Senador Raffy Tulfo, pinatitiyak na magagamit ng husto ang OFW Hospital

Pinasisiguro ni Senador Raffy Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) na mapupuno ng pasyente ang 68-bed capacity na OFW Hospital, at magagamit ang lahat ng pasilidad dito. Sa organizational meeting ng Congressional Oversight Committee on Migrant Workers ngayong araw, nanghingi si Tulfo ng update mula sa DMW kaugnay sa lagay ngayon ng OFW Hospital… Continue reading Senador Raffy Tulfo, pinatitiyak na magagamit ng husto ang OFW Hospital

PCG, tuloy sa pagtulong sa mga biktima ng Bagyong Egay

Nakiisa ang Philippine Coast Guard sa pagsasaayos ng relief goods sa Camp Aguinaldo. Ito ay para sa mga pamilya na biktima ng bagyong Egay sa Malolos, Bulacan at San Fernando Pampanga. Kabilang sa relief goods ang hygiene kits, family supplies, at shelter tool kits. Ayon sa PCG ang Office of Civil Defense, ASEAN Coordinating Centre… Continue reading PCG, tuloy sa pagtulong sa mga biktima ng Bagyong Egay

Shortage sa suplay ng papel, hindi totoo — DTI

Walang kakulangan sa suplay ng papel. Ito ang tiniyak ni Trade Sec. Alfredo Aascual matapos itong mag-ikot sa Divisoria sa Maynila. Ayon kay Pascual, kumpleto ang mga ibinibentang school supplies sa mga bangketa gayundin sa mga kilalang tindahan. Paliwanag ni Pascual, sa mga ganitong pagkakataon, malinaw na walang kakulangan ng anumang suplay ngayong paparating ang… Continue reading Shortage sa suplay ng papel, hindi totoo — DTI

Immunization campaign sa bansa, pinalalakas ng DOH

Idinaos ngayong araw ang isang summit na layong palakasin ang “immunization” o pagbabakuna sa bansa. Sanib-pwersa ang Department of Health, UNICEF PH, at World Health Organization PH sa “Immunization Summit 2023: Closing the Immunization Gap, Championing Our Children’s Future Together.” Ayon kay DOH Usec. Eric Tayag, tagapagsalita ng Kagawaran, ito ang unang summit na inilunsad… Continue reading Immunization campaign sa bansa, pinalalakas ng DOH

CSC-COMEX, planong gawing araw-araw ayon kay CSC Chair Nograles

Plano ng Civil Service Commission na gawing regular ang pagdaraos ng Computerized Examination o COMEX. Ito ang naging sagot ni CSC Chair Karlo Nograles sa naging katanungan ni Appropriation Vice Chair Raul Bongalon kaugnay sa computerized exam upang mas marami pa ang makakuha ng eligibility at hindi na maghihintay ng matagal para sa scheduled paper… Continue reading CSC-COMEX, planong gawing araw-araw ayon kay CSC Chair Nograles

Pagtake over ni VP Sara sa pamamahala ng mga EMBO School, welcome sa Taguig LGU

Nagpasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa naging pasya nito, na mamagitan sa usapin ng 10 Barangay na iginawad sa kanila ng Korte Suprema mula sa Makati. Ito’y makaraang ihayag ng Pangalawang Pangulo ang pag-take over ng Department of Education (DepEd) sa pangangasiwa ng 10 paaralan na… Continue reading Pagtake over ni VP Sara sa pamamahala ng mga EMBO School, welcome sa Taguig LGU

Dalawang kasong kriminal laban sa dating broadcaster na si Jay Sonza, ibinasura ng dalawang RTC

Iniutos ng dalawang Regional Trial Courts sa Quezon City ang pagpapalaya kay dating broadcaster at talk show host na si Jay Sonza. Ito’y matapos na ibasura ng Quezon City RTC Branch 125 at Branch 100 ang kasong estafa at large-scale illegal recruitment laban kay Sonza dahil sa kabiguang humarap sa korte ng mga nagrereklamo. Gayunman,… Continue reading Dalawang kasong kriminal laban sa dating broadcaster na si Jay Sonza, ibinasura ng dalawang RTC

Higit 26k estudyante at 24k magulang/guardian, nakikinabang na sa Tara, Basa! tutoring program

Dumarami na ang mga estudyante at mga magulang na natutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng Tara, Basa! Tutoring Program. Ayon sa DSWD, mula nang ilunsad ang programa noong Aug. 14 ay aabot na sa 26,093 non-reader incoming Grade 2 students ang sumailalim na sa tutoring at ABAKADA… Continue reading Higit 26k estudyante at 24k magulang/guardian, nakikinabang na sa Tara, Basa! tutoring program

China, inakusahan ng NSC ng paggamit ng psy-war sa isyu sa Ayungin Shoal

Psychological Warfare (Psy-war) tactic lang ng China ang kanilang sinasabi na nangako ang Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ayon kay National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, dahil sa pahayag ng China, nagkakagulo ngayon ang bansa sa pagtuturuan kung sino ang “traydor” na nangako ng ganun na epektibong… Continue reading China, inakusahan ng NSC ng paggamit ng psy-war sa isyu sa Ayungin Shoal

DENR, nangako sa Kamara na ipagbigay alam ang lawak ng Chinese incursion sa WPS

Nakakuha ng commitment si Albay 1st district Rep. Edcel Lagman at House Committee on Appropriations mula mismo kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na ipagbibigay alam sa Kamara ang lawak na panghihimasok ng China sa West Philippine Sea. Sa naging interpelasyon ng kinatawan sa budget deliberation ng DENR, hiningi… Continue reading DENR, nangako sa Kamara na ipagbigay alam ang lawak ng Chinese incursion sa WPS