Bilang ng mga apektado ng bagyong Nika, umabot na sa mahigit 150,000

Pumalo na sa mahigit 36,000 pamilya o katumbas ng 153,000 indibidwal na apektado ng bagyong Nika. Batay ito sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nagmula ito sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, at Cordillera. Bukod dito, nasa mahigit 4,000 pamilya o katumbas ng mahigit 14,000… Continue reading Bilang ng mga apektado ng bagyong Nika, umabot na sa mahigit 150,000

4 na Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig dahil sa bagyong Nika

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang apat na pangunahing dam sa Luzon kasunod ng pananalasa ng bagyong Nika. Sa pulong balitaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Kampo Aguinaldo ngayong umaga, sinabi ni PAGASA Hydrologist Richard Orindain na kabilang sa mga nagpapakawala ang mga dam ng Ambuklao, Binga, San Roque, at… Continue reading 4 na Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig dahil sa bagyong Nika

PAGIBIG Fund, lumago pa sa ikatlong quarter ng 2024; higit 461,000 miyembrong apektado ng kalamidad, natulungan sa Calamity Loan

Nananatiling matatag ang savings at shelter financing ng Home Development Mutual Fund (HDMF), o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund sa ikatlong quarter ng 2024. Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, iniulat ni Domingo Jacinto, Jr., acting vice president ng Pag-IBIG Fund na umabot sa ₱98.72-billion ang kabuuang naipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG para sa 3rd… Continue reading PAGIBIG Fund, lumago pa sa ikatlong quarter ng 2024; higit 461,000 miyembrong apektado ng kalamidad, natulungan sa Calamity Loan

House Minority leader, hinamon ang OVP chief of staff na huwag sayangin pagkakataon na maipagtanggol ang sarili

Hinikayat ni House Minority Leader Marcelino Libanan si Office of the Vice President (OVP) chief of staff, Undersecretary Zuleika Lopez na humarap sa pagdinig ng Kamara at ipagtanggol ang sarili ukol sa kaugnayan niya sa umano’y maling pamamahala ng pondo ng tanggapan. Sinabi ni Libanan, ang mga indibidwal na malinis ang konsensya ay sasamantalahin ang… Continue reading House Minority leader, hinamon ang OVP chief of staff na huwag sayangin pagkakataon na maipagtanggol ang sarili

Mga kahinaan ng PH cyberspace, ibinabala ng AFP sa gitna ng diskusyon sa pagluluwag sa telco regulations

Nagbabala ang  Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang foreign invasions ay maaaring maging sanhi ng cyber attacks sa digital age, sa gitna ng mga diskusyon sa pagpasa ng isang batas na magluluwag sa  telco regulations at restrictions. Ginawa ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner ang pahayag sa ADR Stratbase Pilipinas Conference… Continue reading Mga kahinaan ng PH cyberspace, ibinabala ng AFP sa gitna ng diskusyon sa pagluluwag sa telco regulations

DOF, ADB, lumagda ng kasunduan para sa Laguna Lake Road Network Project

Lumagda ng kasunduan ang Department of Finance (DOF) at Asian Development Bank (ADB) para sa makabagong proyekto ng road network na magpapalakas ng climate resilience ng mga taga-Laguna. Ang Laguna Lake Road Network Project ay magtatayo ng 37.5 kilometer climate resilient expressway sa Laguna Lake. Bukod sa hangarin na maibsan ang trapik, makatutulong din ito… Continue reading DOF, ADB, lumagda ng kasunduan para sa Laguna Lake Road Network Project

Pilipinas bilang isang prime investment destination, masasakatuparan na sa CREATE MORE — BIR

Nagpahayag ng buong suporta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagkakalagda ng Republic Act No. 12066 (RA 12066) o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act. Sa isang pahayag, ipinunto ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na paiigtingin ng batas ang “investments-led growth”… Continue reading Pilipinas bilang isang prime investment destination, masasakatuparan na sa CREATE MORE — BIR

NGCP, nakatutok na sa mga naapektuhang pasilidad bunsod ng bagyong Nika

Nagpadala na ng mga line crew ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa magpapatrolya sa mga pasilidad nitong naapektuhan ng bagyong Nika. Ayon sa NGCP, isusunod dito ang simultaneous restoration activities lalo sa mga lugar na accessible na. As of 6am, partially energized na ang Santiago-Batal 69kV Line. Habang nananatiling unavailable ang… Continue reading NGCP, nakatutok na sa mga naapektuhang pasilidad bunsod ng bagyong Nika

Bangko Sentral ng Pilipinas, iniimbestigahan ang naganap na ‘unauthorized transfers’ ng GCash

Inatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang G-Xchange, Inc. (GXI), ang operator ng GCash e-wallet, na agarang ayusin ang mga naiulat na hindi awtorisadong pagbabawas sa mga balanse ng account ng mga apektadong GCash user at tapusin agad ang proseso ng mga refund. Inatasan din ng BSP ang GXI na magbigay ng regular na… Continue reading Bangko Sentral ng Pilipinas, iniimbestigahan ang naganap na ‘unauthorized transfers’ ng GCash

Kotseng bumangga sa concrete barrier sa Marcos Highway sa Marikina City, nai-alis na, pero mabigat na daloy ng trapiko, nararanasan pa rin

Nasabayan na ng morning rush hour ang mabigat na daloy ng trapiko sa Marcos Highway, Brgy. San Roque sa Marikina City. Ito’y kahit naalis na ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kotseng bumangga sa mga concrete barrier, pasado alas-6 ng umaga. Ayon sa mga tauhan ng MMDA, pasado alas-4 ng madaling… Continue reading Kotseng bumangga sa concrete barrier sa Marcos Highway sa Marikina City, nai-alis na, pero mabigat na daloy ng trapiko, nararanasan pa rin