Maharlika Investment Fund bill, nai-transmit na sa Malacañang

Naipadala na sa Malacañang ang enrolled copy ng Maharlika Investment fund (MIF) bill. Kinumpirma ng Office of the Senate President na ngayong araw na-transmit sa palasyo ang MIF bill. Matatandaang kahapon ay napirmahan na ni House Speaker Martin Romualdez ang enrolled copy ng MIF bill, at saka ibinalik sa Mataas na Kapulungan. Ayon naman sa… Continue reading Maharlika Investment Fund bill, nai-transmit na sa Malacañang

Pagsagip sa 16 na biktima ng human trafficking sa Myanmar, ikinasa ng DFA

Nagkakasa na ng mga kaukulang hakbang ang Department of Foreign Affairs (DFA). Ito’y para sagipin ang may 16 na Pilipinong biktima ng human trafficking sa bansang Myanmar. Ayon kay DFA Undersecretary for Migration Affairs Eduardo de Vega, dumulog sa kanila kamakailan ang pamilya ng mga nabanggit na Pilipino. Kabilang aniya ang mga ito sa mga… Continue reading Pagsagip sa 16 na biktima ng human trafficking sa Myanmar, ikinasa ng DFA

Cavite solon, pinuri ang atas ni PBBM sa DOJ at NBI na tugisin ang mga hoarder at smuggler ng agri products

Welcome para kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang atas ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang hoarding, smuggling at price fixing ng sibuyas at iba pang agricultural product sa bansa. Ayon kay Barzaga, ipinapakita lamang nito ang pagiging seryoso ng chief executive… Continue reading Cavite solon, pinuri ang atas ni PBBM sa DOJ at NBI na tugisin ang mga hoarder at smuggler ng agri products

Active TB case finding, palalakasin ng DOH; Artificial intelligence diagnostics vs. TB, ipinatutupad na

Palalakasin pa ng pamahalaan ang mga hakbang nito upang labanan at mapababa ang kaso ng tuberculosis (TB) sa bansa. Isa sa mga hakbang na ito ayon kay Health Secretary Ted Herbosa ay ang pagpapalakas ng detection, o active case finding ng Department of Health (DOH). Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na gumagamit… Continue reading Active TB case finding, palalakasin ng DOH; Artificial intelligence diagnostics vs. TB, ipinatutupad na

OVP, sumagot sa pahayag ng ACT Teachers Party-list sa umano’y anomalya sa pagbili ng OVP Satellite Office equipment

Naglabas ng pahayag ang Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa umano’y anomalya sa procurement ng satellite office equipment nito na nagkakahalaga ng P668,197. Kasunod ito ng pahayag ni House Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro, na kinukwestyon na nagkaroon umano ng shortcut sa procurement rules sa pagbili ng OVP Satellite… Continue reading OVP, sumagot sa pahayag ng ACT Teachers Party-list sa umano’y anomalya sa pagbili ng OVP Satellite Office equipment

Pilipinas, nominado sa 22nd Annual Wanderlust Reader Travel Awards

Hinihikayat ng Department of Tourism (DOT) ang publiko na iboto ang Pilipinas at ilang tourist destination ng bansa, para sa 22nd Wanderlust Reader Travel Awards ng Wanderlust Travel Magazine ng United Kingdom. Nominado ang bansa sa tatlong major categories, gaya ng Pilipinas para sa Most Desirable Country; Cebu para sa Most Desirable Region; at Palawan… Continue reading Pilipinas, nominado sa 22nd Annual Wanderlust Reader Travel Awards

COVID-19 testing, ‘di na kailangan sa araw ng SONA

Hindi na kailangan sumailalim pa sa COVID-19 testing ang mga dadalo sa araw ng State of the Nation Address (SONA) sa July 24, basta’t nabakunahan na. Isa ito sa mga napag-usapan sa isinagawang inter-agency meeting bilang paghahanda sa ikalawang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, kung ang… Continue reading COVID-19 testing, ‘di na kailangan sa araw ng SONA

AFP, muling nagsagawa ng Command Conference

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Andres Centino ang Command Conference para sa ikalawang semestre ng kasalukuyang taon, sa Kampo Aguinaldo ngayong araw. Dito, tinalakay ang mga naging tagumpay ng Sandatahang Lakas sa pagpapaigting ng panloob na seguridad na siyang nagtulak naman sa kanila para tutukan ang territorial defense… Continue reading AFP, muling nagsagawa ng Command Conference

Hoarding, smuggling at price fixing ng sibuyas at iba pang agri products, pinai-imbestigahan ni Pangulong Marcos Jr.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang imbestigasyon sa hoarding, smuggling at price fixing ng sibuyas at iba lang agri products sa bansa, na ayon sa pangulo ay maituturing na economic sabotage. Ayon kay Pangulong Marcos, ang NBI at DOJ ang mangunguna sa pagsisiyasat na ito. “I have just given instructions to the DOJ… Continue reading Hoarding, smuggling at price fixing ng sibuyas at iba pang agri products, pinai-imbestigahan ni Pangulong Marcos Jr.

MMDA, nagpaliwanag sa delay ng ilang flood management projects

Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na naantala ang implementasyon ng ilang flood management projects nito na pinuna ng Commission on Audit o COA. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni MMDA Acting Chairperson Don Artes na 33 proyekto sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project o MMFMP Phase 1 ang hindi pa… Continue reading MMDA, nagpaliwanag sa delay ng ilang flood management projects