DILG ,tiniyak ang patuloy na suporta sa”KADIWA NG PANGULO”

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na patuloy itong magpapatupad ng mga patakaran at programang sumusuporta sa programang “Kadiwa ng Pangulo.” Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr., patuloy nitong paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng national at local government upang maglagay ng mga regular na Kadiwa Center sa iba’t ibang… Continue reading DILG ,tiniyak ang patuloy na suporta sa”KADIWA NG PANGULO”

2nd show cause order laban kay PAO Chief Atty. Acosta, inilabas ng Korte Suprema

Muling nagpalabas ng show cause order ang Korte Suprema laban kay Public Attorney’s Office Chief, Atty. Percida Rueda – Acosta. Sa inilabas na kautusan ng Supreme Court en banc, inaatasan si Acosta na ipaliwanag kung balkit hindi siya dapat parusahan dahil sa pagpapalabas ng PAO Office Order No. 96. Magugunitang hiniling ni Acosta sa High… Continue reading 2nd show cause order laban kay PAO Chief Atty. Acosta, inilabas ng Korte Suprema

Revenue collection ng Bureau of Customs mula Enero hanggang Hulyo, tumaas ng mahigit 7%

Ipinagmalaki ngayon ng Bureau of Customs (BOC) na tumaas ang kanilang revenue collection sa unang pitong buwan ng taong kasalukuyan. Batay sa datos ng BOC, nakapagtala sila ng 7.4% na pagtaas sa kanilang revenue collection o katumbas ng may P476 bilyon Ito ay bunga ng pinaigting nilang kampanya kontra smuggling, na naglalayong malikom ang nararapat… Continue reading Revenue collection ng Bureau of Customs mula Enero hanggang Hulyo, tumaas ng mahigit 7%

50 gun owners, hindi na papayagang humawak ng baril ayon sa PNP-CSG

Kinumpirma ng Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) na nasa 50 gun owners ang hindi na papayagang humawak ng baril. Ayon kay PNP-CSG Director, P/BGen. Benjamin Silo Jr, ito’y dahil sa bigo ang mga nabanggit na mag-renew ng kanilang lisensya ng baril sa 2 magkahiwalay na okasyon. Sa kabila aniya ng mga paalala… Continue reading 50 gun owners, hindi na papayagang humawak ng baril ayon sa PNP-CSG

Philippine e-Visa, nakatakdang ilunsad sa Agosto 24

Nakatakdang magsagawa ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng soft-launch ng Philippine e-Visa system sa mga Philippine Foreign Service Posts sa China simula Agosto 24, bilang bahagi ng pagsisikap ng ahensya na pagbutihin pa ang consular services nito. Sa ilalim ng Philippine e-Visa, pahihintulutan ang mga foreign national na makapasok sa bansa bilang isang turista… Continue reading Philippine e-Visa, nakatakdang ilunsad sa Agosto 24

Migrant Workers Secretary Ople, naghain ng dalawang linggong wellness break matapos pumanaw ang mga kapatid

Naghain ng dalawang linggong wellness break si Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople matapos na pumanaw ang dalawa nitong nakatatandang kapatid na lalaki dahil sa lung cancer. Nagpasalamat naman si Ople kay sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang hiling at sa pagpapaabot nito pakikiramay. Ayon sa kalihim, kailangan niya ng… Continue reading Migrant Workers Secretary Ople, naghain ng dalawang linggong wellness break matapos pumanaw ang mga kapatid

Mga tatanggaping courtesy resignation ni PBBM mula sa hanay ng PNP, posibleng madagdagan pa – DOJ

Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na walang kahaharaping legal na usapin ang pagtanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mga courtesy resignation mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Ito ang inihayag ni justice Sec. Jesus Crispin Remulla kasunod ng pagtanggap ni Pangulong Marcos Jr. sa courtesy resignation ng may labing walong… Continue reading Mga tatanggaping courtesy resignation ni PBBM mula sa hanay ng PNP, posibleng madagdagan pa – DOJ

House leader, tiniyak na nahanapan na ng solusyon ang agam-agam sa MUP pension reform

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na nahanapan na ng solusyon ng Appropriations at Ways and Means Committee ang ilan sa isyu sa ipinapanukalang Military and Uniformed Personnel pension reform. Aniya, magkatuwang sina Appropriations Committee Chair Zaldy Co, Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, House Committee o Economic Affairs at think tank ng Kamara… Continue reading House leader, tiniyak na nahanapan na ng solusyon ang agam-agam sa MUP pension reform

CamSur solon, nanawagan sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang SONA bills ni Pangulong Marcos Jr.

Nanawagan si Camsur 2nd District Representative Lray Villafuerte sa Kongreso at sa publiko, na suportahan ang SONA bills ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang walang mamamayang Pilipino na maiiwan. Ayon kay Villafuerte, kailangang masustine o mag level ang public investment sa six priority areas na binanggit ng Pangulo upang matupad nito ang kanyang campaign promise.… Continue reading CamSur solon, nanawagan sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang SONA bills ni Pangulong Marcos Jr.

DTI, naglabas na ng SRP sa school supplies ngayong nalalapit na ang pasukan

Naglabas na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng suggested retail price (SRP) upang matulungan ang mga consumer sa pagbili ng mga gamit sa eskwela. Sa nasabing price guide, nakapaloob ang presyo ng partikular na brand ng mga notebook (composition, spiral, and writing), pad paper (Grades 1-4 and intermediate), lapis, ballpen, crayons, pambura, pantasa,… Continue reading DTI, naglabas na ng SRP sa school supplies ngayong nalalapit na ang pasukan