PNP, kaisa ng muslim community sa pagsisimula ng Ramadan

Nagpaabot ng pakikiisa ang Philippine National Police (PNP) sa Muslim community kaalinsabay ng pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame kaninang umaga, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo na may mga karagdagan silang tauhan na ipakakalat sa mga mosque at masjid upang magbigay seguridad. Layon… Continue reading PNP, kaisa ng muslim community sa pagsisimula ng Ramadan

Pag-apruba ng BOI sa 41 proyekto sa ilalim ng Marcos admin, malaking tulong sa ekonomiya ng bansa

Pinuri ng isang mambabatas ang mabilis na pagproseso ng Board of Investments ng Department of Trade and Industry sa 41 foreign-funded projects sa ilalim ng administrasyong Marcos. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers lalo nitong palalakasin ang ekonomiya ng bansa lalo na sa gitna ng pagtaas ng inflation. “This is a welcome… Continue reading Pag-apruba ng BOI sa 41 proyekto sa ilalim ng Marcos admin, malaking tulong sa ekonomiya ng bansa

Mga babaeng nag-aapply ng driver’s license, gagawing prayoridad ngayong buwan sa libreng TDC program ng LTO

Inatasan na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza ang lahat ng Regional Directors at District Office heads na gawing prayoridad sa mga ipinatutupad na libreng Theoretical Driving Course (TDC) seminars ngayong buwan ang mga kababaihan. Ang hakbang ay nakalinya sa direktiba ni Transportation Sec. Jaime J. Bautista na bumuo… Continue reading Mga babaeng nag-aapply ng driver’s license, gagawing prayoridad ngayong buwan sa libreng TDC program ng LTO

Panibagong price roll-back, nakaamba bukas

Nag-anunsyo na ang ilang kumpanya ng langis na magkakaroon sila ng price roll-back bukas. Ayon sa Pilipinas Shell at Petro Gazz, ipatutupad nila ang sumusunod na roll back bukas alas-6 ng umaga. Gasoline ₱0.50L ⬇️ (rollback)Kerosene₱0.30/L  ⬇️ (rollback)Diesel      ₱0.25/L  ⬇️ (rollback) Sa ngayon ay wala pang anunsyo ang iba pang kumpanya ng langis hinggil sa inaasahang price-adjust… Continue reading Panibagong price roll-back, nakaamba bukas

Pekeng Interpol agent, huli ng BI sa NAIA

Huli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 34-anyos na babae matapos magpanggap na ahente ng International Police (Interpol). Ayon kay Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-Probes) Bienvenido Castillo III, tinangka ng human trafficking victims na lumabas ng bansa sa pamamagitan ng Air Asia patungong Bangkok, Thailand. Ayon pa sa report… Continue reading Pekeng Interpol agent, huli ng BI sa NAIA

Posibleng pagpasok ng South American drug syndicates sa bansa, iniimbestigahan ng PNP

Iniimbestigahan ng Philippine National Police ang posibilidad na nakapasok sa bansa ang mga foreign drug syndicate na naka-base sa South America. Ito inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo kaugnay ng pagkakasabat noong Biyernes ng 20 bloke ng cocaine sa Eastern Samar, na pangatlong major cocaine recovery na simula pa noong… Continue reading Posibleng pagpasok ng South American drug syndicates sa bansa, iniimbestigahan ng PNP

DOF, suportado ang ipinatupad na dismissal ng BIR sa ilang kawani nito

Welcome kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang suporta ng Department of Finance (DOF) sa kampanya nito kontra mapang-abusong mga kawani ng ahensya. Kasunod ito ng kumpirmasyon ng DOF sa dismissal ng ilang BIR personnel na sangkot sa magkakaibang reklamo kabilang ang Grave Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of… Continue reading DOF, suportado ang ipinatupad na dismissal ng BIR sa ilang kawani nito

House Speaker, pinuri ang AFP sa pagiging ‘most trusted at top-performing’ na ahensya ng pamahalaan

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang pagkilala ng publiko sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng isinagawang survey ng OCTA Research. Sa naturang survey, isa ang AFP sa pinaka-pinagkakatiwalaan at itinuturing na top performing government agency. Nasa 86% ang nasiyahan sa accomplishments ng AFP na nagresulta sa net satisfaction rating na +84.… Continue reading House Speaker, pinuri ang AFP sa pagiging ‘most trusted at top-performing’ na ahensya ng pamahalaan

Kumpirmasyon ni Sec. Recto bilang Finance Chief, inaasahang magiging mabilis

Kumpiyansa si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na mabilis lang lulusot sa Commission on Appointments ang kumpirmasyon ni Sec. Ralph Recto bilang kalihim ng Finance department. Ayon sa CA Assistant Minority Leader, inaasahan nila na bibigyang kurtesiya ng komite ang mabilis na kumpirmasyon ni Recto na dati nang nagsilbi sa Senado at sa Kamara.… Continue reading Kumpirmasyon ni Sec. Recto bilang Finance Chief, inaasahang magiging mabilis

PNP Women & Children’s Protection Center, naglunsad ng e-Learning project para sa mga Pulis sa paghawak ng mga kaso ng pang-aabuso sa mga babae at bata

Inilunsad ng Philippine National Police – Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang isang e-Learning project para sa mga Pulis. Ito’y para magabayan ang mga Pulis hinggil sa tamang paghawak at pagresolba sa mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso sa mga babae at bata. Isinagawa ang paglulunsad kaalinsabay ng lingguhang flag raising ceremony sa Kampo… Continue reading PNP Women & Children’s Protection Center, naglunsad ng e-Learning project para sa mga Pulis sa paghawak ng mga kaso ng pang-aabuso sa mga babae at bata