Runway ng NAIA, 24-oras nang bukas para sa recovery flight kasunod ng power outage sa paliparan

Binuksan na 24-oras ang runway sa NAIA. Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong ito ay para bigyang daan ang mga recovery flight at mabawasan ang mga delayed flight at canceled flight. Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline company para sa status ng kanilang flight. Una… Continue reading Runway ng NAIA, 24-oras nang bukas para sa recovery flight kasunod ng power outage sa paliparan

15 OFWs, nakabalik na sa bansa mula sa Cairo, Egypt

Nakauwi na ang nasa 16 na OFWs mula sa Cairo, Egypt mula sa Sudan dahil sa nangyaring tensyon sa naturang bansa. Pasado 9:26 nang dumatin sa Ninoy Aquino International Terminal 1 ang flight number SV 870 ng Saudia Airlines mula sa bansang Jedahh. Sa naturang bilang lima rito ay menor de edad na anak ng… Continue reading 15 OFWs, nakabalik na sa bansa mula sa Cairo, Egypt

Mga kabataang mag-aaral sa QC, hinikayat na magdisenyo ng makabagong solusyon sa climate change

Inaanyayahan ng Quezon City LGU ang lahat ng mga mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod na lumahok sa ikinasa nitong #QCMinecraftChallenge. Ito ay sa pangunguna ng QC Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) at bahagi ng Schools Reinventing Cities program, na kolaborasyon sa pagitan ng C40’s Reinventing Cities at Minecraft Education.… Continue reading Mga kabataang mag-aaral sa QC, hinikayat na magdisenyo ng makabagong solusyon sa climate change

COVID positivity rate sa NCR, umakyat pa sa 17.2% — OCTA

Patuloy na tumataas ang COVID-19 positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila, ayon yan sa OCTA Research Group. Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of April 29 ay umakyat sa 17.2% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR)… Continue reading COVID positivity rate sa NCR, umakyat pa sa 17.2% — OCTA

Rotational brownout sa Panay at Negros Islands, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Nanawagan si Senate Committee on Energy Chairperson Senador Raffy Tulfo sa Department of Energy (DOE) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyayaring rotational power outage sa Panay at Negros Islands. Ang panawagang ito ay matapos aniyang makatanggap ng hindi magkakatugmang pahayag ang senador mula sa National Grid Corporation of… Continue reading Rotational brownout sa Panay at Negros Islands, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Topnotcher ng 2023 Civil Engineering Licensure Exam na 4Ps beneficiary, nagpasalamat sa DSWD

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat ang topnotcher ng 2023 Civil Engineering Licensure Exam na si Engr. Alexis Alegado sa naitulong ng pagiging benepisyaryo ng Pantawid sa Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa isang video message, ibinahagi ni Alegado na dahil sa financial assistance na hatid ng DSWD ay… Continue reading Topnotcher ng 2023 Civil Engineering Licensure Exam na 4Ps beneficiary, nagpasalamat sa DSWD

Ilang jeepney driver sa QC, umaasang magtuloy-tuloy pa ang rollback sa produktong petrolyo

Good news para sa mga pampublikong tsuper ang panibagong rollback na ipinatupad ngayong araw. Batay sa abiso ng mga kumpanya ng langis, may rollback na ₱1.50/litro ng gasolina habang ₱1.30/litro naman ang tapyas sa diesel. Ito na ang ikalawang sunod na linggo na nagkaroon ng rollback sa produktong petrolyo partikular na sa diesel na ikinakarga… Continue reading Ilang jeepney driver sa QC, umaasang magtuloy-tuloy pa ang rollback sa produktong petrolyo

Umabot sa 1,898 individuals ang napagkalooban ng tulong-pinansyal sa ilalim ng TUPAD program sa Bacolod City.

Magkatuwang ang Office of the Vice President at Department of Labor and Employment sa distribusyon ng suweldo na ginanap sa Bacolod City National High School Gymnasium. Nasa ₱9.3-million ang ipinamahagi sa mga benepisiyaryo mula sa labimpitong barangay sa lungsod at bawat isa ay tumanggap ng ₱4,500. Sa kanyang mensahe sa TUPAD workers, kinilala ni Vice… Continue reading Umabot sa 1,898 individuals ang napagkalooban ng tulong-pinansyal sa ilalim ng TUPAD program sa Bacolod City.

PBBM, hinimok ng isang mambabatas na pauwiin ang ambassador ng Pilipinas sa China

Pinakokonsidera ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pauuwiin muna ang ating ambassador sa China. Ito aniya ay bilang protesta sa aniya’y panibagong ‘David vs. Goliath’ na insidente sa pagitan ng Chinese Coast Guard at ating Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal. Para kay Rodriguez, maliban sa paghahain… Continue reading PBBM, hinimok ng isang mambabatas na pauwiin ang ambassador ng Pilipinas sa China

Mambabatas, umaasang magkaroon ng PH-US joint patrol sa WPS

Umaasa si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na maisakatuparan ang pagkakaroon ng joint patrol sa pagitan ng Pilipinas, US, at iba pang kaalyadong bansa. Ito ang inihayag ng kongresista kasunod ng panibagong insidente ng panggigipit ng China sa Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal. Ani Villafuerte, sana ay kasama ito sa napag-usapan sa bilateral meeting… Continue reading Mambabatas, umaasang magkaroon ng PH-US joint patrol sa WPS