House Panel, inaprubahan ang panukalang turuan ang mga kawani ng gobyerno sa tamang paghawak ng kanilang pera

Photo courtesy of House of Representatives

Inaprubahan ng Committee on Civil Service and Professional Regulation ang panukalang nagmamandato sa Civil Service Commission (CSC) na magkaloob ng finance education program sa lahat ng state workers. Sa ginawang pagdinig ng komite, tinalakay nito ang benepisyo ng mga kawani ng gobyerno sa paghawak ng kanilang pera, pag-iipon at pag gastos. Ayon sa may akda… Continue reading House Panel, inaprubahan ang panukalang turuan ang mga kawani ng gobyerno sa tamang paghawak ng kanilang pera

Isa pang transmission line na naapektuhan ng bagyong Nika, naayos na — NGCP

Naibalik na ang normal na operasyon ng isa pang transmission line facility na bumigay sa kasagsagan ng bagyong Nika. Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), tapos na ang pagkumpuni sa Santiago-Aglipay 69kv Line na nagsusuplay ng elektrisidad sa ISELCO I o Isabela Electric Cooperative 1, at QUIRELCO o Quirino Electric Cooperative.… Continue reading Isa pang transmission line na naapektuhan ng bagyong Nika, naayos na — NGCP

Operasyon ng ilang airport sa Hilagang Luzon, balik normal na — CAAP

Ibinahagi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa publiko na balik normal na ang operasyon ng ilang mga paliparan na naapektuhan ng bagyong Nika. Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, balik normal na ang operasyon ng Vigan, Lingayen, at Baguio Airport subalit nananatiling suspendido ang commercial flights sa mga ito bunsod ng maulap… Continue reading Operasyon ng ilang airport sa Hilagang Luzon, balik normal na — CAAP

Higit 800 pamilya, nananatili pa rin sa evacuation centers sa CAR  dahil sa pananalasa ng bagyong Nika

Photo courtesy of Philippine Information Agency (PIA)

Tinatayang nasa 812 pamilya ang nananatili ngayon sa 75 evacuation centers sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang inaalalayan ng pamahalaan, dahil sa pananalasa ng Bagyong Nika. “Dito po sa Cordillera Region, dalawa na lang po iyong may tropical cyclone warning signal which are the provinces of Abra and Apayao. So, Signal Number 1 na lang… Continue reading Higit 800 pamilya, nananatili pa rin sa evacuation centers sa CAR  dahil sa pananalasa ng bagyong Nika

DSWD, namahagi ng cash aid sa 17,000 manggagawa sa NCR

Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Aabot sa 17,000 mall employees ang inaasahang makakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Sinimulan na ngayong araw ng DSWD Field Office-National Capital Region ang pamamahagi ng P5,000 cash aid sa bawat benepisyaryo sa SM Mall of Asia.… Continue reading DSWD, namahagi ng cash aid sa 17,000 manggagawa sa NCR

Party-list solon, hinikayat ang mga LGU na magkaisa sa paglaban sa online sexual abuse of children

Hinimok ngayon ni Cong. Brian Yamsuan ang mga local government units (LGUs) na magsama-sama at magkaisa para labanan ang online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga community-based programs at pagpapasa ng mga ordinansa para ito ay masawata. Paalala ni Yamsuan na sa ilalim ng Republic Act 11930 o… Continue reading Party-list solon, hinikayat ang mga LGU na magkaisa sa paglaban sa online sexual abuse of children

4 na proyektong kontra pagbaha, isinusulong sa QC

Sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad sa bansa, naglatag na ang Quezon City Local Government ng mga proyekto para matugunan ang epekto ng malalakas na pag-ulan sa flood prone areas sa lungsod. Sa QC Journalists’ Forum, sinabi ni QC DRRMO Spokesperson Peachy de Leon, na may apat na silang proposed project sa lungsod kabilang ang… Continue reading 4 na proyektong kontra pagbaha, isinusulong sa QC

Panukalang diskwento sa remittance fee ng mga OFW umusad na sa plenaryo ng Kamara

Tinalakay na sa plenaryo ng Kamara ang panukalang batas para patawan ng discount ang bayad sa pagpapadala ng remittance ng mga OFW. Agad lumusot sa 2nd reading ang HB 10959 o Overseas Filipino Workers (OFWs) Remittance Protection Act, na pangunahing iniakda ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. Dito, 50% na diskwento ang ibabawas… Continue reading Panukalang diskwento sa remittance fee ng mga OFW umusad na sa plenaryo ng Kamara

DHSUD at PIA, magtutulungan para sa makakatotohanang impormasyon at labanan ang fake news

Photo courtesy of Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)

Palalakasin pa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang paghahatid ng makatotohanang impormasyon sa publiko na may kinalaman sa pabahay at paglaban sa fake news. Isang Memorandum of Understanding (MOU) ang nilagdaan na ng DHSUD at Philippine Information Agency (PIA) para palakasin ang kanilang partnership ukol dito. Sinabi ni DHSUD Secretary Jose… Continue reading DHSUD at PIA, magtutulungan para sa makakatotohanang impormasyon at labanan ang fake news

DSWD, nakapaglaan na ng inisyal na P2-M assistance sa mga apektado ng bagyong Nika

Mayroon nang inisyal na higit P2 milyong halaga ng humanitarian assistance ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nika. Kabilang dito ang mga ipinamahaging trak-trak na family food packs sa mga apektadong residente mula sa limang rehiyon sa bansa. Kaugnay nito, umakyat pa sa higit… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng inisyal na P2-M assistance sa mga apektado ng bagyong Nika