Sen. Go, inaasahang mailalatag ni Pangulong Marcos Jr. ang mga ‘pro-poor programs’ nito sa kaniyang SONA

Inaasahan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na marinig ang mga ‘pro poor programs’ na ilalatag ni Pangulong Ferdindand R. Marcos Jr. sa magiging ikalawang State of the Nation Address (SONA) nito sa July 24. Binigyang diin ni Go ang kahalagahan na matiyak na walang maiiwang Pilipino sa proseso ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa. Nais… Continue reading Sen. Go, inaasahang mailalatag ni Pangulong Marcos Jr. ang mga ‘pro-poor programs’ nito sa kaniyang SONA

Storage facilities sa Bulacan na imbakan ng smuggled frozen meat products, tuluyan nang isasara

Tuluyan nang isasara ng Department of Agriculture ang dalawang storage warehouse na nadiskubreng iniimbakan ng smuggled agricultural commodities sa Meycauayan, Bulacan. Kasabay ang pagtiyak na pananagutin ang mga may-ari dahil sa pangangalakal ng smuggled meat products. Kahapon sinalakay ng mga tauhan ng DA, AFP, NMIS at PCG ang dalawang storage facilities at kinumpiska ang imported… Continue reading Storage facilities sa Bulacan na imbakan ng smuggled frozen meat products, tuluyan nang isasara

Mahigit ₱80-B halaga ng pamumuhunan para sa unang semestre ng 2023, inaprubahan ng PEZA Board

Inaprubahan na ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA Board ang aabot sa 102 ecozone developer-locator projects na may capital investment na mahigit 50.5 bilyong piso para sa unang 6 na buwan ng taong 2023. Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, mas mataas ito kumpara sa mga inaprubahang investment pledges sa kaparehong panahon noong… Continue reading Mahigit ₱80-B halaga ng pamumuhunan para sa unang semestre ng 2023, inaprubahan ng PEZA Board

Panukalang MIF at pagpapalawig ng estate tax amnesty, pipirmahan ni PBBM sa susunod na linggo — Senate President Zubiri

Nakatakda na sa susunod na linggo ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa dalawang mahalagang panukalang batas na naipasa ng Kongreso. Ito ang Maharlika Investment Fund Bill at ang 2-year extension ng estate tax amnesty. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, sa Martes, July 18 ay sabay na lalagdaan ni Pangulong Marcos… Continue reading Panukalang MIF at pagpapalawig ng estate tax amnesty, pipirmahan ni PBBM sa susunod na linggo — Senate President Zubiri

Isang araw na gun ban, ipatutupad sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon sa SONA ng Pangulo

Inaprubahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang pagpapatupad ng isang araw na gun ban sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay PNP Directorate for Operations Director Police Brigadier General Leo Francisco, ang 24-oras… Continue reading Isang araw na gun ban, ipatutupad sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon sa SONA ng Pangulo

Pangmatagalang reporma sa sektor ng enerhiya, pinanawagan ni Sen. Risa Hontiveros

Hinimok ni Senadora Risa Hontiveros ang administrasyon na unahin ang pagtutuwid ng mga maling kalakaran sa industrya ng kuryente at inaasahan niyang marinig ito sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Hontiveros, pansamantala lang at kakarampot ang bawas singil sa kuryente na ipapatupad ng Manila Electric… Continue reading Pangmatagalang reporma sa sektor ng enerhiya, pinanawagan ni Sen. Risa Hontiveros

Mataas na lider-komunista, arestado ng CIDG

Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa tulong ng Philippine Army, ang isang mataas na lider ng kilusang komunista sa Purok 8 Barangay Poblacion, Monkayo, Davao De Oro. Sa ulat ni CIDG Director Police Brig. Gen. Romeo Caramat kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kinilala ang arestadong wanted… Continue reading Mataas na lider-komunista, arestado ng CIDG

3 foreign ambassadors, nag-courtesy call kay VP Sara; ugnayan ng tatlong bansa sa Pilipinas, nais palakasin

Nakipagpulong kay Vice President Sara Duterte ang mga ambassador ng Chile, Canada, at Singapore sa Pilipinas kung saan pinuri at pinasalamatan nito mga Pilipino. Kabilang sa mga natalakay sa serye ng courtesy calls ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Worker sa nasabing mga bansa at ang pagnanais ng kanilang gobyerno na mapalakas pa ang relasyon… Continue reading 3 foreign ambassadors, nag-courtesy call kay VP Sara; ugnayan ng tatlong bansa sa Pilipinas, nais palakasin

DFA, ikinalugod ang pagdami ng mga bansang sumusuporta sa Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas

Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs ang pagdami ng mga bansang sumusuporta sa Arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas, pitong taon na ang nakakaraan. Sa isang pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ikinararangal ng bansa na magsilbing giya ang ruling sa lahat ng mga bansa, kung saan maituturing na landmark at kontribusyon… Continue reading DFA, ikinalugod ang pagdami ng mga bansang sumusuporta sa Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas

Strategic partnership ng Phil. Navy at Italian Navy, pinag-usapan ng mga opisyal ng dalawang bansa

Tinalakay ang mga posibleng aktibidad na magsusulong ng strategic partnership ng Philippine Navy at Italian Navy sa pagbisita ni Italian Undersecretary of State for Defense, Hon. Matteo Perego Di Cremnago sa Philippine Navy Headquarters kahapon. Si Usec. Cremnago ay malugod na tinanggap ni Philippine Navy Vice Commander, Rear Adm. Caesar Bernard Valencia. Sa pagpupulong ng… Continue reading Strategic partnership ng Phil. Navy at Italian Navy, pinag-usapan ng mga opisyal ng dalawang bansa