Petisyon ng transport group para sa taas pasahe, dapat nang ikonsidera – Senador Bong Revilla

Para kay Senador Ramon ‘Bong Revilla Jr. kailangan nang seryosong ikonsidera ang petisyon ng mga transport group para sa taas pasahe. Ito ay kahit pa aniya maaaring magdulot ng inflation ang hirit na ito. Sinabi ni Revilla, na mukha namang makatarungan at may basehan ang hinihiling na dagdag pamasahe ng mga transport group. Kasunod na… Continue reading Petisyon ng transport group para sa taas pasahe, dapat nang ikonsidera – Senador Bong Revilla

Pagpanaw ni Secretary Ople, isang malaking kawalan sa bansa — Pangulong Marcos Jr.

Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ng buong bansa sa pagdadalamhati sa pagkamatay ni Migrant Workers Secretary Susan Ople, ngayong araw (August 22). Sa isang ambush interview, sinabi ng Pangulo na nakalulungkot ang balitang ito lalo’t nawalan rin siya ng kaibigan, sa katauhan ng kalihim. “It’s very, very sad news. I have lost a… Continue reading Pagpanaw ni Secretary Ople, isang malaking kawalan sa bansa — Pangulong Marcos Jr.

DTI Secretary Alfredo Pascual, binigyang diin ang kahalagahan ng economic relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos

Binigyang diin ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang kahalagahan ng Estados Unidos, bilang mahalagang trade at investment partner ng ASEAN. Sa naging ASEAN Economic Ministers-United States Trade Representative Consultations sa Semarang, Indonesia, kinilala ni Pascual ang halaga ng ASEAN-US Trade and Investment Facilitation Agreement at Expanded Economic Engagement Initiative Work… Continue reading DTI Secretary Alfredo Pascual, binigyang diin ang kahalagahan ng economic relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos

P5,000 cash assistance sa mga guro, ipinamahagi na — DepEd

Naipamahagi na ng Department of Education (DepEd) ang P5,000 cash assistance para sa mga guro. Pero paglilinaw ni DepEd Deputy Spokesperson at Assistant Secretary Frances Bringas, ito ang one time allowance para sa instructional materials ng mga ito. Aniya, ibinibigay ang naturang allowance para sa mga guro sa tuwing magbubukas ang mga klase upang makasuporta… Continue reading P5,000 cash assistance sa mga guro, ipinamahagi na — DepEd

Panibagong pagpatay sa isang radio anchor, kinondena ng PTFoMs

Mariing kinondena ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Usec. Paul Gutierrez, ang pagpatay sa isang Muslim radio anchor sa Cotabato City. Ayon kay Gutierrez, Lunes ng gabi nasawi ang Muslim radio anchor na si Mohammad Hessam Midtimbang, 32 taong gulang at host ng Bangsamoro Darul Ifta radio program na ipinapalabas sa Gabay Radio… Continue reading Panibagong pagpatay sa isang radio anchor, kinondena ng PTFoMs

Sen. Bong Go, may bilin sa mga kakandidato sa Barangay at SK elections

Ilang araw bago ang filing ng certificate of candidacy, nagpaalala si Sen. Bong Go sa ilang mga kakandidato para sa Barangay at SK Elections. Ayon sa senador, dapat na tandaan ng mga tatakbo sa eleksyon ang nakapaloob sa 1987 Constitution na “public office is a public trust.” Ibig sabihin, dapat umanong maunawaan ng mga ito… Continue reading Sen. Bong Go, may bilin sa mga kakandidato sa Barangay at SK elections

DSWD, kabilang sa top performers at most trusted gov’t agency sa isinagawang OCTA survey

Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development ang resulta ng isinagawang survey ng Tugon Ng Masa na kinomisyon ng think tank OCTA Research. Sa nasabing survey, nangunguna ang DSWD sa mga trusted at top performing government agencies para sa second quarter ngayong taon. Base sa poll results survey na isinagawa mula Hulyo 22 hanggang… Continue reading DSWD, kabilang sa top performers at most trusted gov’t agency sa isinagawang OCTA survey

GSIS, tiwalang maaabot ang kanilang target collection ngayong taon

Kumpiyansa ang Government Service Insurance System (GSIS) na maaabot nila ang 60 percent na pagtaas ng kanilang kita ngayong taon. Ayon kay GSIS Executive Vice President Michael Praxedes, na mayroong internal target na ₱120 bilyon net income ngayon taon para sa pension fund ng mga government workers at retirees. Mas mataas ito ng 58 percent… Continue reading GSIS, tiwalang maaabot ang kanilang target collection ngayong taon

PH-US Balikatan Exercise sa susunod na taon, sinimulan nang pagplanuhan

Lumahok ang Philippine Army sa inisyal na Planning Conference para sa susunod na Philippine-US Balikatan Joint military exercise sa 2024. Ang inisyal na pagpupulong ay isinagawa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Education, Training and Doctrine Command, sa Camp Aguinaldo, Quezon City kahapon. Ang PH-US Balikatan Exercise sa pagitan ng AFP at Indo-Pacific Command… Continue reading PH-US Balikatan Exercise sa susunod na taon, sinimulan nang pagplanuhan

Tinapyas na P10-B sa 2024 budget ng DOH, isusulong na maibalik ni Sen. Bong Go

Nangako si Senate Committee on Health Chair Sen. Bong Go na itutulak ang pagbabalik ng tinapyas na P10 bilyong pondo sa 2024 proposed budget ng Department of Health. Sa pagbisita ng senador sa Navotas City, ipinunto nitong napakahalaga ng pondo ng DOH dahil nagsisilbi itong ‘investment’ para sa pagtataguyod ng maayos na healthcare system sa… Continue reading Tinapyas na P10-B sa 2024 budget ng DOH, isusulong na maibalik ni Sen. Bong Go