SSS, muling nag-alok ng condonation program para sa mga miyembrong hirap magbayad ng loan

Hinikayat ngayon ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nitong may unpaid loans na samantalahin ang pagbabalik ng alok nitong loan penalty condonation program. Ayon kay Social Security System (SSS) Executive Vice President for Investments Sector Rizaldy T. Capulong, nagdesisyon si SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na magpatupad muli ng… Continue reading SSS, muling nag-alok ng condonation program para sa mga miyembrong hirap magbayad ng loan

Pinsala ng El Niño sa agrikultura, lagpas na sa 1-bilyong piso

Lagpas na sa 1 bilyong piso ang halaga ng pinsala ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura. Batay ito sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Pinakamalaking pinsala ang tinamo ng Western Visayas kung saan nasa P678 milyon ang halaga ng nasirang pananim. Kasunod dito ang MIMAROPA na may… Continue reading Pinsala ng El Niño sa agrikultura, lagpas na sa 1-bilyong piso

Bureau of Immigration, nakatakdang magsagawa ng nationwide service caravan

Inihayag ng Bureau of Immigration ang kanilang gagawing paglulunsad na nationwide service caravan, na layong magbigay ng maginhawang access sa mga mahahalagang serbisyo para sa mga dayuhan sa mga piling lugar sa buong Pilipinas. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, sisimulan ngayon araw sa Garden Orchid Hotel sa Zamboanga City ang caravan. Kabilang pa sa… Continue reading Bureau of Immigration, nakatakdang magsagawa ng nationwide service caravan

Estados Unidos, kinondena ang paulit-ulit na iligal na aksyon ng China sa West Philippine Sea

Kinondena ng Estados Unidos ang paulit-ulit na panggugulo ng China sa pag-ehersisyo ng Pilipinas ng freedom of navigation sa West Philippine Sea. Ang pahayag ay inilabas ng US State Department kasunod ng huling insidente sa WPS kahapon kung saan binangga at binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas na… Continue reading Estados Unidos, kinondena ang paulit-ulit na iligal na aksyon ng China sa West Philippine Sea

Arrest warrant para dakpin ang mga pumatay sa brodkaster na si Juan Jumalon, ipinanawagan ng PTFoMS

Umaasa ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na maglalabas anumang oras ng warrant of arrest ang Misamis Occidental Regional Trial Court laban sa tatlong suspek sa pagpaslang kay Juan “DJ Johnny” Jumalon noong November 5, 2023. Sa pinakahuling update sa kaso mula kay Special Investigation Task Group Ground Commander at Misamis Occidental Provincial… Continue reading Arrest warrant para dakpin ang mga pumatay sa brodkaster na si Juan Jumalon, ipinanawagan ng PTFoMS

Pransya, nagpahayag ng pagkabahala sa huling insidente sa WPS

Nagpahayag ng pagkabahala ang Pransya sa huling insidente sa WPS sa pagitan ng Chinese Coast Guard at mga barko ng Pilipinas. Ang pahayag ay inilabas ng French Embassy sa Manila kasunod ng ginawang pagbangga at pagbomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard kahapon sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng Rotation and Resupply… Continue reading Pransya, nagpahayag ng pagkabahala sa huling insidente sa WPS

Online baggage declaration, inilunsad ng BOC para sa mga pasaherong patungo sa Cebu City

Ipapatupad ng Bureau of Customs–Port of Cebu ang e-Travel Customs System para payagan ang mga airline passenger at crew members na darating sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) na kumpletuhin ang customs baggage at currency declaration online. Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-digitalize ang lahat ng pamamaraan sa customs,… Continue reading Online baggage declaration, inilunsad ng BOC para sa mga pasaherong patungo sa Cebu City

Imbestigasyon ng Kamara sa landslide sa Davao de Oro, kasado na sa susunod na linggo

Tuloy na ang pagsisiyasat ng Kamara sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro kung saan umabot sa halos isang daan ang nasawi. Kinumpirma ito ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, na isa sa pangunahing may akda ng resolusyon. Aniya, pangungunahan ng Committee on Disaster Resilience na pinamumunuan ni Dinagat Islands Rep. Alan 1 Ecleo… Continue reading Imbestigasyon ng Kamara sa landslide sa Davao de Oro, kasado na sa susunod na linggo

₱48/kilo ng well-milled rice, mabibili sa Pasig City Mega Market

Bumaba pa sa ₱48 ang presyo sa kada kilo ng well-milled rice na nabibili ngayon sa Pasig City Mega Market. Ayon sa mga may-ari ng bigasan, nakakaya na nilang magbaba ng presyo dahil bukod sa pagdating ng imported na bigas ay may ilang sakahan na ang nag-aani. Dahil sa bagong ani, sinabi ng mga nagtitinda… Continue reading ₱48/kilo ng well-milled rice, mabibili sa Pasig City Mega Market

Task Force El Niño, muling nagpulong para talakayin ang panibagong developments sa kanilang mga hakbang

Muling nagpulong kahapon ang Task Force El Niño para tiyakin ang kanilang “coordinated efforts” sa pagtugon sa El Niño. Pinangunahan ni Task Force Chair at Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. ang pulong kung saan natakay ang mga hakbang na ginagawa ng iba’t-ibang ahensya para maibsan ang epekto ng matinding tagtuyot. Nagbigay ng update ang iba’t-ibang… Continue reading Task Force El Niño, muling nagpulong para talakayin ang panibagong developments sa kanilang mga hakbang