Social protection, edukasyon, at kalusugan ng lahat ng Pilipino, pinaglalaanan ng malaking pondo ng pamahalaan, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Kasabay ng pagpapalakas ng ekonomiya ng Pilipinas ang ginagawang pagpapaigting rin ng pamahalaan sa kakayahan ng mga Pilipino. Ito’y ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon, magandang kalusugan, at trabaho sa mga Pilipino. Sa ikalawang SONA ng pangulo, siniguro nito ang patuloy na paglalaan ng malaking pondo para… Continue reading Social protection, edukasyon, at kalusugan ng lahat ng Pilipino, pinaglalaanan ng malaking pondo ng pamahalaan, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Phishing at iba pang uri ng online fraud, pinadedeklara bilang economic sabotage

Ipinapanukala ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan, na ikonsidera bilang economic sabotage ang phishing at iba pang online scam. Sa ilalim ng House Bill 7976, ano mang panloloko gamit ang information and communications technology (ICT) ay tinukoy na malaking banta sa ating ekonomiya at dapat ikonsidera bilang economic sabotage. Aamyendahan nito ang Republic Act… Continue reading Phishing at iba pang uri ng online fraud, pinadedeklara bilang economic sabotage

DOJ, pinawi ang pangambang makasisira sa imahe ng Pilipinas ang pagbitiw sa ICC

Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na walang magiging epekto at hindi makasisira sa imahe ng Pilipinas ang tuluyang pagkalas nito sa International Criminal Court (ICC). Ito ang reaksyon ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla makaraang magsalita na mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa usapin. Sa pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ng… Continue reading DOJ, pinawi ang pangambang makasisira sa imahe ng Pilipinas ang pagbitiw sa ICC

Senate President Migz Zubiri, kontento sa mga nagawa ni Pangulong Marcos Jr. para sa ekonomiya ng Pilipinas

Kontento si Senate President Juan Miguel Zubiri sa mga ginagawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa Pilipinas, nitong nakalipas na isang taon ng panunungkulan nito. Kabilang sa mga ipinunto ni Zubiri ang pagbuti ng ekonomiya ng Pilipinas nitong nakalipas na taon, na unti-unti nang nakakabangon mula sa dagok ng pandemya. Aniya, sa ngayon… Continue reading Senate President Migz Zubiri, kontento sa mga nagawa ni Pangulong Marcos Jr. para sa ekonomiya ng Pilipinas

Sen. Cynthia Villar: Walang magiging balasahan sa liderato ng Senado

Walang nakikitang pagbabago si Senador Cynthia Villar sa magiging liderato ng Mataas na Kapulungan ngayong papalapit na ang pagbubukas ng 2nd regular session ng Senado. Sa Lunes ng umaga, bago ang ikalawang state of the nation address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay magbubukas ang sesyon ng Senado. Sa pagbubukas ng sesyon, may… Continue reading Sen. Cynthia Villar: Walang magiging balasahan sa liderato ng Senado

Sen. Grace Poe, umaasang matutupad ng DOTr ang pangakong masosolusyunan ang driver’s license card backlog sa September

Panghahawakan ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe ang commitment ng Department of Transportation (DOTr), na matutugunan na nito ang backlog sa mga driver’s license card pagdating ng Setyembre. Sinabi ni Poe, na matapos ang panahong iyon ay inaasahan niyang maisasaayos na rin ng ahensya ang sistema nito para makuha na agad… Continue reading Sen. Grace Poe, umaasang matutupad ng DOTr ang pangakong masosolusyunan ang driver’s license card backlog sa September

Dating DSWD Sec. Erwin Tulfo, ganap nang naiproklama bilang kinatawan ng ACT-CIS Partylist

Pormal nang naiproklama bilang kinatawan ng ACT-CIS Partylist si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo. Pinangunahan ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Socorro Inting ang pagbibigay ng certificate of proclamation kay Tulfo, bilang katibayan ng kanyang pag-upo bilang kinatawan sa Kamara. Isinagawa ang naturang proklamasyon sa session hall ng COMELEC… Continue reading Dating DSWD Sec. Erwin Tulfo, ganap nang naiproklama bilang kinatawan ng ACT-CIS Partylist

Senador Bato Dela Rosa, susundin ang payo ni Justice Secretary Remulla

Iiwasan muna ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na bumiyahe sa mga bansa na may impluwensya ang International Criminal Court (ICC) alinsunod na rin sa payo ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla. Ayon kay Dela Rosa, hindi na muna siya pupunta sa mga bansang friendly sa ICC para maiwasan ang anumang aberya.… Continue reading Senador Bato Dela Rosa, susundin ang payo ni Justice Secretary Remulla

DOF, PCO, dapat pagtulungan ang information campaign tungkol sa Maharlika Investment Fund—mambabatas

Hinikayat ng isang mambabatas na pagtulungan ng Department of Finance (DOF) at Presidential Communications Office (PCO) ang pagkakasa ng information and edcuation campaign patungkol sa Maharlika Investmant Fund (MIF). Ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, dapat magsanib pwersa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan  gamit ang traditional at social media, para maipaliwanag sa publiko… Continue reading DOF, PCO, dapat pagtulungan ang information campaign tungkol sa Maharlika Investment Fund—mambabatas

Nakaambang epekto ng El Niño, mas lalong nagpapalakas sa panawagan na itatag na ang Department of Water Resources

Isa sa mahahalagang hakbang ng pamahalaan para tugunan ang epekto ng El Niño ay ang pagtatatag ng Department of Water Resources. Ayon kay AGRI Party-list Representative Wilbert Lee, kailangang paghandaang mabuti ng pamahalaan ang El Niño lalo pa at inaasahan na makakaapekto ito sa mga pananim ngayong taon, partikular sa bigas. Paalala ng mambabatas, hindi… Continue reading Nakaambang epekto ng El Niño, mas lalong nagpapalakas sa panawagan na itatag na ang Department of Water Resources