Ilalaang pondo para sa PCG, pinadaragdagan ni Sen. Risa Hontiveros

Nais ni Senator Risa Hontiveros na dagdagan pa ang ilalaang pondo sa Philippine Coast Guard para sa pagpapalakas ng pagbabantay sa karagatan na nakapaloob sa West Philippine Sea. Sa kanyang privilege speech sinabi ng mambabatas na karapat-dapat lamang na madagdagan ang pondo ng PCG dahil sa panganib na kinakaharap ng mga bantay-dagat ng bansa sa… Continue reading Ilalaang pondo para sa PCG, pinadaragdagan ni Sen. Risa Hontiveros

LTFRB, pahihintulutan na ang aplikasyon para sa pagsalin ng Certificate of Public Convenience

Papayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paghahain ng mga aplikasyon para sa pagsalin ng Certificate of Public Convenience (CPC) ng mga pampublikong transportasyon. Ayon sa LTFRB, ang hakbang na ito ay tugon sa hiling ng ilang transport group na repasuhin ang Memorandum Circular (MC) 2016-010 na nagbabawal sa pagsalin ng… Continue reading LTFRB, pahihintulutan na ang aplikasyon para sa pagsalin ng Certificate of Public Convenience

Bagong Philippine Marine HQ sa Morong, Bataan, magiging “world class” — BCDA

Tiniyak ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chairman Delfin Lorenzana, na magiging “world class facility” ang bagong Philippine Marine Corps (PMC) headquarters sa Discovery Park sa Morong, Bataan. Ito ang inihayag ni Lorenzana matapos pangunahan ang groundbreaking ceremony para sa “Package 1, Phase 1” ng naturang proyekto, kasama sina BCDA President and CEO Engr.… Continue reading Bagong Philippine Marine HQ sa Morong, Bataan, magiging “world class” — BCDA

Ilang komyuter, pabor sa mungkahing magbukod ng suplay ng langis sa mga pampublikong sasakyan

Sang-ayon ang ilan sa mga komyuter sa mungkahi ng National Center for Commuter Safety and Protection o NCSP na maglaan ng bukod na lane sa mga Public Utility Vehicles o PUV sa mga gasolinahan para magbigay ng mas murang krudo. Ayon sa mga pasaherong napagtanungan ng Radyo Pilipinas, sinabi ng mga ito na pabor sila… Continue reading Ilang komyuter, pabor sa mungkahing magbukod ng suplay ng langis sa mga pampublikong sasakyan

DPC, dismayado sa hindi pagsasama ng AFP ng lokal na media sa resupply mission sa Ayungin Shoal

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Defense Press Corps (DPC) sa hindi pagsasama ng Armed Forces of the Philippines ng lokal na media sa matagumpay na resupply mission sa Ayungin Shoal. Ito’y matapos na makarating sa kaalaman ng DPC na may mga dayuhang mamamahayag na isinama umano sa resupply mission patungo sa BRP Sierra Madre kamakalawa. Sa… Continue reading DPC, dismayado sa hindi pagsasama ng AFP ng lokal na media sa resupply mission sa Ayungin Shoal

Kawalan ng quorum ng NPCC, dahilan kaya’t hindi agad nakapag-rekomenda ng price-freeze sa presyo ng sibuyas noong 2022

Nahihiyang inamin ng head ng secretariat ng National Price Coordinating Council na bigo ang konseho na makapagrekomenda sana ng price freeze sa presyo ng sibuyas noong pumalo ang bentahan nito sa P700 noong nakaraang taon. Sa imbestigasyon ng House Committee on Agriculture and Food tungkol sa manipulasyon sa suplay at presyo ng sibuyas, nausisa ni… Continue reading Kawalan ng quorum ng NPCC, dahilan kaya’t hindi agad nakapag-rekomenda ng price-freeze sa presyo ng sibuyas noong 2022

DSWD Sec. Gatchalian, pinaghahanda na ang mga regional director sa banta ng Bagyong Goring

Inalerto na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang regional directors partikular sa Cagayan Valley, Calabarzon at Bicol sa posibleng epekto ng bagyong Goring. Kasama sa direktiba ng kalihim ang pag-iimbentaryo sa mga relief good na ide-deploy sa mga lugar na posibleng tamaan ng bagyo. Kaugnay nito ay inatasan na… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, pinaghahanda na ang mga regional director sa banta ng Bagyong Goring

138 tauhan ng Philippine Army, lalahok sa Exercise Carabaroo 2023 sa Australia

Umalis patungong Australia ang 138 tauhan ng Philippine Army para lumahok sa Carabaroo 2023 joint military exercise. Bago lumipad, isang pre-departure briefing ang ibinigay ng mga tauhan ng Royal Australian Air Force sa Phil. Army contingent sa Philippine Air Force Gymnasium, Clark Air Base, Mabalacat, Pampanga. Ang Phil. Army Contingent ay binubuo ng mga tropa… Continue reading 138 tauhan ng Philippine Army, lalahok sa Exercise Carabaroo 2023 sa Australia

Operasyon ng DFA Consular Offices at TOPS, suspendido bukas at sa Lunes

Suspendido bukas ang operasyon ng lahat DFA Consular Offices at Temporary Off-Site Passport Services sa Metro Manila at Bulacan kabilang na ang DFA ASEANA dahil sa opening ceremonies mg FIBA Basketball World Cup 2023, ito ay batay na rin sa Memorandum Circular No. 90 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr noong August 15.… Continue reading Operasyon ng DFA Consular Offices at TOPS, suspendido bukas at sa Lunes

Free Tertiary Education, mabisang istratehiya laban sa kahirapan — CHED

Dinepensahan ni Commission on Higher Education Chair Prospero de Vera ang libreng tuition para sa higher education sa ginanap na pagdinig ng House Appropriations Committee sa 2024 budget proposal ng CHED. Ayon kay De Vera, ang Free Tertiary Education ay maituturing na “best anti-poverty strategy” upang makapag-produce ang Pilipinas ng mga magagaling at “highly skilled… Continue reading Free Tertiary Education, mabisang istratehiya laban sa kahirapan — CHED