Energy Regulatory Commission, Pasig LGU, at Meralco, lumagda sa kasunduan para sa paggamit ng renewable energy

Mas pinaigting pa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagsusulong ng paggamit ng renewable energy sa mga komunidad. Ito ay matapos na lumagda sa tripartite agreement ang ERC, Pasig City Government, at Manila Electric Company (Meralco). Sa ilalim ng naturang kasunduan, ang ERC, Pasig LGU, at Meralco ay magtutulungan sa pagbuo ng mga programa at… Continue reading Energy Regulatory Commission, Pasig LGU, at Meralco, lumagda sa kasunduan para sa paggamit ng renewable energy

Bagong Agrarian Emancipation Act, ‘di unfair para sa prompt loan payers na mga magsasaka

Hindi maituturing na unfair ang bagong Agrarian Emancipation Act para sa mga magsasaka na nakabayad ng kanilang obligasyon sa tamang oras. Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni DAR Secretary Conrado Estrella III, na mayroong insentibong ibinibigay ang pamahalaan para sa mga maagang nakabayad ng kanilang obligasyon. Halimbawaw dito ang mas maraming support services. Paglilinaw… Continue reading Bagong Agrarian Emancipation Act, ‘di unfair para sa prompt loan payers na mga magsasaka

LPG sellers, pinaalalahanang tumalima sa LPG Industry Regulation Act

Nagpaalala ang Liquefied Petroleum Marketers Association (LPGMA) Party-list na hanggang ngayong araw na lamang July 7 ang pagkuha at pagpapalit ng Standard Compliance Certificate (SCC) ng License to Operate (LTO), salig sa Republic Act 11592 o LPG Industry Regulation Act. Ayon sa LPGMA, kung hindi makatalima sa naturang deadline ay kailangang pansamantalang tumigil sa pag-operate… Continue reading LPG sellers, pinaalalahanang tumalima sa LPG Industry Regulation Act

BuCor, hiniling ang mabilis na paggaling ni Justice Secretary Remulla matapos sumailalim sa by-pass surgery

Hiniling ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang mabilis na paggaling ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, matapos sumailalim sa elective procedure. Ayon kay Catapang, maaliwalas nitong nakita ang kalihim nang makipagpulong ito sa mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) at humarap sa press conference kahapon, upang ipabatid na… Continue reading BuCor, hiniling ang mabilis na paggaling ni Justice Secretary Remulla matapos sumailalim sa by-pass surgery

Pagbura sa loans, amortization, at iba pang unpaid interest ng mga magsasaka, ‘di makakaapekto sa revenue at fiscal situation ng Pilipinas

Walang magiging epekto sa kabuuang revenue ng bansa ang pag-condone o hindi na paniningil ng pamahalaan sa higit P57 billion unpaid loans ng mga magsasaka, sa bisa ng bagong Agrarian Emancipation Act na nalagdaan ngayong araw (July 7). Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na sila sa economic team, naplano… Continue reading Pagbura sa loans, amortization, at iba pang unpaid interest ng mga magsasaka, ‘di makakaapekto sa revenue at fiscal situation ng Pilipinas

Mga customer ng Maynilad, makakaranas na ng 9 hrs service interruption simula sa susunod na linggo

Magpapatupad na ang Maynilad Water Services Inc. ng siyam na oras na service Interruption simula sa susunod na linggo. Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng level ng tubig sa Angat Dam dulot ng El Niño phenomenon. Sa abiso ng kumpanya, apektado ng service interruption ang 591,000 nilang customers. Magsisimula ng alas-7 ng gabi… Continue reading Mga customer ng Maynilad, makakaranas na ng 9 hrs service interruption simula sa susunod na linggo

Director ng NBI, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa insidente ng pagpapasayaw ng babae sa kanilang command conference 

Humingi ng paumanhin sa publiko ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa insidente ng pagpapasayaw sa command conference, na nangyari noong nakaraang linggo.  Mismong si NBI Director Menardo de Lemos ang humarap sa media para ipaabot ang kanilang paumanhin sa naturang insidente.  Ngunit nilinaw niya, hindi sa panahon ng command conference nangyari ang pagpapasayaw… Continue reading Director ng NBI, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa insidente ng pagpapasayaw ng babae sa kanilang command conference 

Paglagda ni Pangulong Marcos Jr. sa Debt Condonation law, patunay ng kanyang hangaring mapalakas ang sektor ng agrikultura

Pinuri ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Republic Act 11953 o Agrarian Emancipation Act. Ayon sa mambabatas, maituturing itong “defining moment” ng Marcos Jr. administration lalo at higit kalahating milyong Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ang makikinabang dito. Punto ng National Unity Party president, oras na makalaya… Continue reading Paglagda ni Pangulong Marcos Jr. sa Debt Condonation law, patunay ng kanyang hangaring mapalakas ang sektor ng agrikultura

DepEd, pinasisimulan na ang School Building Program Monitoring System

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng pagtutulungan ng gobyerno at civil society organizations (CSOs) sa isinasagawang pilot roll-out ng School Building Program Monitoring System. Sa pangunguna ng School Infrastructure and Facilities strand, nakipagpulong ang DepEd sa iba’t ibang CSOs para ipakilala ang bagong monitoring system. Ito ay isang hakbang upang matugunan ang… Continue reading DepEd, pinasisimulan na ang School Building Program Monitoring System

US Embassy sa Maynila, nagpahayag ng pagkabahala sa panibagong insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard sa barko ng PCG

Tinawag na unprofessional maneuvers ng US Embassy sa Pilipinas ang bagong insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea kamakailan. Sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, walang puwang sa mundo ang paggamit ng dahas anumang panahon. Ang ginagawang pananakot ng Peoples Republic… Continue reading US Embassy sa Maynila, nagpahayag ng pagkabahala sa panibagong insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard sa barko ng PCG