Ilang motorcycle rider, umaasang di na pagmultahin ng MMDA ang mga motoristang nakikisilong sa mga footbridge tuwing maulan

Hindi pabor ang ilang motorcycle rider sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na pagmultahin ang mga motoristang nakikisilong sa ilalim ng mga flyover at footbridge tuwing umuulan. Kasunod yan ng naging pahayag ni MMDA acting Chair Romando Artes na posibleng isyuhan na nila ng ticket ang mga rider na nakikitila sa mga underpass… Continue reading Ilang motorcycle rider, umaasang di na pagmultahin ng MMDA ang mga motoristang nakikisilong sa mga footbridge tuwing maulan

Israel, maaaring gawing modelo para sa cannabis medicalization sa Pilipinas — Sen. Robin Padilla

Kinokonsidera ni Senador Robin Padilla na gawing modelo ang bansang Israel sa pagpapahintulot ng paggamit ng cannabis (marijuana) para sa layuning medikal. Sa naging pagdinig ng Senate Subcommittee on Health tungkol sa Senate Bill 230 o ang Medical Cannabis Compassionate Access Bill, sinabi ng senador na kilala ang Israel bilang isa sa mga bansang may… Continue reading Israel, maaaring gawing modelo para sa cannabis medicalization sa Pilipinas — Sen. Robin Padilla

Party-list solon, pinatutugunan sa DMW at DICT ang ilang aberya sa OFW Pass

Umapela ang isang mambabatas sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na maayos ang ilan sa aberya sa OFW Pass. Ayon kay OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino, kapuri-puri ang hakbang ng DMW na maglunsad ng isang digital application upang mapadali ang proseso ng pagkuha ng Overseas… Continue reading Party-list solon, pinatutugunan sa DMW at DICT ang ilang aberya sa OFW Pass

National El Niño Team, magpupulong uli sa susunod na linggo

Muling pupulungin ng Office Of Civil Defense (OCD) ang National El Niño Team sa Camp Aguinaldo sa July 19 para plantsahin ang mga paghahanda sa inaasahang epekto ng matinding tagtuyot na kasalukuyan nang nararanasan sa bansa. Ito’y kasunod ng pagdeklara ng PAGASA noong July 4 ng pagsisimula ng El Niño, na posibleng lumala ang epekto… Continue reading National El Niño Team, magpupulong uli sa susunod na linggo

MMDA, inaalam ang minimum water requirements ng mga establisyimento para sa panukalang pag-regulate ng paggamit ng tubig dahil sa El Niño

Inaalam ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang minimum water requirement ng mga business establishment para sa panukalang pag-regulate ng paggamit ng tubig. Ito ay sa gitna ng pinangangambahang krisis sa tubig ngayong panahon ng El Niño. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, inaalam nila ngayon ang minimum water requirement ng mga establisyimento… Continue reading MMDA, inaalam ang minimum water requirements ng mga establisyimento para sa panukalang pag-regulate ng paggamit ng tubig dahil sa El Niño

Iba-ibang agricultural products na dala ng mga pasahero, kinumpiska ng Bureau of Plant Industry sa NAIA

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Plant Industry (BPI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang iba’t ibang agricultural products na dala ng anim na pasahero mula sa iba’t ibang bansa. Aabot sa 66.1 kilograms ng iba-ibang prutas na kinabibilangan ng 8.5 kilo ng cherries dala ng isang pasahero mula Korea, at… Continue reading Iba-ibang agricultural products na dala ng mga pasahero, kinumpiska ng Bureau of Plant Industry sa NAIA

LTFRB, nakahanda sa ikakasang transport strike ng ilang transport groups simula sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakahanda ito sa ikakasang tatlong araw na transport strike ng ilang transport groups simula sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa July 24 hanggang July 26. Sinabi ni LTFRB Board Member Mercy Jane Leynes, na magde-deploy sila ng… Continue reading LTFRB, nakahanda sa ikakasang transport strike ng ilang transport groups simula sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Marikina City LGU, nagpulong para sa paghahanda sa segruidad ng gaganaping Palarong Pambansa 2023

Dahil sa 15 araw na lang ang nalalabi bago ang pagdaraos ng Palarong Pambansa 2023 sa Lungsod ng Marikina, nagsagawa ito ng pagpupulong upang maging handa ito sa ilalatag na seguridad sa naturang taunang sports activity ng Department of Education (DepEd). Pinangunahan ni Mayor Marcy Teodoro ang pagtalakay sa paghahanda sa seguridad ng mga delegado,… Continue reading Marikina City LGU, nagpulong para sa paghahanda sa segruidad ng gaganaping Palarong Pambansa 2023

Sen. Revilla, umapela sa MMDA, DPWH na aksyunan ang mabilis na pagbaha sa Metro Manila

Kinalampag ni Senate Committee on Public Works Chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na tugunan ang pagbaha sa Metro Manila. Ayon kay Revilla, dapat  agarang tukuyin ng MMDA at DPWH kung bakit napakabilis  ang pagbabaha  sa ilang mga lugar sa kalakhang… Continue reading Sen. Revilla, umapela sa MMDA, DPWH na aksyunan ang mabilis na pagbaha sa Metro Manila

Gov’t agencies, hinikayat ni Pangulong Marcos na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng inobasyon sa serbisyong publiko

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga inobasyon na tutugon sa nagbabangong pangangailangan ng mga Pilipino. “So, I urge our national government agencies to continue pursuing innovative projects that address the needs that evolve now in this modern age for Filipinos.” —Pangulong Marcos… Continue reading Gov’t agencies, hinikayat ni Pangulong Marcos na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng inobasyon sa serbisyong publiko