Baclaran Church, ipinapanukalang maging heritage site at tourist destination

Matapos ideklara ng National Museum ang Baclaran Church bilang isang “important cultural property,” naghain si Senador Jinggoy Estrada ng panukalang batas para hirangin ang National Shrine of Our Mother of Perpetual Help (Baclaran Church) at ang lugar sa paligid nito bilang isang heritage site at tourist destination. Sa kanyang Senate Bill 2278, sinabi ni Estrada… Continue reading Baclaran Church, ipinapanukalang maging heritage site at tourist destination

July 25 deadline ng SIM registration, pinal na dapat—Sen. Poe

Hindi pabor si Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe na palaiwigin pa o i-extend ang pagpaparehistro ng mga Subscriber Identity Module (SIM) pagkatapos ng deadline nito sa July 25. Kinatigan ni Poe ang komento ng ilan na wala nang maniniwala sa sinasabing resulta ng hindi pagpaparehistro ng mga SIM kung patuloy lang… Continue reading July 25 deadline ng SIM registration, pinal na dapat—Sen. Poe

LTFRB, nakahanda sa ikakasang transport strike ng ilang transport groups simula sa SONA

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakahanda ito sa ikakasang tatlong araw na transport strike ng ilang transport groups simula sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa July 24 hanggang July 26. Sa pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni LTFRB Board Member Mercy Jane Leynes… Continue reading LTFRB, nakahanda sa ikakasang transport strike ng ilang transport groups simula sa SONA

Law enforcement officers na magpapatupad ng Anti-Drunk Driving law, pinadadagdagan

Nais ng isang mambabatas na dagdagan ang mga otoridad na maaaring magpatupad ng batas at manghuli sa mga nagmamaneho na lasing o lulong sa impluwensya ng droga. Ayon kay Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan, hindi sapat ang tauhan ng Land Transportation Office (LTO) para hulihin ang mga lumalabag sa Republic Act 10586 o Anti-Drunk… Continue reading Law enforcement officers na magpapatupad ng Anti-Drunk Driving law, pinadadagdagan

₱51-M na maintenance cost ng New Clark City Sports Facility, pinuna ng COA

Pinuna ng Commission on Audit o COA ang gastos sa maintenance ng New Clark City sports facilities sa Capas, Tarlac na pinatatakbo ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA. Batay sa annual audit ng COA noong 2022, lumalabas na umabot sa P51 milyon ang maintenance cost ng NCC na ginamit noong Southeast Asian Games… Continue reading ₱51-M na maintenance cost ng New Clark City Sports Facility, pinuna ng COA

Pagtatayo ng rainwater harvesting facilities, nakikitang pangmatagalang solusyon sa kakapusan ng tubig na dulot ng El Niño

Binigyang diin ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na posibleng pangmatagalang solusyon at malaki ang maitutulong ng pagtatayo ng mga rainwater harvesting facility sa pagtindi ng epekto ng El Niño sa bansa. Una nang naghain si Revilla ng panukala kaugnay nito, o ang Senate Bill 990 noong Agosto 2022. Ayon sa senador, kailangan nang pagtuunan… Continue reading Pagtatayo ng rainwater harvesting facilities, nakikitang pangmatagalang solusyon sa kakapusan ng tubig na dulot ng El Niño

Pasig City LGU at ilang bike community organizations, may alok na libreng bike lesson

Upang mas mabigyan ng tamang edukasyon ang nais magbisikleta mula sa iba’t ibang bike riders’ community, nag-alok ang Pasig City Local Government ng bike lessons sa mga residente ng lungsod. Ayon sa Pasig City Transport, layon ng libreng bike lessons na maging aral ang bikers sa pagbibiskleta sa iba’t ibang lansangan, di lamang sa Pasig… Continue reading Pasig City LGU at ilang bike community organizations, may alok na libreng bike lesson

Pag-deactivate ng mga non-registered SIM, imo-monitor ng Senado

Tiniyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na babantayang maigi ng Senado ang automatic deactivation ng mga hindi maipaparehistrong Subscriber Identity Module (SIM), pagkatapos ng deadline ng SIM registration sa July 25. Ayon kay Villanueva, ang pag-monitor ng mga non-registered SIM ay makakatulong sa pagtugon sa pagbabawas o tuluyang pagsugpo ng mga scam at iba… Continue reading Pag-deactivate ng mga non-registered SIM, imo-monitor ng Senado

DPWH, magpapatupad ng road re-blocking sa C-5 Road sa Pasig City simula bukas hanggang Lunes

Magpapatupad ng road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa C-5 Road Northbound sa Pasig City simula bukas, July 14 ng 10PM hanggang Lunes July 17 ng 5AM. Kabilang sa maaapektuhang kalsada ang SMDC Gems Residences hanggang Julia Vargas Avenue Intersection – Lanes 3 at 4 sa Barangay Ugong. Ito ay upang… Continue reading DPWH, magpapatupad ng road re-blocking sa C-5 Road sa Pasig City simula bukas hanggang Lunes

US investors, interesadong mamuhunan sa Philippine Defense Industry

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang paghahayag ng interes ng American Investors na mamuhunan sa Security and Defense Industry ng Pilipinas. Ito ay sa pakikipagpulong ng kalihim kasama si National Security Adviser Eduardo M. Año sa delegasyon ng US Business Executives for National Security (BENS), sa pangunguna ni… Continue reading US investors, interesadong mamuhunan sa Philippine Defense Industry