Lebel ng tubig sa Angat dam, bumaba pa sa 179.99 meters ngayong umaga -PAGASA

Bumaba pa ang lebel ng tubig sa Angat dam ngayong umaga. Batay sa monitoring ng PAGASA Hydro Meteorological Division, pumalo na sa 179.99 meters ang tubig sa dam kaninang alas-6:00 ng umaga mas mababa sa 180.45 meters kahapon. Mas mababa na sa normal high water level ng dam sa 210 meters. Ang Angat dam ang… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat dam, bumaba pa sa 179.99 meters ngayong umaga -PAGASA

Ilan pang LGUs, naghayag ng interes na magpatayo ng murang pabahay sa kanilang lugar -DHSUD

Dalawa pang local government units mula sa Mindanao ang humingi ng suporta sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa pagtatayo ng housing projects. Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at mga LGUs ng General Santos City at Libungan, North Cotabato bilang hudyat ng pagsisimula… Continue reading Ilan pang LGUs, naghayag ng interes na magpatayo ng murang pabahay sa kanilang lugar -DHSUD

Pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer para sa evacuees ng Mayon, pinaplantsa na ng DSWD

Plano na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpatupad ng Emergency Cash Transfer program para sa evacuees ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay. Nagpulong na ang DSWD Bicol Regional Office at ibat ibang Local Social Welfare and Development Offices (LSWDO) ng mga local government units para sa implementasyon nito. Ayon sa… Continue reading Pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer para sa evacuees ng Mayon, pinaplantsa na ng DSWD

DPWH, magpapatupad ng road reblocking sa weekend

Abiso sa mga motorista! Magsasagawa ng road reblocking and repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila sa weekend. Batay sa abiso, ito ay magsisimula mamayang alas-11 ng gabi hanggang sa Lunes. Kabilang sa mga apektadong kalsada ang ilang bahagi ng C-5 Road sa Pasig City, C-3 Road… Continue reading DPWH, magpapatupad ng road reblocking sa weekend

Higit 100 officer candidates ng Philippine Army, pinaalalahanan ni PBBM na maging tapat sa tungkulin

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng GAIGMAT Class 58-2023 sa Fort Bonifacio, Taguig City, ngayong araw, July 7. Sa naging talumpati ng Pangulo sa harap ng 106 na nagsipagtapos, nagpaalala ang Pangulo na manatiling tapat, magalang, at mayroong integridad sa paggampan ng kanilang bagong tungkulin. “Let patriotism permeate every fiber… Continue reading Higit 100 officer candidates ng Philippine Army, pinaalalahanan ni PBBM na maging tapat sa tungkulin

Resulta ng May labor force survey, welcome sa DOF

Welcome sa Department of Finance (DOF) ang resulta ng pinakahuling labor force survey kung saan muling naitala ang record – low unemployment  rate sa 4.3% para sa buwan ng Mayo mula sa 6.0% noong April 2023. Isa itong patunay sa hangarin ng administrasyong Marcos Jr na makamit ang high -quality labor market sa bansa. Kaakibat… Continue reading Resulta ng May labor force survey, welcome sa DOF

Libreng matrikula para sa masteral degree ng mga kawani ng gobyerno, pinapanukala ni Sen. Jinggoy Estrada

Pinapanukala ni Senador Jinggoy Estrada na malibre sa pag-aaral ng master’s degree ang mga kawani ng pamahaslaan sa mga state universities and colleges (SUCs). Sa inihaing Senate Bill 2277 ng Senador, isinusulong na maging libre ang tuition sa mga SUCs ng mga career at non-career employees ng gobyerno na nais makapagtapos ng dalawang taon na… Continue reading Libreng matrikula para sa masteral degree ng mga kawani ng gobyerno, pinapanukala ni Sen. Jinggoy Estrada

Sec. JV Ejercito, mungkahing ibalik na lang ang ‘It’s More Fun in the Philippines’ tourism slogan

Para kay Senador JV Ejercito, mas nais niyang ibalik na lang ang dating tourism campaign ng Pilipinas na “It’s More Fun in the Philippines”. Ito ay dahil aniya nabalot na agad ng kontrobersiya ang bagong toursim slogan ng bansa na “Love the Philippines” dahil sa palpak na promotional video. Paliwanag ni Ejercito, bukod sa magastos… Continue reading Sec. JV Ejercito, mungkahing ibalik na lang ang ‘It’s More Fun in the Philippines’ tourism slogan

Senado, nakatanggap na ng paliwanag kaugnay ng paglapag ng isang US military aircraft sa NAIA

Natanggap na Ni Senate Committee On Foreign Relations Chairperson Senadora Imee Marcos ang paliwanag ng US Embassy tungkol sa paglapag ng isang US military aircraft sa NAIA. Sa ipinadalang liham ni US ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson sa kumite ni Marcos kahapon, July 6, kinumpirma nito na lumapag sa NAIA ang isang Boeing… Continue reading Senado, nakatanggap na ng paliwanag kaugnay ng paglapag ng isang US military aircraft sa NAIA

DFA Sec. Enrique Manalo, nakatakdang dumalo sa ASEAN Ministers Meet sa Indonesia

Nakatakdang tumungo sa Jakarta, Indonesia si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo. Ito ay para dumlo sa Foreign Ministers Meeting ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) mula Hulyo 11 hanggang 14. Dito, inaasahang tatalakayin ng mga ministro ng iba’t ibang ASEAN member countries ang mga prayoridad para naman sa Community Building efforts… Continue reading DFA Sec. Enrique Manalo, nakatakdang dumalo sa ASEAN Ministers Meet sa Indonesia