MERALCO, mahigpit ding tinututukan ang pananalasa ng bagyong Nika

Nakaalerto na ang Manila Electric Company (MERALCO) para sa pagtugon nito sa mga lugar na nasa ilalim ng kanilang franchise area na maaapektuhan ng bagyong Nika. Ayon kay MERALCO Spokesperson, Joe Zaldarriaga, nakabantay 24 oras ang kanilang mga tauhan para agad rumesponde sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo upang maibalik sa lalong madaling panahon… Continue reading MERALCO, mahigpit ding tinututukan ang pananalasa ng bagyong Nika

House Blue Ribbon Committee, duda sa mga ‘lakad’ ng ilang opisyal ng OVP; Mga opisyal na di pa rin dumalo, pina-contempt

Tuluyan nang ipina-contempt ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ang ilan sa opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na bigo pa ring dumalo sa pagdinig. Partikular sina Atty. Lemuel G. Ortonio – Assistant Chief of Staff at Chairperson of the Bids and Awards ng OVP; Gina Acosta – Special Disbursing… Continue reading House Blue Ribbon Committee, duda sa mga ‘lakad’ ng ilang opisyal ng OVP; Mga opisyal na di pa rin dumalo, pina-contempt

Pamahalaan, nakaalerto sa pagtugon sa epekto ng bagyong Nika at 2 pang binabantayang sama ng panahon

Tiniyak ng pamahalaan na handa na ang lahat ng sistema para sa pagtugon sa epekto ng bagyong Nika at dalawa pang binabantayang sama ng panahon. Sa isang press briefing, inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, Vice Chair ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na pinayuhan… Continue reading Pamahalaan, nakaalerto sa pagtugon sa epekto ng bagyong Nika at 2 pang binabantayang sama ng panahon

Mga bumigay na transmission line facilities sa Luzon dahil sa bagyong Nika, nadagdagan pa — NGCP

Nadagdagan pa ang mga transmission line facility sa Luzon na bumigay sa kasagsagan ng bagyong Nika. Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong hapon, bumigay na rin ang Santiago-Batal 69kv Line na nagseserbisyo sa Isabela Electric Cooperative o ISELCO. Iniulat kaninang umaga ang pagtigil sa operasyon ng tatlong… Continue reading Mga bumigay na transmission line facilities sa Luzon dahil sa bagyong Nika, nadagdagan pa — NGCP

Mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at paglago pa ng ekonomiya ng bansa, asahan matapos ang pagsasabatas sa CREATE MORE Act

Asahan na ang pagbubukas ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, na magri-resulta naman sa pagsipa pa ng ekonomiya ng bansa. Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE Act, ngayong araw (November 11).… Continue reading Mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at paglago pa ng ekonomiya ng bansa, asahan matapos ang pagsasabatas sa CREATE MORE Act

CREATE More Law, makatutulong para mapalakas ang investor confidence at makalikha ng mas maraming trabaho

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang pagiging ganap na batas ng CREATE MORE (Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy) Law. Babaguhin nito ang 25 section at magdaragdag ng apat na bagong probisyon sa National Internal Revenue Code bilang amyenda sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act. Ito ay para malinawan ang mga… Continue reading CREATE More Law, makatutulong para mapalakas ang investor confidence at makalikha ng mas maraming trabaho

Mga dam sa Luzon, nagsimula nang magbawas ng tubig habang nananalasa ang bagyong Nika

Tatlong Dam sa Luzon ang nagbabawas na ng tubig habang isa pa ang susunod mamayang hapon. Isinasagawa ito ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa mga pag-ulan dala ng bagyong Nika. Umaga pa lang kanina nang unang buksan ang Ambuklao at Binga Dams sa lalawigan ng Benguet. Alas-12 ngayong tanghali, binuksan… Continue reading Mga dam sa Luzon, nagsimula nang magbawas ng tubig habang nananalasa ang bagyong Nika

Ilang transmission lines ng NGCP, apektado na ng bagyong Nika

Putol na ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley region dahil sa bagyong Nika. Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), apektado ng bagyo ang Santiago-Cauayan 69kV line kaya maraming customer ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO I, Quirino Electric Coop at Ifugao Electric… Continue reading Ilang transmission lines ng NGCP, apektado na ng bagyong Nika

DSWD, tuloy ang paglalatag ng relief goods sa gitna ng pananalasa ng bagyong Nika

May 10,000 family food packs (FFPs) ang inilatag ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga satellite warehouse sa SWAD Aurora at Baler sa Aurora. Ang hakbang na ito ng DSWD ay bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Nika. Kasabay nito ang inihandang 1,000 family food packs na ipapamahagi sa Dilasag,… Continue reading DSWD, tuloy ang paglalatag ng relief goods sa gitna ng pananalasa ng bagyong Nika

Pagsasabatas sa CREATE More Act, patunay na nakikinig ang pamahalaan sa mga mamumuhunan — Pangulong Marcos Jr.

Nakapaloob na sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE Act ang inputs ng foreign partners ng Pilipinas, na nalikom ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga naging pagbisita niya sa iba’t ibang bansa. Nangangahulugan ito ayon sa Pangulo, na pinakikinggan ng gobyerno ang… Continue reading Pagsasabatas sa CREATE More Act, patunay na nakikinig ang pamahalaan sa mga mamumuhunan — Pangulong Marcos Jr.