Distribusyon ng cash assistance sa maliliit na rice retailers, nagpapatuloy

Muling nagsagawa ang Department of Social Wefare and Development (DSWD) ng cash assistance payout para sa mga maliliit na rice retailers sa Metro Manila ngayong araw. Ito ay bilang bahagi pa rin ng ‘Sustainable Livelihood Program’ para sa mga micro rice retailers na apektado ng Executive Order 39. Sa iskedyul ngayong Lunes, pinangunahan ng DSWD… Continue reading Distribusyon ng cash assistance sa maliliit na rice retailers, nagpapatuloy

Lungsod ng Zamboanga, ginunita ang ika-10 taong anibersaryo ng Zamboanga Siege

Pinamunuan ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang isinagawang seremonya bilang paggunita sa ika-10 taong anibersaryo ng 2013 Zamboanga Siege sa Freedom Fighters Memorial Shrine Plaza sa naturang lungsod kamakailan. Nagsagawa rin ng 21-gun salute upang alalahanin ang mga kinilalang bayani at sa mga nagbigay ng kanilang buhay para sa mga residente ng naturang lungsod… Continue reading Lungsod ng Zamboanga, ginunita ang ika-10 taong anibersaryo ng Zamboanga Siege

Ilang solusyon para mapataas ang produksyon at maging stable ang presyo ng bigas, inilatag

Iminungkahi ni House Appropriations Committee Chair at AKO Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ang pagkakaroon ng contract growing sa pagitan ng gobyerno at mga lokal na magsasaka. Sa ilalim nito, ang bahagi ng ani ng isang magsasaka ay maaaring bilhin ng gobyerno sa isang napagkasunduang presyo na may tiyak na kita habang ang nalalabing ani… Continue reading Ilang solusyon para mapataas ang produksyon at maging stable ang presyo ng bigas, inilatag

Mga polisiya sa pagsusulong ng kapakanan ng mga kabataan, ibinahagi ng DILG sa EU-Asia Interregional Exchange on Child-Friendly Cities

Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang delegasyon ng bansa sa East Asia-Europe Interregional Exchange on Child-Friendly Cities na inorganisa ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa Madrid, Spain at Helsinki, Finland. Ang pakikiisa rito ng DILG ay alinsunod sa direktiba ni DILG Secretary Benhur Abalos, Jr. sa pagsusulong ng kapakanan… Continue reading Mga polisiya sa pagsusulong ng kapakanan ng mga kabataan, ibinahagi ng DILG sa EU-Asia Interregional Exchange on Child-Friendly Cities

Butuan LGU, pinag-aaralan ang pagbibigay tulong pinansyal sa mga apektado ng EO 39

Tulong pinansyal para sa mga nagbebenta ng bigas na apektado sa ipinapatupad na Executive Order 39 ni Pangulong Marcos masusing pinag-aaralan ng pamahalaang lokal ng Butuan. Sa kasalukuyan hinihintay ang magiging rekomendasyon ng City Agricultures office ukol sa pagbibigay ng ayuda. Samantala, pinasisiguro ni Butuan City Mayor Ronnie Vicente Lagnada na tutukan ang presyo ng… Continue reading Butuan LGU, pinag-aaralan ang pagbibigay tulong pinansyal sa mga apektado ng EO 39

Pagbibigay umano ng ₱5,000 cash at bigas ng Presidential Action Center, pinabulaaanan ng Malacañang

Nagpaalala ang Malacañang sa publiko na huwag maniwala sa maling impormasyon hinggil sa umanoy bigayan ng ayuda mula sa Presidential Action Center. Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nitong may nakarating sa kanilang kabatiran na namimigay umano ng ayudang aabot sa ₱5,000 na cash at kilo ng bigas ang Presidential Action Center.… Continue reading Pagbibigay umano ng ₱5,000 cash at bigas ng Presidential Action Center, pinabulaaanan ng Malacañang

Higit P400K halaga ng PCIC indemnity checks, naibahagi na sa mga magsasakang nasalanta ng Bagyong Egay sa Basista, Pangasinan

Nakapagbigay na ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Regional Office 1 ng mga tseke para sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Egay sa bayan ng Basista, Pangasinan. Batay sa impormasyong ibinahagi ng LGU, umabot sa P437,764 ang kabuuang halaga ng mga tseke na naipamahagi ng nasabing tanggapan sa mga magsasakang napinsala ang mga pananim dahil… Continue reading Higit P400K halaga ng PCIC indemnity checks, naibahagi na sa mga magsasakang nasalanta ng Bagyong Egay sa Basista, Pangasinan

₱30-M na pondo para sa rehabilitasyon ng San Sebastian Church, hiling ng Manila solon

Umaasa si Manila Representative Joel Chua na mapaglalaanan ng mas malaking pondo ang rehabilitasyon at restoration ng San Sebastian Church na naitayo noon pang 1891. Hirit nito, mabigyan ng ₱30-million annual budget sa loob ng apat na taon ang pagsasaayos sa San Sebastian Minor Basilica na gawa sa purong bakal. Bagamat nakatayo pa aniya ang… Continue reading ₱30-M na pondo para sa rehabilitasyon ng San Sebastian Church, hiling ng Manila solon

Ambuklao at Binga Dam, nagpapakawala pa rin ng tubig

Patuloy ang pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao at Binga Dam sa Benguet ngayong Lunes. Sa inilabas na update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga, nanatiling bukas ang tig-isang gate ng Ambuklao at Binga Dam. Nabawasan naman na ng 0.40 meter ang pinapakawalang tubig sa Ambuklao Dam. Sa ngayon, bahagya pang nadagdagan ang lebel… Continue reading Ambuklao at Binga Dam, nagpapakawala pa rin ng tubig

Rice retailers sa Murphy Market, umaasang agad matatanggap ang cash assistance mula sa pamahalaan

Umaasa ang ilang maliliit na rice retailers sa Murphy Market sa Cubao, Quezon City na agad na matanggap rin ang financial assistance mula sa pamahalaan. Ayon kay Ate Analy, isa sa may pwesto ng bigasan, malaking tulong ang ₱15,000 na ayuda dahil kahit papaano ay maipandaragdag ito sa kanilang puhunan. May nag-ikot naman na aniyang… Continue reading Rice retailers sa Murphy Market, umaasang agad matatanggap ang cash assistance mula sa pamahalaan