DMW, nangakong pagbubutihin ang serbisyo ng OFW Hospital sa Pampanga

Nangako ang Department of Migrant Workers o DMW na aayusin nito ang mga pasilidad at pagbubutihin ang serbisyo ng Overseas Filipino Workers o OFW Hospital sa Pampanga. Ito ay matapos punahin ni Senator Raffy Tulfo ang naturang ospital dahil sa hindi maayos na serbisyo. Ani Tulfo, hindi nagagamit ang full potential ng ospital dahil walang… Continue reading DMW, nangakong pagbubutihin ang serbisyo ng OFW Hospital sa Pampanga

Insidente ng sexual assault sa UP student, ‘wake up call’ tutukan ang seguridad sa pamantasan–De Vera

Dapat nang magsilbing wake up call sa mga pamantasan ang insidente ng sexual assault sa isang estudyante sa UP, upang seryosohin na ng mga unibersidad ang seguridad ng kanilang mga estudyante at empleyado. “Ang ating mga pamantasan, parang hindi masyadong siniseryoso ang security ng kanilang mga estudyante at kanilang mga empleyado.  So panahon na na… Continue reading Insidente ng sexual assault sa UP student, ‘wake up call’ tutukan ang seguridad sa pamantasan–De Vera

Pagsusulong ng PUV Modernization Program, nananatiling prayoridad ng pamahalaan

Nananatiling walang-patid ang Department of Transportation (DOTr) sa pagsusulong sa Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP. Ito ay matapos suportahan ng DOTr ang isinagawang Transport Forum na bahagi ng Philippine Commercial Vehicle Show 2023, ngayong araw. Tampok sa naturang programa ang mga makabagong disenyo ng PUVs na may iba’t ibang equipment at safety features,… Continue reading Pagsusulong ng PUV Modernization Program, nananatiling prayoridad ng pamahalaan

Panukalang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law, agad tatrabahuin ng Kamara sa pagbabalik sesyon

Una sa listahan ng mga aaksyunang panukalang batas ng Mababang Kapulungan sa pagbabalik sesyon ang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law. Ito’y matapos mapabilang ang naturang panukala sa 20 LEDAC priority bills. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang pagiging priority measure ng panukala ay pagpapakita ng commitment ng Kongreso sa hangarin ng administrasyon na makamit… Continue reading Panukalang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law, agad tatrabahuin ng Kamara sa pagbabalik sesyon

Batas para sa regulasyon ng motorcycle-for-hires, dapat nang mapagtibay — Rep. Paolo Duterte

Pinamamadali na ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang pagpasa sa panukalang batas para sa regulasyon ng motorcycles-for-hire. Kasunod ito ng panawagan ng transport advocates, na itaas ang cap sa bilang ng mga motorcycle taxi na maaaring mag-operate salig sa pilot run program kung saan nasa 45,000 participants lang. Ayon kay Duterte, inabot… Continue reading Batas para sa regulasyon ng motorcycle-for-hires, dapat nang mapagtibay — Rep. Paolo Duterte

DepEd, magkakasa ng National Learning Camp para matugunan ang learning gaps sa mga mag-aaral

Magsasagawa ang Department of Education (DepEd) ng National Learning Camp o NLC ngayong bakasyon sa eskwela ang mga mag-aaral. Ayon sa DepEd, ang NLC ay isang voluntary learning recovery program na may pangunahing layunin na mapaunlad ang performance ng mga mag-aaral at mapalakas ang kapasidad ng mga guro. Nakatuon para sa Grade 7 at Grade… Continue reading DepEd, magkakasa ng National Learning Camp para matugunan ang learning gaps sa mga mag-aaral

Reintegration sa workforce ng dating drug dependents, ipinapanukala ni Sen. Jinggoy Estrada

Isinusulong ni Senador Jinggoy Estrada na magkaroon ng batas para matiyak na mabibigyan ng magandang trabaho ang mga reformed drug user, at magbibigay ng insentibo sa mga kumpanyang kukuha sa kanila. Sa ilalim ng Senate Bill 2276, na inihain ni Estrada, iminumungakahi ang pagkakaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority… Continue reading Reintegration sa workforce ng dating drug dependents, ipinapanukala ni Sen. Jinggoy Estrada

OWWA, may alok na laundry business sa mga OFW

Photo courtesy of Overseas Workers Welfare Administration

May alok na tulong pangkabuhayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga overseas Filipino worker (OFW) para makapagsimula ng sariling negosyo. Tinawag itong OFW “Negosyong Laundromat – make money at home with your family,” katuwang ang CS Laundry System Philippines Corporation at Northstar Instruments. Ayon sa OWWA, bahagi ito ng kanilang reintegration program… Continue reading OWWA, may alok na laundry business sa mga OFW

Emergency response, iminungkahing isama sa employment package ng TUPAD

Iminungkahi ng isang mambabatas mula Maynila na gamitin ang TUPAD program upang palakasin ang emergency at disaster response sa mga lokalidad. Ayon kay Manila Third District Representative Joel Chua, maaaring isama ang emergency response sa employment package sa ilalim ng TUPAD– halimbawa aniya ang fire volunteers. Sa isinagawang turnover ceremony ng 1,000-gallon firetruck sa distrito… Continue reading Emergency response, iminungkahing isama sa employment package ng TUPAD

Justice Sec. Remulla, walang planong magbitiw sa pwesto

Walang planong magbitiw sa pwesto si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Ito ang iginiit ng kalihim sa kanyang muling pagtapak sa kagawaran ng hustisya matapos ang kanyang bypass surgery. Ayon sa kalihim, ang kanyang panunungkulan sa Department of Justice (DOJ) ay nakadepende sa kagustuhan at tiwala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Pero kung kalusugan… Continue reading Justice Sec. Remulla, walang planong magbitiw sa pwesto