DOTr, inatasan na ang attached agencies nito na maghanda sa posibleng epekto ng bagyong Mawar

Inatasan na ng Department of Transportation ang kanilang attached agenices na maging handa sa posibleng epekto ng pananalasa ng bagyong Mawar sa bansa. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, inatasan na niya ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, Philippine Ports Authority o PPA, Manila International Airport Authority o MIAA, Clark International Airport… Continue reading DOTr, inatasan na ang attached agencies nito na maghanda sa posibleng epekto ng bagyong Mawar

Price freeze, handang ipatupad ng DTI sakalaing may mga lugar na lubhang masasalanta ng Super Typhoon Mawar

Nakatutok na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa galaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa sa harap ng banta ng Super Typhoon Mawar. Ayon kay DTI-Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo, handa silang magpatupad ng price freeze sakali mang may mga lugar na lubhang maapektuhan ng kalamidad Nakadepende aniya ito sa… Continue reading Price freeze, handang ipatupad ng DTI sakalaing may mga lugar na lubhang masasalanta ng Super Typhoon Mawar

Northern Luzon Command, handa na sa bagyong Mawar

Nakahanda na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command (NOLCOM) sa pagpasok sa bansa ng Typhoon Mawar. Ayon kay AFP NOLCOM Commander Lieutenant General Fernyl Buca, pinatitiyak niya sa mga Commander ng iba’t ibang Joint Task Force sa ilalim ng NOLCOM ang kahandaan ng kanilang mga tauhan at maging mga reservist na… Continue reading Northern Luzon Command, handa na sa bagyong Mawar

AGRI Party-list solon, umaasang mabilis na mapagtitibay ng Kongreso ang Philippine Salt Industry Devt. Act

Positibo ang isang party-list solon na mabilis na aaksyunan ng Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas na layong muling buhayin at palakasin ang industriya ng asin sa bansa. Ayon kay AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang House Bill 8278 o “Philippine Salt Industry Development Act,” ay inaasahang makakalikha ng 3,000 hanggang 5,000 na trabaho lalo… Continue reading AGRI Party-list solon, umaasang mabilis na mapagtitibay ng Kongreso ang Philippine Salt Industry Devt. Act

69% ng mga Pilipino, nahihirapang maghanap ng trabaho ayon sa SWS

Malaking porsyento ng mga Pilipino ang aminadong nahihirapang maghanap ng trabaho sa ngayon, ayon ‘yan sa Social Weather Stations. Sa isinagawang survey ng SWS, lumalabas na 69% ng Filipino adults ang nahihirapang makahanap ng trabaho. 11% naman ang nagsabing madali lang maghanap ng trabaho. Sa kabila nito, kalahati naman ng mga Pinoy ang nananatiling kumpiyansa… Continue reading 69% ng mga Pilipino, nahihirapang maghanap ng trabaho ayon sa SWS

Tangkang pagpapasabog ng IED sa Cotabato City, napigilan ng AFP at PNP

Napigilan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang tangkang pagpapasabog ng apat na improvised explosive device (IED) sa Husky Terminal, Rosary Heights 10, Cotabato City. Ayon kay 6th Infantry Division at Joint Task Force Central Commander Major General Alex Rillera, narekober ang apat na pampasabog na nakasilid sa kahon… Continue reading Tangkang pagpapasabog ng IED sa Cotabato City, napigilan ng AFP at PNP

Warehouse sa Makati City na naglalaman ng mga umano’y smuggled na forklift, sinalakay ng Bureau of Customs

Bitbit ang Letter of Authority, pinasok ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Intelligence and Investigation Service ang isang warehouse na naglalaman ng mga imported na forklift sa Gil Puyat Ave. sa Makati City. Kasama nilang nag-inspeksyon sa warehouse ang Philippine Coast Guard. Ayon kay CIIS Chief Alvin Enciso, nakatanggap sila ng ulat na… Continue reading Warehouse sa Makati City na naglalaman ng mga umano’y smuggled na forklift, sinalakay ng Bureau of Customs

‘Usad pagong’ na paggamit ng pondo ng DICT, kailangan ayusin para maisakatuparan ang planong digitization ng Marcos Jr. administration

Umapela si House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na ayusin ang kanilang budget utilization. Batay kasi sa isinagawang oversight hearing ng House Committee on Appropriations, natukoy na  mababa ang budget utilization ng naturang ahensya. Bagay na nagpapabagal sa pagpapatupad ng kanilang mga programa para sa taumbayan, gaya… Continue reading ‘Usad pagong’ na paggamit ng pondo ng DICT, kailangan ayusin para maisakatuparan ang planong digitization ng Marcos Jr. administration

Muling pagtalakay sa  European Union-Philippines Free Trade Agreeement, itinutulak ni Finance Sec. Diokno

Itinutulak ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang  Free Trade Agreement sa pagitan ng  European Union at Pilipinas. Ito ang mensahe ni Diokno sa ginanap na European-Philippine Business Dialogue sa Manila na dinaluhan ng mga business leaders and government officials. Aniya, ang “geo-economic fragmentation and trade protectionism” ay pabigat lamang sa hamon na kinahaharap ng global… Continue reading Muling pagtalakay sa  European Union-Philippines Free Trade Agreeement, itinutulak ni Finance Sec. Diokno

Caloocan LGU, naghahanda na para sa pagpasok ng bagyong Mawar

Tuloy-tuloy na rin ang ginagawang paghahanda ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa nakaambang pananalasa ng Bagyong Mawar sa Metro Manila. Ayon kay CDRRMO Officer-in-Charge Dr. James Lao, may direktiba na si Caloocan City Mayor Along Malapitan na tutukan ang weather monitoring sa lungsod at magpatupad na rin agad ng mga hakbang… Continue reading Caloocan LGU, naghahanda na para sa pagpasok ng bagyong Mawar