA) ang aksyon ng China sa West Philippine Sea (Senate Resolution 659). Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na iimbitahan nila sa gagawing caucus sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, National Intelligence… Continue reading Resolusyong iakyat sa UNGA ang usapin sa West Philippine Sea, pag-uusapan ng mga senador sa isang caucus