Operasyon ng NAIA, balik na sa normal

Balik na sa normal ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ibaba ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Yellow Lightning Alert kaninang 1:52 PM. Bandang 1:38 PM kanina ng pansamantalang sinuspinde ng MIAA ang operasyon ng paliparan. Ito ay matapos na itaas ang Red Lightning Alert dulot ng pag-ulan, na may kasamang… Continue reading Operasyon ng NAIA, balik na sa normal

Pagpirma ng mga media sa mga drug operations, nais iparebyu sa Kamara ni Cong. Erwin Tulfo

Nababahala na rin ang bagong ACT-CIS Party List Rep. Erwin Tulfo sa patuloy na pagpapapirma sa mga myembro ng media sa mga drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP). Sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni Cong. Tulfo, panahon na para aprubahan ang Magna Carta for Media na nagbibigay ng… Continue reading Pagpirma ng mga media sa mga drug operations, nais iparebyu sa Kamara ni Cong. Erwin Tulfo

‘Wag mang-harass ng mga ibang tsuper,’ panawagan ng PNP sa mga magsasagawa ng transport strike

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga grupong magsasagawa ng Transport strike sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes na huwag mang-harass ng mga tsuper na ayaw lumahok. Ang panawagan ay ginawa ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, kasabay ng pagsabi na ang naka-ambang transport… Continue reading ‘Wag mang-harass ng mga ibang tsuper,’ panawagan ng PNP sa mga magsasagawa ng transport strike

Davao solon, suportado ang hakbang ni VP Sara Duterte na repasuhin ang K-12

Sinuportahan ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang hakbang ng kapatid nito na si Education Secretary at Vice President Sara Duterte na repasuhin ang K-12 program. Ayon sa mambabatas kailangan pagbutihin ang kasalukuyang curriculum upang makapag-produce ng mga mag-aaral na competent, job-ready, at responsable. Mahalaga rin aniya na maglatag ang kongreso ng mga hakbang para… Continue reading Davao solon, suportado ang hakbang ni VP Sara Duterte na repasuhin ang K-12

Lahat ng pending driver’s license cards, matutugunan na sa Setyembre — DOTr Sec. Bautista

Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista na matutugunan na ang lahat ng pending na driver’s license plastic cards pagtuntong ng Setyembre. Ayon sa kalihim, magsisimula na ang paunti-unting delivery ng mga plastic card simula sa susunod na linggo. Makukumpleto aniya ang delivery ng nasa 130,000 unissued cards pagdating ng Setyembre. “Yung license natin we’re expecting… Continue reading Lahat ng pending driver’s license cards, matutugunan na sa Setyembre — DOTr Sec. Bautista

MMDA, magbibigay ng libreng sakay sa mga pasaherong maaapektuhan ng tatlong araw na tigil-pasada

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na nakalatag na ang kanilang contingency plans sa pagpapagamit ng kanilang mga sasakayan para sa mga pasaherong posibleng maapektuhan ng tatlong araw na tigil-pasada na magsisimula sa araw ng SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa July 24. Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, handa… Continue reading MMDA, magbibigay ng libreng sakay sa mga pasaherong maaapektuhan ng tatlong araw na tigil-pasada

MMDA, naglabas ng traffic management plan para SONA

Naglabas na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng traffic management plan para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes, July 24. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes nasa 1,354 na tauhan ang inatasang pangasiwaan ang vehicular at pedestrian traffic, emergency response, road at… Continue reading MMDA, naglabas ng traffic management plan para SONA

Non-revenue water ng Manila Water, nananatiling mababa

Ipinagmalaki ng water concessionaire na Manila Water ang patuloy na pananatili ng mababang non-revenue water (NRW) nito na malaking factor kaya tuloy-tuloy ang 24/7 na water supply sa mga customer nito sa eastern Metro Manila. Ayon sa Manila Water, napanatili nito sa average rate na 13.35% ang NRW o system loss hanggang nitong Hunyo. Isa… Continue reading Non-revenue water ng Manila Water, nananatiling mababa

Pambansang pabahay, palalawakin sa lalawigan ng Batangas

Palalawakin na rin ng Batangas Provincial government ng ang mga housing project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program. Kasunod ito ng paglagda nina Department of Human Settlements and Urban Developmen (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at Batangas Governor Hermilando Mandanas sa isang memorandum of understanding para sa pagbuo ng township… Continue reading Pambansang pabahay, palalawakin sa lalawigan ng Batangas

Mayorya ng jeepney operators, drivers associations sa Valenzuela, di rin sasali sa transport strike

Wala ring planong magtigil pasada ang nasa 11 miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Associations (JODA) sa lungsod ng Valenzuela. Ito ang tiniyak Valenzuela Mayor Wes Gatchalian matapos ang pakikipagpulong nito sa mga JODA kahapon dahil na rin sa banta ng transport strike na isasabay sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand… Continue reading Mayorya ng jeepney operators, drivers associations sa Valenzuela, di rin sasali sa transport strike