MMDA at pulisya, nagsagawa ng inspeksyon sa kahabaan ng Commonwealth Ave. para sa SONA sa Lunes

Nagsagawa na ng walkthrough sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ang ilang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), National Capital Region Police Office (NCRPO), Quezon City Police District (QCPD) at Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon kay MMDA General Manager Popoy Lipana, tinitingnan nila ang latag ng seguridad at paghahanda sa lugar bago ang State… Continue reading MMDA at pulisya, nagsagawa ng inspeksyon sa kahabaan ng Commonwealth Ave. para sa SONA sa Lunes

Mga electric cooperative, pinaghahanda na sa pagdating ni Tropical Depression Egay -NEA

Inalerto na ng National Electrification Administration (NEA) ang mga Electric Cooperative sa paparating na tropical depression Egay. Sa abiso ng NEA, kailangang magpatupad ng mga contingency measures ang mga apektadong ECs upang maibsan ang epekto ng sama ng panahon. Inaatasan na rin ang mga ECs na i-activate ang kanilang Emergency Response Organizations(ERO) kung kinakailangan. Dapat… Continue reading Mga electric cooperative, pinaghahanda na sa pagdating ni Tropical Depression Egay -NEA

Sen. Tolentino, umapela sa pamahalaan na patuloy na i-monitor ang ICC proceedings

Copy of Copy of cttee hearing - 1

Hinkayat ni Senate Committee on Justice Chairperson Senador Francis Tolentino ang gobyerno na patuloy na i-monitor ang mga paglilitis ng International Criminal Court (ICC) sa kabila ng naunang pahayag ng Malacañang na hindi na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa tribunal. Ipinaliwanag ni Tolentino na dapat ay alam pa rin ng ating pamahalaan ang nangyayari sa proceedings… Continue reading Sen. Tolentino, umapela sa pamahalaan na patuloy na i-monitor ang ICC proceedings

Tier 1 status ng Pilipinas sa paglaban sa human trafficking, dapat panatilihin — Sen. Legrada

Umaasa si Senate President Pro Tempore Loren Legarda na mapapanatili ng Pilipinas ang Tier 1 ranking nito pagdating sa paglaban sa human trafficking. Base kasi sa pinakabagong edisyon ng Trafficking in Persons (TIP) report na inilabas ng US Department of State, kinilala ang Pilipinas bilang isa sa 30 mga bansa na may pinakamataas na rating.… Continue reading Tier 1 status ng Pilipinas sa paglaban sa human trafficking, dapat panatilihin — Sen. Legrada

Motorcycle Academy, target buksan sa Agosto — MMDA

Target ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mabuksan ang kanilang Motorcycle Academy sa darating na Agosto. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Romando Artes, tinatapos na lang ng MMDA ang konstruksyon ng mga classroom para sa mga rider. Kung saan dalawang araw ang itatagal ng naturang training course sa mga rider at 100 participants… Continue reading Motorcycle Academy, target buksan sa Agosto — MMDA

MMDA, Honda Philippines, lumagda ng Memorandum of Agreement para sa pagsuporta sa Motorcycle Riding Academy

Lumagda ng isang Memorandum of Agreement ang ang Honda Philippines at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagsuporta nito sa Motorcycle Riding Academy ng mga motorcycle riders. Ayon kay MMDA Acting Chair Atty. Romando Artes, layon ng naturang MOA na magkaroong ng isang partnership ang MMDA at Honda Philippines sa pagbibigay nito ng motorcycle units… Continue reading MMDA, Honda Philippines, lumagda ng Memorandum of Agreement para sa pagsuporta sa Motorcycle Riding Academy

DND, nagpaabot ng pagbati kay Lt/Gen. Brawner bilang bagong AFP Chief of Staff

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Binati ng Department of National Defense (DND) ang pagkakaupo ni Lieutenant General Romeo Brawner Jr. bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon sa Defense Department, hindi matatawaran ang tatlong dekadang paglilingkod ni Brawner kung saan ipinakita niya ang kahusayan sa pamumuno. Para sa DND, excellent choice ang pagkakatalaga kay… Continue reading DND, nagpaabot ng pagbati kay Lt/Gen. Brawner bilang bagong AFP Chief of Staff

MMDA, all systems go na sa paghahanda para sa ikalawang SONA ng Pangulo sa Lunes

“All systems go” na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paghahanda sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa darating na Lunes. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Romando Artes, nakaayos na ang rerouting plan ng mga motorista sa darating na Lunes dahil isasara ang ilang bahagi… Continue reading MMDA, all systems go na sa paghahanda para sa ikalawang SONA ng Pangulo sa Lunes

Vietnamese Embassy, nagsagawa ng business forum para sa pagpapalakas ng bilateral relations ng Pilipinas at Vietnam

Nagsagawa ng isang business forum ang Vietnamese Embassy para sa pagpapalakas ng bilateral relations at business sector ng dalawang bansa. Ayon kay Vietnamese Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung, layon ng naturang business forum na magkaroon ng digital application para sa green business solutions sa pagpo-promote ng mga Vietnamese products sa Pilipinas. Dagdag pa… Continue reading Vietnamese Embassy, nagsagawa ng business forum para sa pagpapalakas ng bilateral relations ng Pilipinas at Vietnam

Mas maluwag na health protocol, ipapatupad ng Senado sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes

Magpapatupad na ng mas maluwag na health protocol ang Senado sa pagbubukas ng sesyon nito sa Lunes, July 24. Ayon kay Senate President Juan Miguel zubiri, hindi na magiging mandatory ang antigen test sa mga kawani at bisita ng senado na papasok sa senate building sa Lunes. Magiging optional na lang rin aniya ang pagsusuot… Continue reading Mas maluwag na health protocol, ipapatupad ng Senado sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes