DSWD, nakapaghanda na ng higit isang milyong relief items sa mga lugar na posibleng tamaan ng super typhoon

Aabot na sa isang milyong relief items ang nailaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na posibleng tamaan ng papasok na bagyong Mawar. Ito ang iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa isinagawang inter-agency meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na bahagi ng preparedness measures ng… Continue reading DSWD, nakapaghanda na ng higit isang milyong relief items sa mga lugar na posibleng tamaan ng super typhoon

Disqualification case vs. Erwin Tulfo bilang ACT-CIS nominee, ibinasura ng Comelec

Hindi pinaboran ng Second Division ng Commission on Elections (Comelec) ang petition na ipa-disqualify si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo bilang kinatawan ng ACT CIS Party-list.  Sa inilabas na desisyon ng Comelec, sinabi nitong walang basehan ang petisyon ng isang Atty. Moises Tolentino para huwag payagan makaupo si Tulfo… Continue reading Disqualification case vs. Erwin Tulfo bilang ACT-CIS nominee, ibinasura ng Comelec

Local shelter teams, pinakilos na ng DHSUD bilang paghahanda sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Mawar

Iniutos na ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Rizalino Acuzar ang activation ng mga local shelter cluster team sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng super typhoon Mawar. Bahagi ito ng preparedness measure ng ahensya upang masiguro ang kahandaan ng kanilang Regional Offices (ROs) sa pagkakaloob ng kaukulang tulong sa mga… Continue reading Local shelter teams, pinakilos na ng DHSUD bilang paghahanda sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Mawar

Marikina, naglabas ng class suspension ngayong araw hanggang linggo sa inaasahang pagpasok ng bagyong Mawar sa bansa

Bilang paghahanda sa pagpsok ng bagyong Mawar sa ating bansa, naglabas na ng class suspension ang Lungsod ng Marikina mula ngayong ayaw hanggang sa linggo. Ayon sa Marikina City LGU ang naturang suspensyon ay sa lahat ng antas ng paaralan mapa-pribado at pampublikong paaralan sa buong lungsod. kabilang din sa naturang suspensyon ang mga ilang… Continue reading Marikina, naglabas ng class suspension ngayong araw hanggang linggo sa inaasahang pagpasok ng bagyong Mawar sa bansa

DILG, pinaghahanda ang mga LGU sa banta ng bagyong Mawar

Pinaalalahanan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na tiyaking nakalatag na ang kanilang mga paghahanda sa posibleng pagtama sa bansa ng papasok na bagyong Mawar. Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na inalerto na nito ang mga local official lalo na ang mga… Continue reading DILG, pinaghahanda ang mga LGU sa banta ng bagyong Mawar

Re-election ng mga Pangulo ng bansa, nais ipanukala ni Sen. Robin Padilla

Pinag-aaralan na ni Senador Robin Padilla ang pagpapanukala na amyendahan ang termino ng mga magiging Pangulo ng Pilipinas para mapahintulutan silang tumakbong muli. Ito ay kasabay ng plano ng senador na magsulong ng amyenda sa political provision ng konstitusyon kasunod na rin ng pagkabigong umusad ng una niyang isinulong na economic charter change (Cha-Cha). Giit… Continue reading Re-election ng mga Pangulo ng bansa, nais ipanukala ni Sen. Robin Padilla

SUV, tumagilid sa Quezon Avenue

Tumagilid ang isang SUV sa Quezon Avenue eastbound sa bahagi ng Hi-Top bago mag-tunnel kaninang madaling araw. Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Metro Base, bago mag-alas-5 ng umaga nang mangyari ang insidente. Batay aniya sa salaysay ng driver, naalangan ito sa separator ng barrier kaya bumangga sa center island at tumagilid.… Continue reading SUV, tumagilid sa Quezon Avenue

Higit 10,000 free Wi-Fi sites, target buhayin ng DICT ngayong taon

Dagdag na 10,516 na free Wi-Fi sites ang target gawing operational ng DICT bago matapos ang taon. Sa pagharap ng ahensya sa House Committee on Appropriations, sinabi ni DICT Assistant Secretary Heherson Asiddao na sa kasalukuyan ay mayroong 3,961 active free Wi-Fi sites sa bansa. At batay sa kanilang plano, gagawin itong 14,477 bago matapos… Continue reading Higit 10,000 free Wi-Fi sites, target buhayin ng DICT ngayong taon

AFP, naghatid ng relief goods sa Batanes bilang paghahanda sa super typhoon Betty

Naghatid ng 850 kahon na naglalaman ng 7,395 kilo ng family food packs ang isang C-130 aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) patungong Batanes kahapon, bilang paghahanda sa paparating na super typhoon Betty. Ang mga relief goods na mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay ikinarga sa Tuguegarao Airport sa… Continue reading AFP, naghatid ng relief goods sa Batanes bilang paghahanda sa super typhoon Betty

Pagsasakatuparan ng Free Trade Agreement ng PH at EU, isinulong ni PBBM

Nananawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) at EU- ASEAN Business Council (EU-ACB) na aktibong suportahan ang pagpapanumbalik ng negosasyon ng bilateral Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at European Union (EU). “I take this opportunity to call upon our friends… Continue reading Pagsasakatuparan ng Free Trade Agreement ng PH at EU, isinulong ni PBBM