Meralco, handang tumugon sa posibleng epekto ng bagyong Pepito

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na nakahanda silang rumesponde sa anumang epekto ng bagyong Pepito. Ayon sa Meralco, nakaalerto ang kanilang mga tauhan upang agad na matugunan ang ano mang problema sa serbisyo ng kuryente. Kaugnay nito, umapela ang Meralco sa mga kumpanya at sa mga may-ari at operator ng mga billboard na pansamantalang… Continue reading Meralco, handang tumugon sa posibleng epekto ng bagyong Pepito

Sweden, nagpahayag ng commitment na paunlarin ang kanilang pamumuhunan sa Pilipinas

Ibinahagi ni Sweden Ambassador Herald Fries sa Depatment of Finance (DOF) ang kanilang dedikasyon upang palawakin ang pamumuhunan at kolaborasyon sa Pilipinas. Partikular sa larangan ng imprastraktura, transportasyon, digitalisasyon, healthcare, energy at responsableng pagmimina. Kabilang ito sa mga tinalakay ng Sweden Ambassador at ni Finance Secretary Ralph Recto, sa courtesy meeting na naglalayong mas pagtibayin… Continue reading Sweden, nagpahayag ng commitment na paunlarin ang kanilang pamumuhunan sa Pilipinas

Mga simbahan sa Catanduanes, bukas para sa evacuees

Inanunsiyo ngayon ng Diocese of Virac na bukas ang kanilang mga simbahan sa Catanduanes para sa mga kinakailangang magsilikas dahil sa bagyong #PepitoPH. Ayon sa pahayag ng Diocese, sa marami nang nagdaang henerasyon, ang kanilang mga simbahan ay naging kanlungan at ‘safe haven’ para sa lahat regardless kung ano man ang paniniwala o relihiyon ng… Continue reading Mga simbahan sa Catanduanes, bukas para sa evacuees

Protocol sa paggamit ng drones sa pagsasaka, inilabas na

Bumuo na ang DA-Fertilizer and Pesticide Authority ng protocols at pamantayan sa paggamit ng precision technologies gaya ng drones sa pagsasaka. Bahagi ito ng Drones4Rice Project ng Department of Agriculture National Rice Program (DA NRP), na layong i-standardize ang mga polisiya para sa aplikasyon ng binhi, pataba, at pesticides gamit ang drones lalo na sa… Continue reading Protocol sa paggamit ng drones sa pagsasaka, inilabas na

RADM Jose Ambrosio Ezpeleta, opisyal nang naupo bilang ika-41 Flag Officer in Command ng Philippine Navy

Opisyal nang naupo sa pwesto si Rear Admiral Jose Ambrosio Ezpeleta, bilang ika-41 Flag Officer in Command ng Philippine Navy. Kasunod ito ng iginagawad na retirement ceremony kay Vice Admiral Toribio Adaci Jr., na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (November 15). Si Ezpeleta ay una nang nagsilbi bilang ika-57 Vice Commander ng Philippine… Continue reading RADM Jose Ambrosio Ezpeleta, opisyal nang naupo bilang ika-41 Flag Officer in Command ng Philippine Navy

DSWD, handa sa posibleng epekto ng bagyong Pepito sa Region 8

Photo by DSWD Eastern Visayas

Higit 81,000 family food packs (FFPs) ang naka-preposisyon na sa iba’t ibang strategic areas sa mga bayan ng Rehiyon 8 ang inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas, sa posibleng maging epekto ng Severe Tropical Storm “Pepito” sa rehiyon. Ito ay batay sa pinakahuling ulat na ipinalabas ng DSWD 8. Ang… Continue reading DSWD, handa sa posibleng epekto ng bagyong Pepito sa Region 8

Iloilo solon, pinarerepaso ang implementasyon ng UHC law

Inihain ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang House Resolution 2081 para magkasa ang House Committee on Health ng pagsisiyasat sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law. Partikular na tututok ang pagsisiyasat sa Health Technology Assessment (HTA) process at mga proseso na nakakabalam sa napapanahong healthcare innovations, at makapaglatag ng legislative reforms upang… Continue reading Iloilo solon, pinarerepaso ang implementasyon ng UHC law

BI, pinabulaanan ang depensa ni dating Bamban Mayor Alice Guo na isa itong Pilipino

Kinontra ng Bureau of Immigration ang naging pahayag ng Kampo ni Guo Hua Ping na ito ay Pilipino. Ito’y matapos sumalang si Guo Hua Ping alyas Alice Guo sa hearing ng BI. Ayon kay Atty. Gilbert Repizo, head ng Board of Special Inquiry ng BI, maraming mga naipakitang ebidensya ang Special Prosecutor na nagpapatunay na… Continue reading BI, pinabulaanan ang depensa ni dating Bamban Mayor Alice Guo na isa itong Pilipino

AFP Joint Exercise DAGITPA, pormal nang nagtapos

Pormal nang nagtapos ang Joint Armed Forces of the Philippines Exercise Dagat, Langit at Lupa (AJEX-DAGITPA) na tumagal ng dalawang linggo. Pinangunahan ni AFP Vice Chief of Staff, Lt.Gen. Arthur Cordura ang closing ceremony na dinaluhan ni Defense Usec. Ignacio Madriaga. Tumuon ang DAGITPA sa “interoperability” at “capability development” ng mga unit ng AFP kasama… Continue reading AFP Joint Exercise DAGITPA, pormal nang nagtapos

Bagyong Pepito, isa nang typhoon; bagyong Ofel, humina na

Lumakas pa at nasa typhoon category na ang Bagyong Pepito habang nasa karagatan papalapit ng bansa. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 630km silangan ng Guian, Eastern Samar taglay ang lakas ng hanging aabot sa 130km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 160km/h. Nakataas na ang Signal no. 2 sa eastern portion ng… Continue reading Bagyong Pepito, isa nang typhoon; bagyong Ofel, humina na