Pagtugis kina dating BuCor Dir. Gen. Bantag at Ricardo Zulueta, paiigtingin ng bagong liderato ng NCRPO

Paiigtingin pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang pagtugis kina dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag gayundin sa dating Deputy Security Officer nitong si Ricardo Zulueta. Ito ang inihayag ng bagong NCRPO Director, P/Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. makaraang ihayag nito na bumuo na sila ng isang tracker… Continue reading Pagtugis kina dating BuCor Dir. Gen. Bantag at Ricardo Zulueta, paiigtingin ng bagong liderato ng NCRPO

MOU, muling nilagdaan ng Pilipinas at Austria para itaguyod ang karapatan ng mga healthcare worker

Muling lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Pilipinas at Austria bilang pagpapatibay na rin ng maganda at matatag na ugnayan ng dalawang bansa. Sa ilalim ng nasabing kasunduan, muling pinagtibay ng Vienna at Maynila ang recruitment ng mga Pilipino nurse na una nang itinaguyod ng dalawang bansa mahigit 50 taon nang nakalilipas. Pinangunahan… Continue reading MOU, muling nilagdaan ng Pilipinas at Austria para itaguyod ang karapatan ng mga healthcare worker

Mga ahensyang magiging masinop sa pagkonsumo ng tubig, planong bigyan ng incentive

Pinaplano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Water Resources Management Office (WRMO) na magbigay ng incentive sa mga ahensya ng pamahalaan na masinop sa pagkonsumo ng tubig ngayong may banta ng El Niño sa bansa. Ayon kay DENR Undersecretary Carlos Primo David, isa ito sa mga istratehiyang ikinokonsidera ng ahensya para mahikayat ang… Continue reading Mga ahensyang magiging masinop sa pagkonsumo ng tubig, planong bigyan ng incentive

Planta ng yelo sa Navotas na nagka-ammonia leak, pansamantalang isinara

Kinordonan na ng mga awtoridad ang isang planta ng yelo sa Navotas City na nagkaroon ng ammonia leak kaninang maghahating-gabi. Ito ay para magbigay daan sa ikakasang masusing imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa rason kung bakit nagkaroon ng ammonia leak incident sa 168 Tube Ice na nasa Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City.… Continue reading Planta ng yelo sa Navotas na nagka-ammonia leak, pansamantalang isinara

Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagsadsad

Muli na namang natapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Batay sa datos ng PAGASA Hydrome­teorology Division, sumadsad pa sa 178.21 meters ang water level sa naturang dam as of 6am. Katumbas ito ng tapyas na 59 cubic meters per second kumpara sa 178.80 water elevation kahapon. Halos dalawang metrong mas mababa na rin… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagsadsad

Sen. Bong Go, suportado ang pagpapasa ng Freedom of Information Bill

Napapanahon nang magkaroon ng Freedom of Information (FOI) Law ang Pilipinas ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go. Ayon kay Go, tatlong dekada nang nakapending sa Senado ang FOI Bill kaya naman dapat na itong maisabatas. Pinunto ng senador na bagamat may executive order na ngayong umiiral para sa FOI, ito naman ay para lang sa… Continue reading Sen. Bong Go, suportado ang pagpapasa ng Freedom of Information Bill

Regulasyon sa pangongolekta ng online lending apps, itinutulak

Naghain ng panukala si Davao City Representative Paolo Duterte at dalawang iba pang kongresista upang matigil na ang ginagawang pagbabanta at pamamahiya ng lending companies sa kanilang paniningil sa mga umutang. Dismayado ang mambabatas na sa kabilang ng kampanya ng gobyerno laban sa mga pasaway na lending company ay marami pa rin ang nabibiktima nito.… Continue reading Regulasyon sa pangongolekta ng online lending apps, itinutulak

Kamara, puspusan sa paghahanda para sa ikalawang SONA ni PBBM

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng House of Representatives para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 24. Kabuuang 2,000 na upuan ang inihahanda ng Kamara para sa mga bisitang dadalo sa SONA. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, 1,700 ang ilalaan sa loob ng plenaryo.… Continue reading Kamara, puspusan sa paghahanda para sa ikalawang SONA ni PBBM

DOT, lumagda ng kasunduan sa Nissan PH para sa pagpapatupad ng programang Drive Pinas

Lumagda ng Memorandum of Agreement ang Department of Tourism (DOT) at Nissan Philippines para sa pagpapatupad ng programang tinawag na Drive Pinas. Ang nasabing programa ay may layuning i-promote ang lokal na turismo at ipakita ang mga magagandang tourist spots sa bansa. Layon din ng nasabing programa na maging exciting, inclusive, at sustainable ang travel… Continue reading DOT, lumagda ng kasunduan sa Nissan PH para sa pagpapatupad ng programang Drive Pinas

Pilipinas, hindi garahe ng US — Sen. Gatchalian

Binigyang diin ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat nirerespeto ng Estados Unidos ang mga proseso ng Pilipinas kaugnay ng pagdaan o pagpasok sa bansa ng kanilang mga military aircraft. Binigyang diin ni Gatchalian na hindi tayo garahe ng US at hindi sila maaaring basta lang maglabas pasok sa bansa ng walang tamang proseso Batid aniya… Continue reading Pilipinas, hindi garahe ng US — Sen. Gatchalian