VP Sara, pinapurihan ang bayan ng Liloan sa pagpapalakas ng tourism campaign nito at suporta sa business owners

Pinapurihan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang bayan ng Liloan sa Cebu para sa pagpapalakas ng tourism campaign nito upang lumakas ang kanilang ekonomiya. Sa pagdalo ng ikalawang pangulo sa 2023 Rosquillos Festival nitong weekend, sinabi niya na maganda ang ginagawang hakbang ng bayan ng Liloan na suportahan ang kanilang tourism campaign… Continue reading VP Sara, pinapurihan ang bayan ng Liloan sa pagpapalakas ng tourism campaign nito at suporta sa business owners

Alert Level Alpha, nakataas sa ilang lalawigang posibleng maapektuhan ng Bagyong Betty

Itinaas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha sa ilang lalawigan sa Luzon na posibleng maapektuhan ng Bagyong Betty. Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 88km/h at moderate to heavy hanggang sa intense rainfall ang… Continue reading Alert Level Alpha, nakataas sa ilang lalawigang posibleng maapektuhan ng Bagyong Betty

House leadership, kinalampag na ipasa ang panukalang magtataas sa teaching supplies allowance ng mga guro

Umapela si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa liderato ng Kamara na ipasa na rin ang bersyon nila ng panukalang batas na magtataas ng allowance ng mga guro para sa teaching supplies. Ito’y matapos pagtibayin ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ang “Kabalikat ng Pagtuturo Act” na siyang… Continue reading House leadership, kinalampag na ipasa ang panukalang magtataas sa teaching supplies allowance ng mga guro

Meralco, inihahanda na ang contingency plan sa magiging epekto ni Bagyong Betty

Naghahanda na ang Manila Electric Company o Meralco sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa bansa. Ayon kay Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, patuloy na magmo-monitor ang Meralco sa magiging paggalaw ng bagyo at makakaasa ang customers nito na handa ang kanilang crew na rumesponde 24/7 sa mga emergency… Continue reading Meralco, inihahanda na ang contingency plan sa magiging epekto ni Bagyong Betty

MIAA, muling naglabas ng flight cancellations ngayong umaga hinggil sa pagpasok ng Bagyong Betty sa bansa

Naglabas muli ng abiso ang pamunuan ng Manila International Airport Authority o MIAA ng flight cancellations ngayong umaga dahil sa sama ng panahon sa ilang flight destinations dulot ni bagyong Betty sa bansa. As of 7:54 ng umaga kanselado ang biyahe ng Philippine Airlines flights PR2932/2933 Manila – Basco – Manila at PR2198/2199 Manila –… Continue reading MIAA, muling naglabas ng flight cancellations ngayong umaga hinggil sa pagpasok ng Bagyong Betty sa bansa

CHED, inaprubahan ang pagbubukas ng medical education sa dalawang unibersidad sa Visayas at Mindanao

Mas maraming estudyante na ang magkakaroon ng access sa medical education sa Visayas at Mindanao. Ito kasunod ng pag-apruba ng Commission on Higher Education sa Doctor of Medicine programs sa Bohol Island State University (BISU) sa Tagbilaran, Bohol at University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP), sa Cagayan de Oro City. Ayon kay… Continue reading CHED, inaprubahan ang pagbubukas ng medical education sa dalawang unibersidad sa Visayas at Mindanao

Tatlong priority bills, nakatakdang aprubahan ng senado ngayong linggo

Ngayong huling linggo ng sesyon bago ang sine die adjournment ng kongreso, inaasahang ipapasa ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ang ilang priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) at mga sertipikadong urgent bills ng Malakañang. Kabilang na dito ang Maharlika Investment Fund bill, Trabaho Para sa Bayan bill, at ang Regional… Continue reading Tatlong priority bills, nakatakdang aprubahan ng senado ngayong linggo

MIF bill, hindi minamadali ng senado — Senate Majority Leader

Tiniyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi minamadali ng senado ang pagpapasa ng Maharlika Investment Fund bill. Inaasahang ngayong linggo ay maipapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang naturang panukala matapos itong sertipikahang urgent bill ng Malacañang. Ayon kay Villanueva, tatlong buwan nang tinatalakay sa mataas na kapulungan ang naturang… Continue reading MIF bill, hindi minamadali ng senado — Senate Majority Leader

Pre-inspection sa mga kargamaneto, suportado ng Cavite solon para iwas smuggling

Sinuportahan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang rekomendasyon ng Swiss company na Société Générale de Surveillance SA (SGS) na ipatupad ng Pilipinas ang pre-shipping inspection sa mga kargamentong papasok ng bansa upang masawata ang smuggling. Ayon sa mambabatas, magandang buhayin ang naturang sistema na dati nang ipinatupad noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E.… Continue reading Pre-inspection sa mga kargamaneto, suportado ng Cavite solon para iwas smuggling

DA, may nakahanda nang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang tatamaan ng Bagyong Betty

Tiniyak ng Department of Agriculture na nakalatag na ang mga intervention nito para sa mga magsasaka at mangingisdang maapektuhan ng pagtama ng Bagyong Betty. Sa tantsa ng DA, nasa higit 234,000 na ektarya ng palayan at maisan ang posibleng tamaan ng bagyo sa apat na rehiyon sa bansa. Sa ngayon ay aktibo na umano itong… Continue reading DA, may nakahanda nang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang tatamaan ng Bagyong Betty