Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inaprubahan ang P12.7-billion financial assistance para sa rice farmers

Aprubado kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglalabas ng pondong aabot sa P12.7-billion para sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program ng administrasyon. Sa ilalim ng RFFA program, nasa may 2.3 milyong maliliit na rice farmer beneficiaries ang makikinabang sa nasabing hakbang ng Marcos administration at matutulungang mapanatili ang kanilang productivity sa gitna ng… Continue reading Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inaprubahan ang P12.7-billion financial assistance para sa rice farmers

Paghirang ng Pangulo kay Lt. Gen. Roy Galido bilang bagong Phil. Army Chief, malugod na tinanggap ng DND

Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang paghirang ng Pangulo kay Lt. General Roy Galido bilang ika-66 na Commanding General ng Philippine Army. Sa isang statement na inilabas ni DND spokesperson Dir. Arsenio Andolong, nagpahayag ng kumpiyansa ang DND na sa pamumuno ni Lt. Gen. Galido ay maisusulong ng Philippine Army ang… Continue reading Paghirang ng Pangulo kay Lt. Gen. Roy Galido bilang bagong Phil. Army Chief, malugod na tinanggap ng DND

Pagbuo ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development, ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr.

Binuo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development” bilang bahagi ng pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangang agarang rehabilitasyon ng Pasig River. Sa apat na pahina ng Executive Order (EO) No. 35, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong July 25, nakasaad na ang inter-agency council ang… Continue reading Pagbuo ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development, ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr.

Paghahanda ng MMDA sa SONA sa Lunes, all set na

Kasado na ang lahat ng paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes. Sa ulat ng MMDA, Aabot sa 1,354 tauhan nito ang itatalaga sa iba’t ibang lugar para tumulong sa pagsasaayos ng trapiko, emergency response, crowd control, at traffic… Continue reading Paghahanda ng MMDA sa SONA sa Lunes, all set na

Security preparatons ng pulisya sa lungsod ng Cebu para sa SONA ng Pangulong Marcos Jr., nakahanda na

Nakahanda na ang security deployment ng Cebu City Police Office para sa darating na Lunes, Hulyo 24 kung saan isasagawa ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay CCPO Director Police Col. Ireneo Dalogdog, nakalatag na ang security preparations ng CCPO at handa nang e-deploy kung kinakailangan. Bagama’t… Continue reading Security preparatons ng pulisya sa lungsod ng Cebu para sa SONA ng Pangulong Marcos Jr., nakahanda na

Anumang planong pagpasok sa bansa ng ICC, nasa Pangulo na ang pagpapasiya -DOJ Usec. Vasquez

Nasa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pagpapasiya kung papayagang makapasok o hindi sa bansa ang International Criminal Court para magsagawa ng imbestigasyon. Ayon kay DOJ Undersecretary Raul Vasquez, dahil kumalas na ang Pilipinas sa ICC, lahat ng options ay nasa executive department na. Aniya, lahat ng pagpipilian ay available na. Una ay… Continue reading Anumang planong pagpasok sa bansa ng ICC, nasa Pangulo na ang pagpapasiya -DOJ Usec. Vasquez

PBBM, ipinaalis na ang State of Public Health Emergency sa buong bansa na una nang idineklara dahil sa COVID-19

Lifted na ang State of Public Health Emergency sa buong bansa na una nang idineklara dahil sa COVID-19. Ito ay sa bisa na din ng inilabas na Proclamation No. 297 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Dahil dito, lahat ng nauna nang inisyung memoranda na may kaugnayan sa State of Public Health Emergency ay itinuturing… Continue reading PBBM, ipinaalis na ang State of Public Health Emergency sa buong bansa na una nang idineklara dahil sa COVID-19

Buhos ng investment pledges, pagpapakita ng kumpiyansa sa polisiya ng gobyerno

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na ang pagbuhos ng investment pledges sa unang quarter pa lamang ng 2023 ay nagpapakita ng kumpiyansa sa polisiyang inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Ipinapakita lamang din aniya nito na matagumpay na naikampanya ni PBBM sa kaniyang foreign trips ang Pilipinas bilang investment destination. “It is a… Continue reading Buhos ng investment pledges, pagpapakita ng kumpiyansa sa polisiya ng gobyerno

Clearing operation sa itinalagang altenatibong ruta sa Lunes, sinimulan na ng MMDA

May ilang sasakyan na ang hinila at inimpound ng MMDA Task Force Operations and Anti-Colorum Unit sa itinalagang alternate routes sa Teachers Village sa Quezon City. Ang operasyon ng MMDA ay bilang paghahanda sa SONA ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes. Ayon kay MMDA Col. Bong Nebrija, head ng Task Force Special Operations… Continue reading Clearing operation sa itinalagang altenatibong ruta sa Lunes, sinimulan na ng MMDA

MMDA at pulisya, nagsagawa ng inspeksyon sa kahabaan ng Commonwealth Ave. para sa SONA sa Lunes

Nagsagawa na ng walkthrough sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ang ilang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), National Capital Region Police Office (NCRPO), Quezon City Police District (QCPD) at Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon kay MMDA General Manager Popoy Lipana, tinitingnan nila ang latag ng seguridad at paghahanda sa lugar bago ang State… Continue reading MMDA at pulisya, nagsagawa ng inspeksyon sa kahabaan ng Commonwealth Ave. para sa SONA sa Lunes