Kongreso, nangakong tutulungan ang Philippine National Police

Nagkaroon ng pulong ang House leaders kasama si Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr. upang pag-usapan ang mga hakbang ng Kongreso na makakatulong sa mga pangangailangan ng kapulisan. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, bahagi ng nagpag-usapan ay ang Military and Uniformed Personnel (MUP) pension fund na kasalukuyang tinatalakay na sa Kongreso. Sakaling… Continue reading Kongreso, nangakong tutulungan ang Philippine National Police

Sen. Revilla, umapela sa MMDA, DPWH na aksyunan ang mabilis na pagbaha sa Metro Manila

Kinalampag ni Senate Committee on Public Works Chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na tugunan ang pagbaha sa Metro Manila. Ayon kay Revilla, dapat  agarang tukuyin ng MMDA at DPWH kung bakit napakabilis  ang pagbabaha  sa ilang mga lugar sa kalakhang… Continue reading Sen. Revilla, umapela sa MMDA, DPWH na aksyunan ang mabilis na pagbaha sa Metro Manila

Baclaran Church, ipinapanukalang maging heritage site at tourist destination

Matapos ideklara ng National Museum ang Baclaran Church bilang isang “important cultural property,” naghain si Senador Jinggoy Estrada ng panukalang batas para hirangin ang National Shrine of Our Mother of Perpetual Help (Baclaran Church) at ang lugar sa paligid nito bilang isang heritage site at tourist destination. Sa kanyang Senate Bill 2278, sinabi ni Estrada… Continue reading Baclaran Church, ipinapanukalang maging heritage site at tourist destination

July 25 deadline ng SIM registration, pinal na dapat—Sen. Poe

Hindi pabor si Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe na palaiwigin pa o i-extend ang pagpaparehistro ng mga Subscriber Identity Module (SIM) pagkatapos ng deadline nito sa July 25. Kinatigan ni Poe ang komento ng ilan na wala nang maniniwala sa sinasabing resulta ng hindi pagpaparehistro ng mga SIM kung patuloy lang… Continue reading July 25 deadline ng SIM registration, pinal na dapat—Sen. Poe

Pagtatayo ng rainwater harvesting facilities, nakikitang pangmatagalang solusyon sa kakapusan ng tubig na dulot ng El Niño

Binigyang diin ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na posibleng pangmatagalang solusyon at malaki ang maitutulong ng pagtatayo ng mga rainwater harvesting facility sa pagtindi ng epekto ng El Niño sa bansa. Una nang naghain si Revilla ng panukala kaugnay nito, o ang Senate Bill 990 noong Agosto 2022. Ayon sa senador, kailangan nang pagtuunan… Continue reading Pagtatayo ng rainwater harvesting facilities, nakikitang pangmatagalang solusyon sa kakapusan ng tubig na dulot ng El Niño

Pag-deactivate ng mga non-registered SIM, imo-monitor ng Senado

Tiniyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na babantayang maigi ng Senado ang automatic deactivation ng mga hindi maipaparehistrong Subscriber Identity Module (SIM), pagkatapos ng deadline ng SIM registration sa July 25. Ayon kay Villanueva, ang pag-monitor ng mga non-registered SIM ay makakatulong sa pagtugon sa pagbabawas o tuluyang pagsugpo ng mga scam at iba… Continue reading Pag-deactivate ng mga non-registered SIM, imo-monitor ng Senado

Paggamit ng drought resistant seeds, cloud seeding, mungkahi ng isang mambabatas

Upang maibsan ang epekto ng El Niño sa agrikultura, ilang hakbang ang inilatag ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee. Una aniya dito ang paggamit ng drought resistant seeds at pagbabago sa cropping season. Sa pamamagitan nito maaaring magtanim ang mga magsasaka ng mga pananim na hindi kailangan ng masyadong tubig. Nakikipag-ugnayan din aniya sila sa… Continue reading Paggamit ng drought resistant seeds, cloud seeding, mungkahi ng isang mambabatas

Sen. Poe, umaasang maisasama sa priority bill ang panukalang Department of Water Resources

Kung si Senador Grace Poe ang tatanungin, mas mainam kung maisama sa priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang panukalang pagtatatag ng Department of Water Resources. Ipinunto ng Senate Committee on Public Services Chairperson na kung magiging priority bill ito ay hindi malayong maging ganap na batas ito sa loob ng taong… Continue reading Sen. Poe, umaasang maisasama sa priority bill ang panukalang Department of Water Resources

Pagsusulong sa bagong Agrarian Reform Law, handang suportahan ng isang mambabatas

Suportado ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang panawagan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na magkaroon ng bagong Agrarian Reform Law. Ayon kay Lee, inaaral na nila ang posibleng paghahain ng panukala para sa pagkakaroon ng bagong agrarian reform. Batid naman aniya na 2014 nang mag-expire o magtapos ang batas para sa libreng pamamahagi ng… Continue reading Pagsusulong sa bagong Agrarian Reform Law, handang suportahan ng isang mambabatas

MTRCB, pinayagang ipalabas ng buo ang pelikulang ‘Barbie’; Senador Tolentino, dismayado sa desisyon

Pahintulutan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng buo sa pelikulang ‘Barbie’. Ito ay sa gitna ng panawagan ng ilan na i-ban sa Pilipinas ang pagpapalabas nito dahil sa isang eksenang nagpapakita ng nine-dash line claim ng China sa South China Sea. Kabilang sa mga tutol na ipalabas sa bansa… Continue reading MTRCB, pinayagang ipalabas ng buo ang pelikulang ‘Barbie’; Senador Tolentino, dismayado sa desisyon