PNP, nakikipag-ugnayan sa CAAP sa posibleng pag-uwi ni Cong. Teves sa Pilipinas

Nakahanda ang Philippine National Police sakaling bumalik sa bansa si Congressman Arnie Teves. Ayon kay PNP SpokespersonGeneral Red Maranan, kabilang sa ginawang paghahanda ang pakikipag-ugnayan nila sa Civil Aviation Authority of the Philippines at inalerto ang mga Aviation Security Unit Chief sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Ito ay para malaman kung sakaling dumating si… Continue reading PNP, nakikipag-ugnayan sa CAAP sa posibleng pag-uwi ni Cong. Teves sa Pilipinas

Dating tagapagsalita ng DFA, itinalaga ng pangulo bilang ambassador sa Oman

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. si Department of Foreign Affairs Spokesperson Raul Hernandez bilang bagong ambassador sa Oman. Nilagdaan ng pangulo ang appointment ni Hernandez nitong nakaraang Biyernes, May 12. Si Hernandez ay nagsilbi na din bilang Philippine Ambassador to Turkey na may hurisdiksyon sa Georgia at Republic of Azerbaijan habang naging ambassador… Continue reading Dating tagapagsalita ng DFA, itinalaga ng pangulo bilang ambassador sa Oman

Fraudsters na sangkot sa“love scam” huli sa pagtutulunganng GCASH-QCD-ACT

Sa patuloy na pagpapaigting sa kanilang crackdown sa cybercrimes at iba pang fraudulent activities, matagumpay ulit na tinulungan ng GCash, ang nangungunang mobile wallet sa bansa, ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Cyber Response Unit sa pag-aresto sa isang Filipina at isang Nigerian national na sangkot sa tinatawag na “love scam” dahil sa panloloko… Continue reading Fraudsters na sangkot sa“love scam” huli sa pagtutulunganng GCASH-QCD-ACT

Mga magsasaka, nagpahayag ng pag-aalala sa tugon at diskarte ng gobyerno sa El Niño

Kailangan nang paghandaan ng lahat ng sektor ang paparating na El Niño sa bansa. Ayon kay Danilo Ramos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, asahan na raw na maaapektuhan ang critical areas kabilang ang suplay ng tubig, agrikultura, pagkain, enerhiya, at kalusugan. Bagamat sa susunod na buwan pa ganap mararamdaman ang El Niño, may dry spells… Continue reading Mga magsasaka, nagpahayag ng pag-aalala sa tugon at diskarte ng gobyerno sa El Niño

Tourism sector ng bansa, patuloy na palalakasin sa kabila ng naitatalang pagtaas sa COVID-19 cases

Hindi magpapatupad ng mas mahigpit na travel restriction ang Department of Tourism (DOT) kahit pa nakakakita ng pagtaas sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa. Pahayag ito ni Tourism Secretary Christina Frasco, kasunod ng naitalang higit 12,000 COVID cases ng Department of Health (DOH) noong nakaraang linggo. Sa press briefing sa Malacañang, binigyang diin ng… Continue reading Tourism sector ng bansa, patuloy na palalakasin sa kabila ng naitatalang pagtaas sa COVID-19 cases

Pagkakatalaga kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, aprubado na ng Commission on Appointments

Pasado na sa Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian. Sa naging committee hearing, kabilang sa mga natanong sa kalihim ang mga proyekto at programa ng ahensya. Kabilang sa mga binida ni Secretary Gatchalian ang streamlining at digitalization ng mga proseso ng pag-claim at pag-aapply… Continue reading Pagkakatalaga kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, aprubado na ng Commission on Appointments

BI at Commission on Filipino Overseas, nagkasundong magtutulungan vs. human trafficking, scammers at fixers

Pumirma sa isang Memorandum Agreement ang Bureau of Immigration (BI) at Commission on Filipino Overseas (CFO), upang lalo pang palakasin ang kampanya at giyera laban sa human trafficking, scammers at fixers. Sa isinagawang MOA signing, kapwa pinagtibay ng dalawang ahensya ang kanilang dedikasyon na matiyak ang maayos na serbisyo laban sa mga gumagawa ng ilegal… Continue reading BI at Commission on Filipino Overseas, nagkasundong magtutulungan vs. human trafficking, scammers at fixers

First Lady Liza Araneta Marcos, naghatid ng ‘Lab for All’ sa Batangas

Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta Marcos ang paglulunsad ng programang ‘Lab for All’ na layuning maghatid ng mura at de kalidad na laboratoryo sa mga mahihirap na Pilipino. Sa pagtutulungan ng Office of the President, Department of Health, at Department of the Interior and Local Government, sinimulan kanina sa Batangas ang unang pagbubukas ng… Continue reading First Lady Liza Araneta Marcos, naghatid ng ‘Lab for All’ sa Batangas

National Tourism Development Plan for 2023-2028, inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Tourism Development Plan 2023-2028, sa katatapos lamang na sectoral meeting sa Malacañang, ngayong araw (May 16). Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, isa lamang ito sa mga programa sa ilalim ng Marcos Jr. Administration, na layong palakasin ang domestic tourism ng bansa bilang pagkilala sa papel… Continue reading National Tourism Development Plan for 2023-2028, inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.

Higher Education Development Fund, pinagagamit ng isang mambabatas para sa scholarship ng mga mag-aaral

Kinalamapag ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Representative Paul Daza ang Commission on Higher Education (CHED), na gamitin ang P10 billion Higher Education Development Fund para sa scholarship ng mga mag-aaral. Ayon kay Daza, dapat ay gamitin na lamang din ng CHED ang naturang pondo para tulungan ang mga mag-aaral, matapos ang napaulat… Continue reading Higher Education Development Fund, pinagagamit ng isang mambabatas para sa scholarship ng mga mag-aaral