Office of the Vice President, namahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Cavite

Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa daan-daang pamilyang mabiktima ng malaking sunog sa Cavite kamakailan. Sa pangunguna ng Disaster Operation Center, namahagi ang OVP ng relief boxes sa kabuuang 2,924 indibidwal o 731 pamilyang mula sa tatlong brgy na natupok ng sunog. Laman ng bawat relief box ang sleeping mats,… Continue reading Office of the Vice President, namahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Cavite

PBBM, binigyang-diin ang pagprotekta sa sovereign rights ng mga bansa sa ASEAN sa gitna ng nagpapatuloy pa ring tensyon sa Ukraine

Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang halaga ng magkakabalikat na hakbang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries sa pagtiyak na magpapatuloy ang karapatan sa soberenya ng mga ito upang maprotektahan ang kani-kanilang borders. Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa gitna ng nagpapatuloy pa ring giyera sa pagitan ng Ukraine at… Continue reading PBBM, binigyang-diin ang pagprotekta sa sovereign rights ng mga bansa sa ASEAN sa gitna ng nagpapatuloy pa ring tensyon sa Ukraine

Mahigit 1k na biktima ng human trafficking, nasagip ng ACG sa Clark

Nasagip ng pinagsanib na pwersa ng PNP Anti-Cybercrime Group at iba’t ibang ahensya ng gubyerno ang mahigit sa isang libong biktima ng human trafficking sa Clark, Pampanga. Ito’y matapos na maghain ang mga awtoridad ng search warrant at warrant to search, seize and examine computer data sa isang kumpanya sa loob ng Clark Free Port… Continue reading Mahigit 1k na biktima ng human trafficking, nasagip ng ACG sa Clark

Pres. Marcos Jr., patungong UK para dumalo sa koronasyon ni King Charles

Paggayak na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong United Kingdom para dumalo sa koronasyon ng bagong hari nito na si King Charles. Sa panayam sa Pangulo sa Washington, sinabi nitong mahigit isang oras mula ngayon ay lilipad na siya patungong UK at sa Gatwick Airport aniya siya lalapag upang tingnan ang kanilang operasyon at… Continue reading Pres. Marcos Jr., patungong UK para dumalo sa koronasyon ni King Charles

Isyu sa Malampaya sa pagitan ng Pilipinas, China, dapat patuloy na pag-usapan hanggang makabuo ng kasunduan — PBBM

Nanindigan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-uusap pa din ang kailangan upang maresolba ang isyu sa Malampaya na kapwa iginigiit ng Pilipinas at ng China na mayroon silang claim. Sa naging pagtungo ni Pangulong Marcos sa Center for Strategic and International Studies sa Washington DC, sinabi nitong pakikipag-usap pa din ang paraan para… Continue reading Isyu sa Malampaya sa pagitan ng Pilipinas, China, dapat patuloy na pag-usapan hanggang makabuo ng kasunduan — PBBM

DSWD Sec. Gatchalian, pinaigting ang pakikipag-partner sa LGUs sa Cordillera

Bumisita sa Cordillera Administrative Region (CAR) si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian para paigtingin pa ang pakikipag-partner sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng social protection programs sa rehiyon. Sa Ifugao, pinangunahan ng kalihim at Ifugao Governor Jerry Dalipog ang paglagda ng Deed of Donation para sa 1,037 square… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, pinaigting ang pakikipag-partner sa LGUs sa Cordillera

COVID positivity rate sa NCR, sumampa na sa 20% — OCTA Research

Patuloy ang mabilis na pagsirit ng COVID-19 positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research Group. Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of May 3 ay sumampa na sa 20.4% ang positivity rate sa National Capital… Continue reading COVID positivity rate sa NCR, sumampa na sa 20% — OCTA Research

Sen. Nancy Binay, pinakokonsidera sa pamahalaan ang Public-Private Partnership sa pamamahala sa NAIA

Nanawagan si Senate Committee on Tourism Chairperson Senador Nancy Binay sa pamahalaan na pag-aralan ang posibleng partnership sa pribadong dayuhang kumpanya at ng gobyerno para sa pagpapaganda ng mga serbisyo at pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Pinunto ni Binay ang estado ng Mactan-Cebu International Airport na naisaayos at mas napaganda matapos makipag-partner ang… Continue reading Sen. Nancy Binay, pinakokonsidera sa pamahalaan ang Public-Private Partnership sa pamamahala sa NAIA

PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong modus ng mga mandurukot sa pampublikong sasakyan

Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na mag-ingat sa bagong modus ng mga mandurukot sa pampublikong sasakyan. Ito’y matapos na kumalat sa social media ang post ng isang muntik mabiktima ng grupo ng limang magkakasabwat sa loob ng isang jeep. Modus ng grupo ang buhusan ng palihim ng toyo o oyster sauce ang… Continue reading PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong modus ng mga mandurukot sa pampublikong sasakyan

DOH, aminadong di makabili ng bakuna vs. COVID-19 dahil sa lifted na ang State of Calamity

Naka-asa ngayon ang Department of Health (DOH) sa mga donasyon para magkaroon ang bansa ng bivalent COVID-19 vaccines. Sa pagharap ng ahensya sa House Committee on Appropriations, humingi ng update si Committee Senior Vice Chair at Marikina Representative Stella Quimbo hinggil sa suplay ng bivalent vaccines sa bansa. Ayon kay DOH Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire,… Continue reading DOH, aminadong di makabili ng bakuna vs. COVID-19 dahil sa lifted na ang State of Calamity