LAGUSNILAD sa Maynila, pansamantalang isasara

Nagpaalala ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga motoristang madalas dumaan sa Lagusnilad na pansamantala itong hindi muna madadaanan. Ayon sa anunsyo ng Manila LGU, simula bukas May 2 ay magkakaroon ng parital road closure ang naturang kalsada dahil sa gagawing rehabilitasyon nito. Tatagal, ayon sa LGU, ang naturang pagkukumpuni ng apat na buwan o… Continue reading LAGUSNILAD sa Maynila, pansamantalang isasara

MANI-LAbor Day, gagawin sa Maynila ngayong araw

Nakatakdang simulan ngayong araw ang ikaapat na taon ng “MANI-LAbor Day: Buhay at Kabuhayan tungo sa Maringal na Maynila.” Ito ang selebrasyon ng pamahalaang lugnsod ng Maynila bilang pagdiriwang sa Araw ng Paggawa sa Mayo uno. Ayon sa MANILA LGU, aabot sa 100 employers ang lalahok sa naturang aktibidad, kung saan nasa 15,000 na bakanteng… Continue reading MANI-LAbor Day, gagawin sa Maynila ngayong araw

Ilang manggagawa sa QC, umaasang mas tataas pa ang sahod

Aminado ang ilang manggagawa sa Quezon City na hindi sapat para sa pangangailangan ng kanilang pamilya ang sinasahod. Si Mang Leo na isang messenger, mas gustong pumasok kahit holiday dahil sayang din ang dagdag na sahod. Minimum ang kita nito pero dahil sa taas ng presyo ng bilihin ngayon ay hindi raw ito nagkakasya. Si… Continue reading Ilang manggagawa sa QC, umaasang mas tataas pa ang sahod

PBBM, umaasang di na kailangan pang ibalik ang mandatory face mask protocol, sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases

Kailangan mapalakas muli ang COVID-19 vaccination drive ng pamahalaan, lalo na sa mga kabataan. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna ng naitatalang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa. Sa isang ambush interview, sinabi ng Pangulo na ngayong mainit ang panahon, nakakadagdag ito sa paghina ng katawan ng publiko, dahilan kung bakit… Continue reading PBBM, umaasang di na kailangan pang ibalik ang mandatory face mask protocol, sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases

Kauna-unahang cooperatives job fair sa QC, kasado na ngayong araw

Handa nang tumanggap ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho ang kauna-unahang Cooperatives Job Fair na ilulunsad kasabay ng Labor Day sa Lungsod ng Quezon. Ito ay sa pangunguna ng Cooperative Development Authority-National Capital Region (CDA-NCR), Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR), at Quezon City Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (QC-SBCDPO).… Continue reading Kauna-unahang cooperatives job fair sa QC, kasado na ngayong araw

Deputy Speaker Recto, suportado ang paghahain ng protesta ng Pilipinas laban sa patuloy na panggigipit ng China

Tuloy lang ang protesta. Ito ang payo ni House Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto matapos ang isa na naman insidente ng pangha-harass ng China sa ating Coast Guard na nagpapatrolya sa Ayungin Shoal. Para sa mambabatas, mahalaga na ipagpatuloy ng Pilipinas ang paghahayag nito ng protesta laban sa China. Hindi man aniya ito… Continue reading Deputy Speaker Recto, suportado ang paghahain ng protesta ng Pilipinas laban sa patuloy na panggigipit ng China

Daily skills training at libreng maintenance medicine para sa mga kasambahay, ipinapanukala ni Sen. Alan Cayetano

Bilang paggunita sa Labor Day, muling isinusulong ni Senador Alan Peter Cayetano ang kanyang panukalang Enhanced Kasambahay Act (Senate Bill 299) para madagdagan ang karapatan at benepisyo ng mga kasambahay sa bansa. Sa ilalim ng naturang panukala, magkakaroon ng karapatan ang mga kasambahay na maglaan ng hindi bababa sa isang oras araw-araw para sa alternative… Continue reading Daily skills training at libreng maintenance medicine para sa mga kasambahay, ipinapanukala ni Sen. Alan Cayetano

Solon, umaasang maaaksyunan agad ng Senado ang 4 na panukalang poprotekta sa karapatan, kapakanan ng mga manggagawa

Kasabay ng paggunita sa Labor Day ngayong araw ay nanawagan si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa mga senador na agad ipasa ang mga panukalang tutugon sa kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa. Umaasa si Villafuerte na sa pagbabalik sesyon ng Kongreso sa May 8 ay matalakay at mapagtibay na rin ng Mataas na Kapulungan ng… Continue reading Solon, umaasang maaaksyunan agad ng Senado ang 4 na panukalang poprotekta sa karapatan, kapakanan ng mga manggagawa

Nararapat na living wage at pagpapatigil sa ENDO, ipinanawagan ni Sen. Joel Villanueva ngayong Labor Day

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, ipinanawagan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na bilisan na ang mga pag-aaral ng mga panukalang dagdag sweldo sa mga manggagawang Pilipino. Ayon kay Villanueva, mahalagang mapag-aralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang magiging tamang pamantayan para matukoy… Continue reading Nararapat na living wage at pagpapatigil sa ENDO, ipinanawagan ni Sen. Joel Villanueva ngayong Labor Day

Globe telecom, pinabulaanan ang kumakalat na balita na mawawala ang pera sa gcash kapag hindi nakapagrehisto ng SIM card

Pinabulaanan ng Globe Telecom ang mga kumakalat na ulat na umano’y mawawala ang pera sa GCash kapag inabot ng deadline ng SIM card registration, at di pa rin nakakapag-parehistro. Ayon sa naturang telco company na hindi totoo at fake news ang mga naturang ulat. Malaki anila ang posibilidad na galing sa mga taong nais lamang… Continue reading Globe telecom, pinabulaanan ang kumakalat na balita na mawawala ang pera sa gcash kapag hindi nakapagrehisto ng SIM card