1,000 ambulant vendors sa QC, tumanggap ng Pamaskong Handog sa LGU

Sinimulan na ng Quezon City Local Government ang taunang gift-giving nito o ang pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga vulnerable sector sa lungsod. Kabilang sa nakatanggap ng Pamaskong Handog ang nasa 1,000 tindero at tinderang QCitizen sa District 1. Laman nito ang grocery packs na sakto pang-Noche Buena ngayong nalalapit na Pasko. Pinangunahan nina… Continue reading 1,000 ambulant vendors sa QC, tumanggap ng Pamaskong Handog sa LGU

Defense Ministers ng Pilipinas, Amerika, Japan, South Korea, at Australia, nagkaisa sa panawagan ng isang malayang Indo-Pacific Region

Nagkakaisa ang limang magkaalyadong bansa na nakapalibot sa Indo-Pasipiko para sa bukas at malayang rehiyon kung saan, iginagalang ang international law at soberanya ng bawat bansa. Ito ang naging buod ng pagpupulong ng mga Defense Minister ng Pilipinas, Amerika, Japan, South Korea, at Australia sa isinagawang ASEAN Defense Ministers’ Meeting sa Vientian, Laos. Kabilang sa… Continue reading Defense Ministers ng Pilipinas, Amerika, Japan, South Korea, at Australia, nagkaisa sa panawagan ng isang malayang Indo-Pacific Region

Pinakahuling Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ngayong taon, idaraos ngayong araw sa probinsya ng Samar

Pangungunahan ni House  Speaker Martin Romualdez ang ika-25th Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong araw sa probinsya ng Samar. Inaasahang aabot sa ₱700 million na halaga ng serbisyo at 60,000 beneficiaries ng cash aid ang ibabahagi sa mga taga-Samar sa Northwest Samar State University sa siyudad ng Calbayog. Ito ang magsisilbing final installment ng BPSF na flagship initiative… Continue reading Pinakahuling Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ngayong taon, idaraos ngayong araw sa probinsya ng Samar

Air Force, patuloy sa paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng Super Bagyong Pepito sa Catanduanes

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Air Force (PAF) sa mga nasalanta ng Super Bagyong Pepito sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon sa Air Force, ito ay bahagi pa rin ng kanilang Humanitarian Assistance at Disaster Relief operations sa nasabing lalawigan na siyang unang nakatikim ng hagupit ng super bagyo. Sakay ng C-130 aircraft, inihatid… Continue reading Air Force, patuloy sa paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng Super Bagyong Pepito sa Catanduanes

Simultaneous clean-up drive kontra dengue, ikakasa sa QC bukas

Sa pinaigting na kampanya kontra dengue, isang Simultaneous Dengue Information and Cleanup Drive ang isasagawa ng Quezon City LGU sa lahat ng barangay sa lungsod. Isasagawa ito sa Sabado, November 23, ganap na alas-7 ng umaga. Kaugnay nito ay hinikayat ng pamahalaang lungsod ang lahat na makiisa sa paglilinis ng loob at labas ng bahay… Continue reading Simultaneous clean-up drive kontra dengue, ikakasa sa QC bukas

DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱277-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Nika, Ofel, at Pepito

Walang patid pa rin ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo ngayong Nobyembre. Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, umakyat na sa ₱277-million ang halaga ng tulong na naipaabot nito sa mga apektadong pamilya mula sa walong rehiyon sa bansa. Kabilang sa… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱277-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Nika, Ofel, at Pepito

Rep. Zaldy Co, nagpasalamat sa tulong na ipinaabot ng House Leader hindi lang para sa mga biktima ng bagyo, pati na rin sa pagpapaunlad ng Bicol Region

Kinilala ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co si Speaker Martin Romualdez sa kaniyang pangunguna sa relief mission na ‘Tabang Bicol, Tindog Oragon.’ Giit ni Co, nakapagpaabot ng malaking tulong para sa mga residente ng Bicol Region na naapektuhan ng magkakasunod na bagyo ang programa. Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), pinaglaanan… Continue reading Rep. Zaldy Co, nagpasalamat sa tulong na ipinaabot ng House Leader hindi lang para sa mga biktima ng bagyo, pati na rin sa pagpapaunlad ng Bicol Region

Higit 3,000 namamalimos sa lansangan, natulungan ng DSWD

Umakyat na sa 3,354 ang bilang ng Individuals in Street Situations ang nabigyan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Mula ito sa tuloy-tuloy na reach out operations ng ahensya sa ilalim ng Oplan Pag-abot Program. Ayon kay Division Chief Jayson Oabel, sa higit 3,000 natulungan, nasa 2,784 ang napauwi na sa… Continue reading Higit 3,000 namamalimos sa lansangan, natulungan ng DSWD

Deployment sa mga tropa ng Amerika sa Ayungin Shoal, ‘internal arrangement’ — National Security Council

Nilinaw ng National Security Council (NSC) na “internal arrangement” o sariling kusa ng Amerika ang pagpapadala ng mga sundalo nito sa Ayungin Shoal. Ito ang binigyang-diin ni National Security Adviser Eduardo Año nang hingan ng reaksyon sa kumpirmasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa itinatag na US Task Force Ayungin. Sa kaniyang… Continue reading Deployment sa mga tropa ng Amerika sa Ayungin Shoal, ‘internal arrangement’ — National Security Council

Red Cross, naghatid ng tulong sa mga sinalanta ng Super Bagyong Pepito sa mga lalawigan ng Quezon at Cagayan

Lalo pang pinaigting ng Philippine Red Cross ang kanilang paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng Super Bagyong Pepito sa isla ng Polillio sa Quezon gayundin sa lalawigan ng Cagayan. Ito’y para matulungan ang mga apektadong residente sa nabanggit na mga lugar sa kanilang mabilis na pagbangon mula sa epekto ng kalamidad sa kanilang mga… Continue reading Red Cross, naghatid ng tulong sa mga sinalanta ng Super Bagyong Pepito sa mga lalawigan ng Quezon at Cagayan