Committee chairmanships sa Senado, nagkaroon ng balasahan kasunod ng pagbabago sa Senate leadership

Dalawang araw matapos ang pagpapalit ng liderato ng Senado, nagkaroon rin ng balasahan sa committee chairmanships ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Matatandaang nang bumaba sa pwesto bilang Senate President si Senador Juan Miguel Zubiri, Majority Leader Senador Joel Villanueva, at Senate President Pro Tempore Senador Loren Legarda ay binitiwan rin ng mga kaalyado nilang… Continue reading Committee chairmanships sa Senado, nagkaroon ng balasahan kasunod ng pagbabago sa Senate leadership

ERC, BOI, nagkasundong palakasin pa ang pamumuhunan na may kinalaman sa enerhiya

Paiigtingin ng pamahalaan ang panghihikayat ng mas maraming mamumuhunan sa sektor ng enerhiya upang maging epektibo at episyente ang paghahatid ng serbisyo sa sambayanang Pilipino. Ito’y makaraang lumagda ng kasunduan ang Energy Regulatory Commission (ERC) gayundin ang Board of Investments (BoI) sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement. Ayon kay ERC Chairperson, Atty. Monalisa Dimalanta,… Continue reading ERC, BOI, nagkasundong palakasin pa ang pamumuhunan na may kinalaman sa enerhiya

2 miyembro ng PNP-SAF na sangkot sa “mooonlighting” sa isang Chinese national, inilagay sa restrictive custody

Inilagay na sa restrictive custody ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) ang dalawang tauhan nito na sangkot sa “moonlighting” matapos magsilbing bodyguard ng isang Chinese national. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, ito’y makaraang ipag-utos ng prosecutor’s office ang pagpapalaya sa 2 SAF commando sa kulungan. Nakasaad aniya… Continue reading 2 miyembro ng PNP-SAF na sangkot sa “mooonlighting” sa isang Chinese national, inilagay sa restrictive custody

2 fast attack craft, kinomisyon ng Philippine Navy

Pinangunahan ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. ang pag-komisyon ng dalawang bagong Fast Attack Interdiction Craft (FAIC) ng Philippine Navy. Ayon kay VAdm. Adaci, ang BRP Herminigildo Yurong (PG906) at BRP Laurence Narag (PG907) ay mahalagang asset para sa archipelagic defense na magpapahintulot ng rapid deployment at force projection… Continue reading 2 fast attack craft, kinomisyon ng Philippine Navy

Maritime Exercise ng Pilipinas at India, hindi na tuloy

Nagdesisyon ang Pilipinas at India na hindi na ituloy ang dapat sana’y Passing Exercise (PASSEX) ng mga barkong pandigma ng dalawang bansa sa territorial waters ng Pilipinas. Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad ito’y makaraang magdeklara ng isang araw na State of Mourning ang India kasunod ng… Continue reading Maritime Exercise ng Pilipinas at India, hindi na tuloy

Bamban Tarlac Mayor Guo, nanindigang Pilipino siya at hindi isang Chinese spy

Hindi maiwasan ng ilang mga senador na pagdudahan ang pagka Pilipino ni Bamban Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa mga kwestiyunableng impormasyon na nakalagay sa birth certificate nito. Matatandaang kabilang sa mga kwestiyon sa birth certificate ni Guo ay ang pagkakakilan ng kanyang mga magulang niyang sina Angelito Guo at Aamelia Leal maging ng kanyang… Continue reading Bamban Tarlac Mayor Guo, nanindigang Pilipino siya at hindi isang Chinese spy

Bamban Mayor Guo, hindi alam ang criminal ties ng mga kasosyo niya sa negosyo

Sinabi ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sa social media lang niya nalaman ang criminal record ng mga dayuhang business partner niya. Ayon kay Guo, matapos niya itong makita aa Facebook post ni Senadora Risa Hontiveros ay saka niya ito sinearch sa internet para malaman kung totoo nga ang mga criminal record ng mga… Continue reading Bamban Mayor Guo, hindi alam ang criminal ties ng mga kasosyo niya sa negosyo

Kamara, pinatawan ng parusang censure si Rep. Pantaleon Alvarez dahil sa disorderly behavior

Sa botong 186 affirmative, 5 against, at 7 abstention, pinagtibay ng Kamara ang rekomendasyon na patawan ng parusang censure si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez dahil sa disorderly behavior. Bunsod ito ng reklamo na inihain ni Tagum Mayor Ray T. Uy dahil sa umano’y libelous at seditious statement ni Alvarez sa isang rally. Kabilang… Continue reading Kamara, pinatawan ng parusang censure si Rep. Pantaleon Alvarez dahil sa disorderly behavior

Divorce Bill, pasado na sa Kamara

Sa botong 126 pabor 109 negative at 20 abstention, tuluyan nang lumusot sa Kamara ang House Bill 9349 o Absolute Divorce bill. Nakasaad sa panukala ay ang pagtiyak na sasailalim sa judicial process ang divorce petition upang tukuyin kung may sapat na batayan para sa diborsyo. Magkakaroon naman ng cooling-off period ng 60 araw upang… Continue reading Divorce Bill, pasado na sa Kamara

NEDA at United Nations, magtutulungan para paunlarin ang inclusive finance sa Pilipinas

Nagpulong sina National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at Queen Máxima ng Netherlands na siya rin Secretary-General ng United Nations Special Advocate for Inclusive Finance for Development (UNSGSA), upang palakasin ang financial inclusion sa Pilipinas. Kabilang sa tinalakay sa pulong ang open finance, isang sistema ng pagbabahagi ng datos ng mga kliyente… Continue reading NEDA at United Nations, magtutulungan para paunlarin ang inclusive finance sa Pilipinas