Transparency sa bicam ng panukalang pambansang budget, isusulong ni Sen. Imee Marcos

Susulat si Senadora Imee Marcos kina Senate President Chiz Escudero at Senate Committee on Finance para hilingin na maging mas transparent ang Bicameral Conference Committee para sa panukalang 2025 National budget. Ayon kay Senator Imee, ayaw na niyang maulit ang nangyari sa 2024 budget kung saan nagkaroon aniya ng mga insertions pagdating sa bicam. Kabilang… Continue reading Transparency sa bicam ng panukalang pambansang budget, isusulong ni Sen. Imee Marcos

Quad Comm, suportado ang panawagan ni Sen. Hontiveros na Committee of the Whole ang magsagawa ng imbestigasyon ng war on drugs

Bukas at suportado ng mga lider ng Quad Committee ang panawagan ni Senator Risa Hontiveros na ang Senate Committee of the Whole ang magsagawa ng imbestigasyon ukol sa war on drugs ng nakaraang administrasyon. Giit ni Quad Comm Lead Chair Representative Robert “Ace Barbers”, mahalaga rin ang pag iimbestiga ng Senado para matukoy ang katotohanan.… Continue reading Quad Comm, suportado ang panawagan ni Sen. Hontiveros na Committee of the Whole ang magsagawa ng imbestigasyon ng war on drugs

Sen. Hontiveros, iminumungkahing Senate Committee of the Whole ang humawak sa pagdinig ng war on drugs ng nakaraang admin

Photo courtesy of Senate of the Philippines Facebook Page

Iminumungkahi ni Senator Risa Hontiveros na Senate Committee of the Whole ang magsagawa ng senate inquiry patungkol sa war on drugs na pinatupad noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Hontiveros, mahalagang malaman ang katotohanan tungkol sa drug war lalo na aniya para sa mga pamilya ng mga biktima ng extra judicial killings… Continue reading Sen. Hontiveros, iminumungkahing Senate Committee of the Whole ang humawak sa pagdinig ng war on drugs ng nakaraang admin

COA Director, naniniwala na panahon nang repasuhin ang joint circular sa liquidation ng confidential at intelligence funds

Aminado ang isa sa mga direktor ng Commission on Audit (COA) na panahon nang repasuhin ang Joint Circular 01-2015, na may kaugnayan sa paglalabas, paggamit, pag-uulat at pagsusuri ng Confidential Funds (CF) at Intelligence Funds (IF). Ito’y matapos lumabas sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na gumastos ang Office of the Vice… Continue reading COA Director, naniniwala na panahon nang repasuhin ang joint circular sa liquidation ng confidential at intelligence funds

Mga senador, hinimok ang mga otoridad na huwag tantanan ang mga ‘underground POGO’

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa pamahalaan na palakasin pa ang task force na sumusugpo sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), sa gitna ng impormasyong laganap pa rin ang mga underground POGO sa kabila ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na total POGO ban. Ayon kay Hontiveros, dapat mabigyan ng ngipin ang… Continue reading Mga senador, hinimok ang mga otoridad na huwag tantanan ang mga ‘underground POGO’

Pagbibigay ng pardon sa 143 Pilipino, resulta ng magandang ugnayan ng Pilipinas at UAE; Dagdag tulong sa mga Pinoy na may kaso abroad, isinusulong

Para kay Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo, ang naisakatuparang pagbibigay ng pardon ng United Arab Emirates (UAE) sa 143 Pilipino ay bunga ng mahusay na liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa pakikipagtulungan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department… Continue reading Pagbibigay ng pardon sa 143 Pilipino, resulta ng magandang ugnayan ng Pilipinas at UAE; Dagdag tulong sa mga Pinoy na may kaso abroad, isinusulong

Dating Pangulong Duterte, ipapatawag sa ikakasang pagdinig ng Senado ukol sa war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Handa si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Dhairperson Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maimbestigahan ng kanyang komite ang war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay may kaugnayan sa pahayag ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na plano niyang maghain ng resolusyon para makapagkasa ng Senate inquiry tungkol… Continue reading Dating Pangulong Duterte, ipapatawag sa ikakasang pagdinig ng Senado ukol sa war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon

Deputy Speaker Duke Frasco, ikinalugod ang pagbasura ng Ombudsman sa inihaing kaso laban sa kaniya ukol sa pamamahagi ng ambulansya sa Danao City

Nagpasalamat si House Deputy Speaker at Cebu 5th District Representative Duke Frasco sa Office of the Ombudsman matapos ibasura sa pangalawang pagkakataon ang kasong inihain laban sa kaniya at kay Tourism Secretary Christina Frasco na noon ay mayor ng Liloan. Ang na-dismiss na kaso ay nag-ugat sa reklamong inihain ng mga lokal na opisyal ng… Continue reading Deputy Speaker Duke Frasco, ikinalugod ang pagbasura ng Ombudsman sa inihaing kaso laban sa kaniya ukol sa pamamahagi ng ambulansya sa Danao City

Quad Comm, hihingin ang tulong ng AMLC at COA para matukoy ang money trail sa sinasabing reward system ng war on drugs

Plano ng Quad Committee na pormal na hingin ang tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang sundan ang money trail na may kaugnayan sa sinasabing reward system sa war on drugs ng nakaraang administrasyon Naniniwala si Quad Comm co-chair Bienvenido “Benny” Abante Jr. na malaki ang maitutulong ng AMLC para maisiwalat ang naturang mga transaksyon,… Continue reading Quad Comm, hihingin ang tulong ng AMLC at COA para matukoy ang money trail sa sinasabing reward system ng war on drugs

House leaders, pinuri si PBBM sa pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at UAE

Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez ang magandang relasyong nabuo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates (UAE). Dahil aniya sa ugnayang ito ay nagawaran ng pardon ang 143 na Pilipino sa UAE sa atas na rin ni UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed. Kaya naman patuloy aniya silang… Continue reading House leaders, pinuri si PBBM sa pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at UAE