Pag-aasikaso sa kompensasyon ng Marawi Siege victims, pabibilisin

Magkatuwang na ang Marawi Compensation Board (MCB) at ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para mapabilis ang paghahatid ng kompensasyon sa mga biktima ng Marawi Siege noong 2017. Kasunod ito ng paglagda ni DHSUD Assistant Secretary Melissa Aradanas na kumakatawan sa Task Force Bangon Marawi (TFBM) sa isang Data Sharing Agreement (DSA)… Continue reading Pag-aasikaso sa kompensasyon ng Marawi Siege victims, pabibilisin

Pagguho ng concrete wall sa Quezon City Hall, pinaiimbestigahan na ng pamahalaang lungsod

Inatasan na ng Quezon City government ang City Engineering Department na agad imbestigahan ang nangyaring pagguho ng bahagi ng pader sa construction site sa Civic Center B Building ng Quezon City Hall kagabi. Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nag-collapse pasado alas-10 kagabi ang bahagi ng pader ng gusali kung saan ipupuwesto… Continue reading Pagguho ng concrete wall sa Quezon City Hall, pinaiimbestigahan na ng pamahalaang lungsod

Pondo ng DSWD para tulungan ang mga adolescent mother, pinadaragdagan

Humirit ang dalawang lady solon sa mga kasamahang mambabatas na dagdagan ang budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa susunod na taon, partikular para sa programa na tutulong sa mga adolescent mother. Sa budget briefing ng ahensya, nausisa ni ACT-Teachers Party-list Representative France Castro ang tila kawalan ng pondo ng DSWD… Continue reading Pondo ng DSWD para tulungan ang mga adolescent mother, pinadaragdagan

House panels, pinako-contempt si Cagayan Gov. Mamba

Pina-contempt at pinapa-detain ng House Committees on Public Accounts at Suffrage and Electoral Reforms si Cagayan Governor Manuel Mamba. Kaugnay pa rin ito sa imbestigasyon ng naturang mga komite tungkol sa iligal na paglalabas ng pondo ng Cagayan Provincial Government sa gitna ng campaign period noong nakaraang taon. Ang Contempt Order laban kay Mamba ay… Continue reading House panels, pinako-contempt si Cagayan Gov. Mamba

Sec. Teodoro, nagpahayag ng pagkabahala sa Military & Uniformed Personnel Pension System Substitute Bill

Kinuwestyon ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang substitute bill na inaprubahan ng House of Representatives – Ad Hoc Committee on Military and Uniformed Personnel Pension System. Sa isang statement, sinabi ng kalihim na hindi siya pabor sa itinatakda ng panukala na mandatory contribution ng military personnel lalo na sa mga nakakumpleto… Continue reading Sec. Teodoro, nagpahayag ng pagkabahala sa Military & Uniformed Personnel Pension System Substitute Bill

Makati LGU, handa pa ring mamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral na sakop ng EMBO barangays

Hindi pa rin isinasara ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang kanilang pintuan para sa alok na pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral ng 14 na paaralan sa loob ng 10 Enlisted Men’s Barrio o EMBO Barangays na ngayo’y inilipat na sa Taguig City. Ito ang inihayag ni Makati City Mayor Abigail Binay, makaraang mamagitan… Continue reading Makati LGU, handa pa ring mamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral na sakop ng EMBO barangays

Moratorium sa delisting ng 4Ps beneficiaries, ipinatupad ng DSWD

Ipinahinto muna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang delisting sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino program o 4Ps. Ito ang kinumpirma ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa interpelasyon ni Assistant Minority Leader Arlene Brosas sa budget deliberation ng ahensya. Aniya, ang dating sistema na ginamit ng ahensya sa pamumuno ni dating… Continue reading Moratorium sa delisting ng 4Ps beneficiaries, ipinatupad ng DSWD

DOE, target makapagpatayo ng Liquified Natural Gas Terminals pagsapit ng 2030

Target ng Department of Energy (DOE) na makumpleto ang mga ipinapatayong natural gas power plants sa pagsapit ng 2030. Ayon sa DOE, maaari itong makalikha ng 11,248 megawatts na kuryente mula sa pitong liquified natural gas terminal. Inaasahang makatutulong ang mga nasabing planta upang masuportahan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga power generator. Kabilang sa mga… Continue reading DOE, target makapagpatayo ng Liquified Natural Gas Terminals pagsapit ng 2030

Climate ties at people-to-people relations, patatatagin ng Pilipinas at Germany

Nagkasundo ang Pilipinas at Germany na patatagin ang people to people relations maging ang climate cooperations ng dalawang bansa. Sa pagtanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa credentials ni German Ambassador to the Philippines Andreas Michael Pfaffernoschke sa Malacañang, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng sama-samang pagtugon sa climate change. Ayon kay Pangulong… Continue reading Climate ties at people-to-people relations, patatatagin ng Pilipinas at Germany

Ilang pulis caloocan, ginawaran ng pagkilala ng lokal na pamahalaan

Binigayang pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang nasa 250 pulis Caloocan dahil sa kanilang natatanging serbisyo. Kasama ng Caloocan LGU ang People’s Law Enforcement Board sa pagpili ng mga ginawarang pulis na nagpamalas ng dedikasyon sa pagpapatupad ng kapayapaan sa lungsod kabilang na ang pagdisiplina ng mga tiwaling pulis. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan… Continue reading Ilang pulis caloocan, ginawaran ng pagkilala ng lokal na pamahalaan