DA, nakatutok na sa mga sakahang apektado ng Super Typhoon Pepito

Nagsasagawa na ng validation ang Department of Agriculture sa mga sakahan na tinamaan ng Super Typhoon Pepito. Ayon kay DA Spokeperson Asec. Arnel de Mesa, mula nang tumama ang Bagyong Kristine, nasa higit P10-B na ang halaga ng pinsala na inabot ng agri at fisheries sector. Sa Catanduanes na labis na tinamaan ng Bagyong Pepito,… Continue reading DA, nakatutok na sa mga sakahang apektado ng Super Typhoon Pepito

Mindanao solon, pinalagan ang pagkuwestyon ng China sa Archipelagic Sea Lanes at Philippine Maritime Zones law

Kinondena ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang patuloy na pagiging “expansionist” ng China matapos kuwestyunin ang dalawang bagong batas ng bansa para pagtibayin ang maritime zones ng Pilipinas. Ayon kay Barbers gusto ng China na respetuhin natin ang kanilang pag angkin sa West Philippine Sea nang walang historical o legal basis at… Continue reading Mindanao solon, pinalagan ang pagkuwestyon ng China sa Archipelagic Sea Lanes at Philippine Maritime Zones law

US Defense Sec. Austin, makikipagpulong kay Sec. Teodoro bilang bahagi ng ika-4 na pagbisita nito sa bansa

Nasa Pilipinas ngayong araw si United States Defense Sec. Lloyd Austin para kaniyang Opisyal na pagbisita. Katunayan, magpupulong sina Austin at Defense Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. para sa pagrepaso gayundin ang pagpapatibay sa bilateral cooperation ng Pilipinas at Amerika. Ayon kay Teodoro, pagkakataon din ito upang pasalamatan ang Amerika sa mga hakbang nitong itaguyod… Continue reading US Defense Sec. Austin, makikipagpulong kay Sec. Teodoro bilang bahagi ng ika-4 na pagbisita nito sa bansa

Paunang tulong, agad inihatid ng Bicolano solons sa mga kababayang naapektuhan ng bagyong Pepito

Kasunod ng pagbuti ng panahon matapos manalasa ang bagyong Pepito ay agad umikot si Sorsogon Representative Wowo Fortes para magpaabot ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Pepito. Tatlong barangay sa munisipalidad ng Gubat Sorsogan ang naabutan ng tig-dalawang kilo ng bigas kada household. Sa Brgy. Panganiban, 610 na kabahayan ang napagkalooban ng bigas. Habang may 346… Continue reading Paunang tulong, agad inihatid ng Bicolano solons sa mga kababayang naapektuhan ng bagyong Pepito

Pinakakawalang tubig sa Magat Dam, dinagdagan

Muling itinaas ng Magat Dam ang pinapakawalan nitong tubig dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig dulot ng Bagyong Pepito. Ayon sa National Irrigation Administration-Mariis Dam and Reservoir Division (NIA-MARIIS DRD), kaninang alas-7 ng umaga ay itinaas sa hanggang apat na metro ang nakabukas na spillway gate sa Magat Dam. Ngayong alas-8 ng… Continue reading Pinakakawalang tubig sa Magat Dam, dinagdagan

55 electric coops, apektado ng Super Bagyong Pepito — NEA

Aabot sa 55 electric cooperatives (ECs) mula sa 35 lalawigan sa bansa ang apektado ng hagupit ng Super Bagyong Pepito ayon sa National Electrification Administration (NEA). Sa tala ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), dalawang electric coop ang nagpatupad ng total power interruption, habang 19 ang partial power interruption. Nasa 613 na… Continue reading 55 electric coops, apektado ng Super Bagyong Pepito — NEA

DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱70-M halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Nika, Ofel, at Pepito

Sumampa na sa ₱70.78-million ang halaga ng humanitarian assistance na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa hindi tumitigil na relief operations nito sa mga rehiyong rehiyong nakaranas ng malalakas na pag-ulan at bahang dulot ng magkakasunod na Bagyong Nika, Ofel, at Pepito. Ayon sa DSWD, naipaabot ang tulong sa mga apektadong… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱70-M halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Nika, Ofel, at Pepito

Bangko Sentral ng Pilipinas, inilunsad ang ‘interest rate swap market’

Inilunsad ngayon araw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang “new interest rate swap market,” isang mahalagang hakbang upang pasiglahin ang kalakalan at liquidity ng domestic bond market. Layon nitong gawing malalim ang capital market na inaasahang magpapataas ng savings at investments sa Pilipinas pati na rin ang pagpapatupad ng monetary policy. Ayon kay BSP… Continue reading Bangko Sentral ng Pilipinas, inilunsad ang ‘interest rate swap market’

Pagbabalik ng suplay ng kuryente sa 4 na transmission lines sa ilalim ng NGCP, ikakasa kapag bumuti na ang panahon

Nananatiling walang suplay ng kuryente sa apat na tramission lines sa ilalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na labis na naapektuhan ng Super Bagyong Pepito. Kabilang dito ayon sa NGCP ang Santiago-Cauayan 69kV Line, Itogon-Ampucao 23kV Line, Bayombong-Lagawe 69kV Line at Cabanatuan-San Luis 69kV Line. Ayon sa NGCP, hinihintay lang nilang bumuti… Continue reading Pagbabalik ng suplay ng kuryente sa 4 na transmission lines sa ilalim ng NGCP, ikakasa kapag bumuti na ang panahon

Mga nagsilikas sa Brgy. Del Monte sa QC, naghahanda nang umuwi

Nagsimula nang maghakot ng gamit at mag-uwian ang ilan sa mga residente sa Brgy. Del Monte, Quezon City na lumikas noong weekend dahil sa pangamba sa epekto ng Super Bagyong Pepito. Sa San Francisco Elementary School, pansamantalang nanatili ang nasa 278 na pamilya o higit 1,000 indibidwal bilang pag-iingat sa bagyo. Ayon kay Nanay Delia,… Continue reading Mga nagsilikas sa Brgy. Del Monte sa QC, naghahanda nang umuwi