Regional offices ng NDRRMC, OCD, pinaghahanda sa ‘El Niño’

Naglabas ng memorandum ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD) na nag-aatas sa lahat ng kanilang regional na tanggapan na magsagawa ng paghahanda para sa “El Niño.” Ito’y matapos ang pagpupulong ng NDRRMC kahapon kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kasunod ng pagtataas ng… Continue reading Regional offices ng NDRRMC, OCD, pinaghahanda sa ‘El Niño’

Pagbuo ng US-Philippine Labor Working Group, suportado ni Deputy Speaker Mendoza

Welcome para kay Deputy Speaker at TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza ang planong pagtatatag ng United States-Philippine Labor Working Group sa pagitan ng Pilipinas at US. Ayon sa kongresista, malaking bagay ang paghahayag nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden ng kanilang pagkilala sa labor rights kabilang na ang kalayaan… Continue reading Pagbuo ng US-Philippine Labor Working Group, suportado ni Deputy Speaker Mendoza

Sen. Pimentel, isinusulong ang pagrepaso sa IRR ng Anti-Agricultural Smuggling Law

Nais ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na rebyuhin ang implementing rules and regulations (IRR) ng Anti-Agricultural Smuggling Law (RA 10845) upang mas mabigyan na ito ng ngipin. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Justice tungkol sa panukalang magtatag ng Anti-Agricultural Smuggling Court, pinuna ni Pimentel na ang simpleng batas ay naging kumplikado dahil… Continue reading Sen. Pimentel, isinusulong ang pagrepaso sa IRR ng Anti-Agricultural Smuggling Law

Blended learning, dapat ipatupad sa gitna ng pinangangambahang El Niño — Mambabatas

Muling hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga principal at school heads na magpatupad ng blended learning sa gitna ng napakainit na panahon. Ipinanawagang muli ito ng Chairperson ng Senate Committee on Basic Education matapos baguhin at i-upgrade ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang kanilang warning status sa El Niño Alert… Continue reading Blended learning, dapat ipatupad sa gitna ng pinangangambahang El Niño — Mambabatas

20k pasahero, posibleng maapektuhan kasunod ng corrective maintenance ng CAAP

Muling nagsagawa ng pulong balitaan ang MIAA kaugnay sa isasagawang corrective maintenance sa air traffic managament center ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa May 17. Ayon kay MIAA OIC General Manager Bryan Co, posibleng nasa 20,000 pasahero ang maapektuhan nito o katumbas ng 130 flights. Higit sa 50% na mga flight na apektado… Continue reading 20k pasahero, posibleng maapektuhan kasunod ng corrective maintenance ng CAAP

Senador, nais isabatas ang automatic refund sa service interruptions ng mga telco at ISPs

Isinusulong ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada na maisabatas ang isang mekanismong magmamandato sa mga telecommunications companies (telcos) at internet service providers (ISP) na mag-refund sa kanilang mga subscriber kapag umabot ng 24 oras o higit pa ang pagkaantala ng kanilang serbisyo. Nakapaloob ito sa inihaing Senate Bill 2074 ng senador. Giit ni Estrada, patas lang… Continue reading Senador, nais isabatas ang automatic refund sa service interruptions ng mga telco at ISPs

Ugnayang pangdepensa ng Pilipinas at Cambodia, pinagtibay sa 3rd Joint Defense Cooperation Committee Meeting

Pinagtibay ng Pilipinas at Cambodia ang ugnayan nito sa ikatlong pagpupulong ng Joint Defense Cooperation Committee sa Phnom Penh, Cambodia. Kinatawan ni Department of National Defense (DND) Acting Undersecretary Angelito De Leon ang Pilipinas na siyang co-chairperson ng nasabing komite Kasama rin sa pagpupulong si Cambodia Minister Delegate Attached to the Prime Minister at Permanent… Continue reading Ugnayang pangdepensa ng Pilipinas at Cambodia, pinagtibay sa 3rd Joint Defense Cooperation Committee Meeting

GCG, hinamong pangunahan ang maayos at transparent na pagsisilbi sa bayan

Hinamon ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan ang Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG) na maging ehemplo sa iba pang lingkod-bayan, at manguna sa maayos at tapat na pagsisilbi. Ayon sa mambabatas, dapat ay lalo pang isabuhay ng GCG ang kanilang mantra na maging G.R.E.A.T. o ipatupad ang Good Governance, Rightsizing,… Continue reading GCG, hinamong pangunahan ang maayos at transparent na pagsisilbi sa bayan

24 na Pinoy repatriates mula sa Sudan, nakauwi na ng Pilipinas

Nakauwi na sa Pilipinas ang may 24 na Pilipinong nasagip ng pamahalaan matapos sumiklab ang civil war sa bansang Sudan. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dumating ang mga naturang Pinoy sakay ng Saudia Airlines flight SV862 kaninang mag-aalas-2 ng hapon. Kinabibilangan ito ng may 19 na Islamic students gayundin ng dalawang overseas Filipino… Continue reading 24 na Pinoy repatriates mula sa Sudan, nakauwi na ng Pilipinas

Mga Pulis na sangkot sa ilegal na droga, tiniyak na makakasuhan at makukulong ayon sa bagong PNP Chief

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal nilang isinasangkot sa ilegal na droga Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., papanagutin nila ang lahat ng mga opisyal ng PNP na mapapatunayang may koneksyon sa ilegal na droga partikular na sa pagkakasabat ng 990 kilos na shabu sa… Continue reading Mga Pulis na sangkot sa ilegal na droga, tiniyak na makakasuhan at makukulong ayon sa bagong PNP Chief