Pagbili ng sobrang daming bivalent COVID-19 vaccines, hindi na kailangan—mambabatas

Hindi na kailangan na bumili pa ng sobrang daming bivalent COVID-19 vaccines ang pamahalaan para sa inaasahang pagkasa ng second booster shot sa general population. Ayon kay House Committee on Health vice-chair Angelica Natasha Co, naging sapat na aniya ang bakunang ibinigay sa karamihan ng mga Pilipino laban sa COVID kahit pa sumulpot ang ibang… Continue reading Pagbili ng sobrang daming bivalent COVID-19 vaccines, hindi na kailangan—mambabatas

Water-related infra projects, tinututukan na ng pamahalaan bilang paghahanda sa El Niño

Nakatutok ang pamahalaan sa mga water related infrastructure projects sa bansa, bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño sa Pilipinas. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na ngayong 2023 nasa ₱750 million ang pondo ng gobyerno para water augmentation farms, small scale irriagtion projects, at solar irrigation projects.… Continue reading Water-related infra projects, tinututukan na ng pamahalaan bilang paghahanda sa El Niño

931 farmers’ cooperatives, kumikita ng Php2.35B mula sa Kadiwa sales—DA

??? ???????’ ????????????, ???????? ?? ??.??? ???? ?? ?????? ?????—?? Mula nang pasimulan ang KADIWA noong 2019, humigit-kumulang 931 farmers’ cooperatives and associations at agri-based enterprises ang sumali sa programa. Sa ngayon, base sa ulat ng Department of Agriculture (DA), nakabuo na ang mga ito ng kabuuang benta na abot sa P2.38 bilyon. Isa dito… Continue reading 931 farmers’ cooperatives, kumikita ng Php2.35B mula sa Kadiwa sales—DA

Warrant of arrest laban kay Bantag para sa kasong pagpatay kay Percy Lapid, inilabas ng Las Piñas City RTC

Nagpalabas na rin ng warrant of arrest ang Las Piñas City Regional Trial Court Branch 254 laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag. Nahaharap sa kasong murder si Bantag na may kaugnayan sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid. Ipinalabas ni Las Piñas… Continue reading Warrant of arrest laban kay Bantag para sa kasong pagpatay kay Percy Lapid, inilabas ng Las Piñas City RTC

Sen. Nancy Binay sa Dept. of Tourism: Rebyuhin ang mga proyekto ng Nayong Pilipino

Dapat nang rebyuhin ng Department of Tourism (DOT) ang mga proyekto ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) matapos iulat ng Commission on Audit (COA) na aabutin na lang ng lima hanggang anim na taon ang pondo nito. Kabilang sa pinarerebyu ng senador ang ₱1.5 billion na toursim oriented theme project na inaprubahan ng National Economic Development… Continue reading Sen. Nancy Binay sa Dept. of Tourism: Rebyuhin ang mga proyekto ng Nayong Pilipino

Pagsasapribado ng Nayong Pilipino, iminungkahi

Iminumungkahi ni Senate Ways and Means Chairman Senador Sherwin Gatchalian ang pagsasapribado ng Nayong Pilipino. Ang rekomendasyong ito ng senador ay kasunod ng ulat ng Commission on Audit (COA) na sa mga susunod na lima o anim na taon ay tuluyang mauubos ang pondo ng Nayong Pilipino Foundation (NPF). Batay sa ulat, hanggang nitong katapusan… Continue reading Pagsasapribado ng Nayong Pilipino, iminungkahi

Pulong nina Pres. Marcos Jr. at Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman, nakatulong na mabigyang-linaw ang unpaid claims ng distressed OFWs

Naniniwala si Migrant Workers Secretary Susan Ople na malaki ang naging epekto ng pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman sa APEC Summit noong Nobyembre, kaya nagkaroon ng linaw ang isyu sa unpaid claims ng overseas Filipino workers (OFWs). Ayon kay Ople, base sa mga naunang pag-uusap ay… Continue reading Pulong nina Pres. Marcos Jr. at Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman, nakatulong na mabigyang-linaw ang unpaid claims ng distressed OFWs

Omicron subvariant XBB.1.9.1 sa Pilipinas, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Pilipinas ng mga kaso ng Omicron subvariant XBB.1.9.1, na kumakalat sa buong mundo ayon sa Department of Health (DOH). Batay sa pinakahuling ulat ng biosurveillance ng COVID-19 ng ahensya na inilabas, ang bansa ay mayroong 54 na kaso ng XBB.1.9.1. Ito ay isang sublineage ng XBB na kamakailan ay idinagdag sa listahan ng… Continue reading Omicron subvariant XBB.1.9.1 sa Pilipinas, naitala ng DOH

Panukalang magmamandato ng paglalagay ng lifeguard sa pampublikong swimming pool, dapat nang ipasa — Sen. Gatchalian

Pinamamadali ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapatibay sa panukalang batas na mag-oobliga sa lahat ng public swimming pools at bathing facilities na magtalaga ng lifeguard. Ang apela ng senador ay kasunod na rin ng naitalang mahigit sa 70 nasawi dahil sa insidente ng pagkalunod nitong Holy Week at bakasyon. Ayon kay Gatchalian, nakakalungkot na ang… Continue reading Panukalang magmamandato ng paglalagay ng lifeguard sa pampublikong swimming pool, dapat nang ipasa — Sen. Gatchalian

Youth solon, diskumpiyado sa paraan ng pagtatanong sa survey kung saan lumabas na mayorya ang suporta sa Mandatory ROTC

Kinuwestiyon ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang pamamaraan ng pagtatanong ng Pulse Asia sa isinagawa nitong survey patungkol sa Mandatory ROTC. Ayon sa kinatawan, hindi aniya maayos ang pagkakalatag ng tanong sa survey. Batay kasi aniya sa survey question, kung “no” ang isasagot ng respondent ay lalabas ito na anti-discipline at unpatriotic. Bukod dito,… Continue reading Youth solon, diskumpiyado sa paraan ng pagtatanong sa survey kung saan lumabas na mayorya ang suporta sa Mandatory ROTC