Masiglang workforce ng Pilipinas, ibinida ni Pangulong Marcos Jr. sa harap ng US business leaders

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan ng ekonomiya ng Pilipinas na mag-transform upang hindi ito mapag-iwanan ng global market at upang maging bahagi ng bagong mundo. Sa naging pahayag ng pangulo sa fireside chat sa Blair House, Washington DC, ipinunto ng pangulo na hindi lamang basta dapat mag-recover ang Pilipinas mula… Continue reading Masiglang workforce ng Pilipinas, ibinida ni Pangulong Marcos Jr. sa harap ng US business leaders

Pangulong Marcos Jr., kinilala ang kabayanihan ng mga sundalong nakahimlay sa Arlington National Cemetery sa Estados Unidos

Eksakto alas-10:36 ng gabi oras sa Pilipinas, sinaluduhan at inalayan ng bulaklak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Tomb of the Unknown Soldier sa Arlington National Cemetery sa Virginia, USA. Ito ang unang aktibidad ng pangulo sa huling araw ng kaniyang official working visit sa US. Kasama ng pangulo sa pagbibigay respeto sa himlayan… Continue reading Pangulong Marcos Jr., kinilala ang kabayanihan ng mga sundalong nakahimlay sa Arlington National Cemetery sa Estados Unidos

Digital transformation ng mga kumpaniya sa Pilipinas, isinulong ni Pangulong Marcos

Palaging nakasuporta ang Marcos Administration sa mga kumpaniya sa bansa, upang maging competitive pa ang mga ito at magawang makipagsabayan sa global market. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng US-ASEAN Business Council at US Chamber of Commerce roundtable and reception sa Blair House sa Washington DC. Ayon sa pangulo, kailangan… Continue reading Digital transformation ng mga kumpaniya sa Pilipinas, isinulong ni Pangulong Marcos

Umano’y fixer na nanikil sa isang negosyante sa Maynila, nahuli sa entrapment operation

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District Special Mayor Reaction Team o MPD-SMART ang suspect sa umano’y paninikil sa isang negosyante sa Ermita, Manila. Kinilala ni Police Major Dave Garcia, Deputy Chief ng MPD-SMART, ang suspect na si Melody Laureano na nagpapakilala umano na may koneksyon sa Manila Local Government. Ayon kay Garcia, inireklamo… Continue reading Umano’y fixer na nanikil sa isang negosyante sa Maynila, nahuli sa entrapment operation

Government to Government na pagbili ng mga license card, pinag-aaralan na ng DOTr

Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na pagkuha sa serbisyo ng ibang ahensya ng pamahalaan, upang masolusyunan ang kakapusan sa suplay ng mga plastic card na ginagamit sa mga driver’s license. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nakikipag-ugnayan na sila sa National Printing Office (NPO) para tumulong sa kanila bunsod ng teknikal… Continue reading Government to Government na pagbili ng mga license card, pinag-aaralan na ng DOTr

Problema ng Urban Poor groups sa pabahay, tututukan ng DHSUD

Nangako ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na tututukan nito ang concerns ng urban poor families sa Metro Manila. Tugon ito ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar sa kanyang pakikipagdiyalogo sa Urban Poor Action Committee (UPAC), na nagpaabot ng kanilang mga alalahanin at rekomendasyon para sa pambansang pabahay program ng pamahalaan. Bilang… Continue reading Problema ng Urban Poor groups sa pabahay, tututukan ng DHSUD

Pagpapalakas ng salt industry ng Pilipinas, isinusulong ni Sen. Legarda

Ipinanawagan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagpapalakas ng salt industry ng Pilipinas para sa potensyal nitong mapalago ang ekonomiya ng bansa, at magbunga ng oportunidad para sa dagdag na kita ng mga Pilipino. Kaugnay nito, umapela si Legarda na maipasa na kaagad ang Senate Bill 870, na layong tugunan ang mga hamon… Continue reading Pagpapalakas ng salt industry ng Pilipinas, isinusulong ni Sen. Legarda

VP Sara, binigyang diin ang kahalagahan ng public health; Mga Doktor, pinasalamatan sa kanilang mga sakripisyo

Kinilala ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang naging sakripisyo ng mga doktor para patatagin ang public health sa bansa sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ginawa ng pangalawang pangulo at kalihim ng edukasyon ang pahayag sa kaniyang talumpati sa ika-49 na Midyear Convention ng Philippine College of Surgeons sa Davao City, ngayong araw.… Continue reading VP Sara, binigyang diin ang kahalagahan ng public health; Mga Doktor, pinasalamatan sa kanilang mga sakripisyo

Imbestigasyon ng krisis sa kuryente sa Visayas, isinusulong ni Sen. Poe

Inihain ni Senador Grace Poe ang Senate Resolution 579 para maimbestigahan sa Senado ang nangyayaring power interruption sa Isla ng Panay. Iginiit ni Poe, na panahon na para bumuo ng pangmatagalang solusyon sa problema sa suplay ng kuryente na labis na nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga residente at gawaing pang-ekonomiya sa rehiyon.… Continue reading Imbestigasyon ng krisis sa kuryente sa Visayas, isinusulong ni Sen. Poe

Pangulong Marcos Jr., ginamit ang pagbisita sa US upang ibida ang mga naging hakbang ng gobyerno sa pagpapaganda ng business climate sa bansa

Muling nanghikayat ng foreign investors si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., upang dumami ang mga mamumuhunan sa bansa. Sa harap ng US-ASEAN Business Council, US Chamber of Commerce, at ilang American business executives, ibinida ng pangulo ang pagiging hinog ng bansa para sa pagpasok ng maraming investor. “We aim to inform the world: the Philippines… Continue reading Pangulong Marcos Jr., ginamit ang pagbisita sa US upang ibida ang mga naging hakbang ng gobyerno sa pagpapaganda ng business climate sa bansa