Tamang impormasyon tungkol sa Nipah Virus, kailangan para maiwasan ang panic sa publiko

Pinatitiyak ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin na makapaglabas ng official report at safety precautions ang Department of Health (DOH) upang hindi mauwi sa panic kaugnay sa Nipah virus o NiV. Aniya, mahalaga na maipaalam sa publiko ang tamang paraan ng pag-iingat at kung ano ang sintomas ng sakit. Panawagan… Continue reading Tamang impormasyon tungkol sa Nipah Virus, kailangan para maiwasan ang panic sa publiko

Rekomendasyon sa 6 na bakanteng posisyon sa MIC, isusumite na sa Pangulo ngayong September 29

Nakatakdang ilabas ng Maharlika Investment Corporation o MIC ang kanilang rekomendasyon para sa anim na bakanteng position ng MIC Board of Directors. Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang rekomendasyon ay isusumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Biyernes, September 29. Ang advisory body na binubuo ng kalihim ng Department of Budget and Management, NEDA,… Continue reading Rekomendasyon sa 6 na bakanteng posisyon sa MIC, isusumite na sa Pangulo ngayong September 29

Pagkasira ng coral reefs ng Pilipinas, pinaiimbestigahan

Naghain ng resolusyon si Quezon Representative Keith Micah Tan para paimbestigahan ang pagkasira ng coral reefs o bahura dahil sa malawakang bleaching o harvesting. Sa kaniyang House Resolution 1309, partikular na pinakikilos ang Committee on Ecology para magsagawa ng “investigation in aid of legislation” upang makapaglatag ng pinaigting na hakbang ang pamahalaan at mga LGU… Continue reading Pagkasira ng coral reefs ng Pilipinas, pinaiimbestigahan

Epekto ng pagbawas ng taripa sa imported na bigas, maliit lamang — DOF chief

Maliit lamang ang magiging potensyal na epekto ng pagbawas ng tariff rate sa mga inaangkat na bigas. Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno sa kanyang weekly press briefing, nakakolekta na ang gobyerno ng ₱17 bilyon at wala nang dapat ikabahala sa pagbabawas ng tariff rate sa bigas. Maaalalang ipinanukala ng kalihim sa Pangulo ang tariff… Continue reading Epekto ng pagbawas ng taripa sa imported na bigas, maliit lamang — DOF chief

Finance Sec. Diokno, muling iginiit ang posisyon laban sa operasyon ng POGO sa bansa

Muling iginiit ni Finance Sec. Benjamin Diokno ang kanyang posisyon na paalisin ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa. Sa weekly press chat ng kalihim, sinabi nito na wala siyang anumang rekomendasyon ukol sa pag-aalis ng POGO pero para sa kanya kailangan nang umalis at pigilan ang kanilang pagpasok sa bansa. Aniya, hindi… Continue reading Finance Sec. Diokno, muling iginiit ang posisyon laban sa operasyon ng POGO sa bansa

Mga LGU na lantad sa volcanic smog, dapat bigyan ng sapat na stock ng face mask

Pinayuhan ng isang mambabatas ang Department of Health (DOH) na mamigay pa rin ng face mask at iba pang proteksyon sa mga LGU na bulnerable o lantad sa epekto ng volcanic smog. Ito’y kasunod ng pamamahagi ng AnaKalusugan Party-list ng N95 face masks sa bayan ng Nasugbu, Tuy, at Balayan sa Batangas. Ayon kay AnaKalusugan… Continue reading Mga LGU na lantad sa volcanic smog, dapat bigyan ng sapat na stock ng face mask

Pag-amyenda sa BCDA Law, magdadagdag ng ₱400 bilyon sa panukalang AFP Pension Fund

Makakatulong ang panukalang amyenda sa Republic Act 7227 o Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Law, sa pagsulong ng AFP Modernization Program at pinaplanong AFP Pension Fund. Ito ang inihayag ni BCDA Chairman Delfin Lorenzana sa “27th AFP Forum on BCDA’s role in the AFP Modernization Program”, kamakailan, kasama sina BCDA Chief Executive Officer (PCEO)… Continue reading Pag-amyenda sa BCDA Law, magdadagdag ng ₱400 bilyon sa panukalang AFP Pension Fund

Miyembro ng Dawlah Islamiya, patay sa engkwentro sa Maguindanao del Sur

Nasawi ang isang miyembro ng Dawlah Islamiya-Hassan Group sa enkwentro sa Maguindanao del Sur. Ayon kay Brigadier General Oriel Pangcog, Brigade Commander ng 601st Brigade, unang nakasagupa ng 40th Infantry Battalion at iba pang operating units sa Joint Task Force Central ang grupo na pinamumunuan ni Nasser Guinaed sa Sitio Mayan, Barangay Labu labu II,… Continue reading Miyembro ng Dawlah Islamiya, patay sa engkwentro sa Maguindanao del Sur

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, ibababa ng pamahalaan sa 82 probinsya

Asahan na ang pagbaba ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) Service Caravan sa lahat ng probinsya ng Pilipinas, kasunod nang naging matagumpay na launching nito kahapon, September 23, sa pangunguna mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria Garafil, ay alinsunod sa layunin ng pamahalaan na… Continue reading Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, ibababa ng pamahalaan sa 82 probinsya

DSWD, nakapaghatid ng ₱7.8-M ayuda sa mga apektado ng ITCZ sa Mindanao

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigan sa Mindanao na naapektuhan ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) noong nakaraang linggo. Sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), as of September 24, ay aabot na sa ₱7.8-million… Continue reading DSWD, nakapaghatid ng ₱7.8-M ayuda sa mga apektado ng ITCZ sa Mindanao