Compliance rate ng retailers sa EO 39 sa Pangasinan, umabot sa 80% -DTI

Tumaas ang naitalang compliance rate ng mga retailer ng bigas sa lalawigan ng Pangasinan sa pagpapatupad ng Executive Order 39 o Rice Price Cap na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Dagupan kay Guillermo Avelino Jr, OIC Consumer Protection Division, base sa ika-apat na araw na monitoring ng Department… Continue reading Compliance rate ng retailers sa EO 39 sa Pangasinan, umabot sa 80% -DTI

Tulong at suporta para sa mga solo parent sa bayan ng Urbiztondo, tiniyak ng LGU

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Urbiztondo, sa pangunguna ni Mayor Modesto Operania, ang buong suporta ng LGU para sa mga “solo parent” sa kanilang bayan. Ito ay matapos ang unang pagkakataon ng pagbisita sa tanggapan ng alkalde ng Solo Parent Association ng nabanggit na bayan kahapon, September 7. Naging makabuluhan naman ang… Continue reading Tulong at suporta para sa mga solo parent sa bayan ng Urbiztondo, tiniyak ng LGU

DTI Pangasinan, inaasahang magiging 100% na ang compliance sa EO 39 sa lalawigan sa susunod na linggo

Inaasahan ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan na magiging 100% na ang compliance rate ng mga nagbebenta ng bigas sa lalawigan sa EO 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa susunod na linggo. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Dagupan kay DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, sinabi nitong nag-iikot naman ang… Continue reading DTI Pangasinan, inaasahang magiging 100% na ang compliance sa EO 39 sa lalawigan sa susunod na linggo

DND, humirit ng overtime at hazard pay para sa kanilang civilian disaster at arsenal personnel

Hiniling ni Defense Secretary Gibo Teodoro sa mga mambabatas na maglagay ng special provision sa House Bill 8980 o 2024 General Appropriations Bill para mabigyan ng overtime at hazard pay ang kanilang civilian disaster at arsenal personnel. Punto ng kalihim ang mga first disaster needs assessment team ng Office of the Civil Defense ay walang… Continue reading DND, humirit ng overtime at hazard pay para sa kanilang civilian disaster at arsenal personnel

LTO, nag-isyu ng guidelines hinggil sa extension ng Driver’s License

Inatasan na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang lahat ng regional directors at mga district head na ipatupad ang extension sa validity ng Driver’s License. Kasunod ng unang anunsyo ng LTO na maari pa ring magamit ng mga motorista ang expired Driver’s License sa loob ng isang taon… Continue reading LTO, nag-isyu ng guidelines hinggil sa extension ng Driver’s License

Pinakamalaking government hospital sa Pangasinan, may napili na para sa Adopt-A-Barangay Project

Napili ang Barangay Gumot sa bayan ng San Fabian, Pangasinan ng Department of Family and Community Medicine (DFCM) ng Region 1 Medical Center (R1MC) para sa kanilang Adopt-A-Barangay Project. Ang inisyatibo ay bunga ng Community-Oriented Primary Care Project ng nasabing departamento ng pinakamalaking government hospital sa lalawigan ng Pangasinan na gumugol din ng ilang buwan ng… Continue reading Pinakamalaking government hospital sa Pangasinan, may napili na para sa Adopt-A-Barangay Project

Sen. Angara, tiniyak na magiging mabusisi ang Senado sa pagbibigay ng Confidential and Intelligence Funds sa mga ahensya ng gobyerno

Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Senador Sonny Angara na bubusising mabuti ng Senado ang lahat ng Confidential and Intelligence Funds (CIF). Sinabi ito ng senador kasabay ng pagsasabing may magandang punto si dating Senador Franklin Drilon sa pagsasabing dapat higpitan at limitahan ng mga mambabatas ang paglalaan ng CIF sa mga ahensyang nakatutok… Continue reading Sen. Angara, tiniyak na magiging mabusisi ang Senado sa pagbibigay ng Confidential and Intelligence Funds sa mga ahensya ng gobyerno

Dalawang miyembro ng Communist Front Organization sa Bayambang, Pangasinan, sumuko na

Dalawang indibidwal mula sa bayan ng Bayambang na sinasabing miyembro ng isang Communist Front Organization (CFO) ang sumuko sa mga kinauukulan sa Pangasinan. Ayon sa impormasyon mula sa hanay ng PNP, nagsanib pwersa ang mga elemento ng Regional Mobile Force Batallion 1, PNP Region I, Pangasinan Police Provincial Office at PNP Maritime upang bigyang daan… Continue reading Dalawang miyembro ng Communist Front Organization sa Bayambang, Pangasinan, sumuko na

Presyo ng kamatis sa Muñoz Market, pumapatak na ng ₱10-₱15 kada piraso

Ramdam ang taas-presyo ng ilang gulay at pangsahog sa Muñoz Market sa Quezon City. Kasama sa nagtaas ang Kamatis na umabot na sa ₱160 ang kada kilo at pumapatak rin sa ₱10-₱15 ang kada piraso . Ayon kay Aling Joan, tindera ng gulay sa Muñoz Market, mula nang nagkasunod-sunod ang tama ng bagyo at habagat… Continue reading Presyo ng kamatis sa Muñoz Market, pumapatak na ng ₱10-₱15 kada piraso

Lingayen LGU, nagpahayag ng buong suporta sa RDP 2023-2028 ng NEDA Region 1

Ipinahayag ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo Bataoil ang kanilang buong suporta sa Regional Development Plan (RDP) para sa taong 2023 hanggang 2028 ng National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Office I. Tiniyak din ng LGU Lingayen na sila ay kaisa rin ng nabanggit na tanggapan sa… Continue reading Lingayen LGU, nagpahayag ng buong suporta sa RDP 2023-2028 ng NEDA Region 1