Mga hakbang upang maibsan ang epekto ng masamang panahon at ASF, tiniyak ng DA

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may nakalatag silang mga hakbang upang maibsan ang epekto ng masamang panahon gayundin ng African Swine Fever (ASF) sa sekto. Ito’y makaraang i-ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang year-on-year agri-fishery output kung saan, bumaba ang produksyon nito sa 3.7 percent o halos ₱400 bilyon sa ikatlong bahagi… Continue reading Mga hakbang upang maibsan ang epekto ng masamang panahon at ASF, tiniyak ng DA

Pag-aabot ng pera sa mga piling kawani ng DepEd sa ilalim ng dating pamunuan, labag sa ‘No Gift Policy’ ng gobyerno

Naalarma ang ilang mambabatas sa paglutang ng isa na namang empleyado ng Department of Education (DepEd) na nakatanggap ng sobre na may laman na pera sa ilalim ng pamumuno ng noo’y Education Secretary na si Vice President Sara Duterte. Matatandaan na sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee, inamin ni DepEd Chief Auditor Rhunna Catalan… Continue reading Pag-aabot ng pera sa mga piling kawani ng DepEd sa ilalim ng dating pamunuan, labag sa ‘No Gift Policy’ ng gobyerno

Shortlist para sa pagiging Presiding Justice ng Sandiganbayan at Court of Appeals, isinumite na kay PBBM

Ipinadala na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga listahan ng mga pagpipilian ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang susunod na Presiding Justice ng Court of Appeals at Sandiganbayan. Ito ang kinumpirma ng JBC natapos ang isinagawang public interview sa mga kandidato. Para sa Sandiganbayan, kabilang sina: Ang mapipili na bagong Presiding Justice… Continue reading Shortlist para sa pagiging Presiding Justice ng Sandiganbayan at Court of Appeals, isinumite na kay PBBM

Ilang commissioners ng COMELEC, nagtungo sa Amerika para obserbahan ang naganap na eleksyon doon

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na bumiyahe patungong Amerika ang ilang matataas na opisyal nito para obserbahan ang naging proseso ng halalan doon. Ayon kay COMELEC Chair George Erwin Garcia, nais nilang tingnan at pag-aralan ang mabilis na proseso at paglalabas ng resulta ng halalan. Inobserbahan din daw ng mga opisyal ng komisyon ang… Continue reading Ilang commissioners ng COMELEC, nagtungo sa Amerika para obserbahan ang naganap na eleksyon doon

Pilipinas, patuloy na isinusulong ang payapang resolusyon at paggalang sa international law sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea

Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez na nananatili ang posisyon ng Pilipinas na idaan sa payapang resolusyon ang pagtalakay sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea. Sa kaniyang pagdalo sa The Manila Dialogue on the South China Sea, sinabi niyang pinili ng bansa na idaan sa maayos na usapan ang pagresolba sa… Continue reading Pilipinas, patuloy na isinusulong ang payapang resolusyon at paggalang sa international law sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea

Dagdag pondo para sa Calamity Fund sa susunod na taon, pinapanukala ni Sen. Binay

Isinusulong ni Sen. Nancy Binay na magkaroon ng dagdag na pondo para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund o ang tinatawag na Calamity Fund. Sa plenary deliberations ng Senado para sa panukalang 2025 National Budget, binigyang-diin ni Binay na kailangan ito para matugunan ang problema sa disaster preparedness, recovery at rehabilitation. Giit ng… Continue reading Dagdag pondo para sa Calamity Fund sa susunod na taon, pinapanukala ni Sen. Binay

Sen. Hontiveros, minungkahing magkaroon ng special provision sa panukalang 2025 budget para matiyak na hindi maisasantabi ang pondo para sa mga priority projects ng pamahalaan

Sa pagsisimula ng plenary deliberations ng Senado para sa panukalang 2025 National Budget, napuna ni Sen. Risa Hontiveros na ang ilang pondo sa ilalim ng kasalukuyang 2024 budget para sana sa mga mahahalagang imprastraktura gaya ng flood control projects ay napunta sa mga maliliit na proyekto. Pinunto ni Hontiveros na ang ganitong paglilipat ng pondo… Continue reading Sen. Hontiveros, minungkahing magkaroon ng special provision sa panukalang 2025 budget para matiyak na hindi maisasantabi ang pondo para sa mga priority projects ng pamahalaan

Finance Sec. Recto: Patuloy na pagbaba ng unemployment rate, tanda ng pag-unlad ng bansa

Photo courtesy of Department of Finance (DOF)

Inihayag ni Finance Secretary Ralph Recto na ang bumababang unemployment rate ay indikasyon na patuloy ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng inilabas na 3.7 percent na unemployment rate ng Philippine Statistics Authority para sa buwan ng Setyembre. Ayon kay Recto, taglay ng Pilipinas ang paborableng demographics sa ASEAN… Continue reading Finance Sec. Recto: Patuloy na pagbaba ng unemployment rate, tanda ng pag-unlad ng bansa

204 paaralan sa QC, may proteksyon na sa ilalim ng “Project Ligtas Eskwela” ng QCPD

Tiwala ang Quezon City Police District (QCPD) na may sapat nang proteksyon ang mga paaralan sa Lungsod Quezon para sa ligtas na kapaligiran. Sa ilalim ng” Project Ligtas Eskwela’ ng QCPD, abot na sa 204 na paaralan sa lungsod ang nalagyan ng Police Assistance Desks Ayon kay QCPD Acting Director Police Colonel Melecio Buslig Jr.,… Continue reading 204 paaralan sa QC, may proteksyon na sa ilalim ng “Project Ligtas Eskwela” ng QCPD

Sen. Tulfo, kinumpirma na kaanak ng isang senador ang sakay ng nasitang SUV na dumaan sa EDSA busway nitong linggo

Kinumpirma ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Raffy Tulfo na kamag anak ng isang senador ang sakay ng puting SUV na may protocol plate no. 7, na namataan nitong linggo na dumaan sa EDSA busway at tumakas sa mga traffic enforcer na nanita sa kanila. Base aniya sa impormasyon na nakuha ni Tulfo,… Continue reading Sen. Tulfo, kinumpirma na kaanak ng isang senador ang sakay ng nasitang SUV na dumaan sa EDSA busway nitong linggo